Chereads / Im Your Master / Chapter 3 - 1

Chapter 3 - 1

Myxth

First day ko ngayon. Dapat good mood ako, dahil hindi ko nasya makikita sa buhay ko.

Muling akong naglakad sa Campus. Berdeng puno at ibat-ibang klaseng bulaklak ang nakita ko pagpasok ko palang dito.

Grabe! Different people with different personalities.

May nakita akong isang grupo ng babaeng pokpok, may loner, may hearttrob ng school, may basagulero at syempre di mawawala yung matatalino. Pero hindi ako kabilang sa kanila, because Im too different!

Dahil nalibang ako dito, diko na napansin na nawawala na pala ako. Shet first day. Late agad.

Muli akong naglakad para hanapin ang room ko which is Class 10!...

Yup! Tama kayo, ang pinakalast na section..

Nasa tapat nako ng Classroom namin.

GRADE 10-CLASS 10

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa aking pangalawang tahanan.

"WHAT'S UP CLASSMA---"-naputol sana ang first word ko sa first day nang nakita ko ang dapat hindi ko nakikita ngayon.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko kung multo lang ba yon o hindi pero totoo eh!

"Noooo!!!!!..... "-exaggerated kong sabi habang nakaluhod!

Nagsitinginan naman ang mga new classmates ko pati ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Lei!

Lalabas na sana ako sa klase ng may dumating na lalaki. Nasa mid-30's siguro sya pero ang cool ng dating.

"At saan ka naman pupunta Miss?"-tanong ng misteryosong lalaki sa kanyang harapan.

"Miss Weltherios. Para mali po kasi ako ng napasukang klase"-sagot ko sa lalakeng to.

"By the way I'm the class adviser for this section."- pagkakasabi niya nun inilibot niya muna ang mata niya sa paligid bago bumalik sa akin.

"What's your section Miss Weltherios?"- tanong niya saakin

"Class 10"- simpleng sagot ko sa kanya.

"Well this is class 10. So you may now proceed to your seat."

Inilibot ko ang paningin ko sa room at muling nagtama ang aming paningin. Tinignan ko lang siya ng masama. Pero iniwasan niya lang ito.

Nakakunot ang noo ko habang papunta sa table kung saan katabi ko ang hayop na yun. Wala akong choice dahil occupied na lahat ng table.

Bwisit! Hindi ko lang siya classmate, katabi ko pa! Malas na school year. Pero bakit nakapasok siya sa Class 10? Akala ko ba bookworm ang isang toh?

Padabog akong umupo sa silya. Tsaka tinignan nang masama ang katabi ko pero inirapan niya lang ako na syang nagpabwisit sa araw ko.

"Ok Class, Let introduce ourselves"-pagbungad na sabi ng adviser namin.

"I'm Frederick Asuncion. Your class adviser for this semester."- sabi niya sabay pa-cool sa amin.

"So now its your turn to introduce"-huling sabi niya sabay palakpak ng kamay at tinuro ang isang nakasalamin na babae.

Tumayo naman ang babae sa kanyang kinauupuan at pumunta sa harap.

"Konnichiwa! Hellydie Asamire. Heydie for short. I hope we can be friends!"- pagpapakilala ni Heydie sabay balik sa upuan.

May tumayo namang dalawang lalakeng magkamuka. Siguro kambal sila?

"Hello niggas! Im Jayppe Damascus"- sabi nung isa.

"And I'm Jaydde Damascus"- sabi naman nung isa.

"We are the ProHentai Brothers!"- sabay nilang sabi. Kambal talaga sila, parehong pareho ng ugali.

"Ok tama nayan kayong dalawa. Next!" - sabi ni sir at pinagtataboy ang kambal.

Sumunod ang isang babaeng nakaponytail. Wow! Ang cool niya.

"Denise."- yun lang ang sinabi. Wow! Parang amazona ang awra niya.

Sumunod naman ang lalaking mukhang mahiyain.

"Hi. I-im Francis De Jesus."- ang liit ng boses.

Sa tabi niya tumayo yung lalaking mukhang mabait at siguro matino.

"Xander Hades Fernandes. 16 years of age."

Matapos ang nakakahaba at boring na speech ng mga kaklase ko pero dahil dun di kami nakapagklase kaya mas okay nadin. Tumayo ang lalaking katabi ko kanina.

"I'm Maxther Lei Villanueva. If you will vote me as your class monitor I will do my duty. And to be a good impression to all of you. Thank you, that's all"- natapos din ang napakahaba niyang speech.

Ang ako ang panghuli. Kaya dapat ibigay ko ang best ko! Tama kailangan kong malamangan ang hayop na to!

"What's up MADLANG PIPOL! Hello everybody, bestbuddy. My name is Jherrly Myxth Weltherios. I will be your Bestfriend from now on!" - malakas kong sigaw na abot na yata hanggang bahay namin.

"Whooo!!"- naghiyawan naman yung dalawang unggoy. Tapis sumipol pa.

Napatango-tango lang ako. Dahil simula ngayong araw lalamangan ko na siya kahit anong mangyari.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko at nakadekwatrong umupo habang nakapatong ang dalawang braso ko sa mesa na para bang nag-iisip.

Kailangan kong makagawa nang paraan para malamangan ko ang lalakeng to!

Habang nagdidiscuss ang giro namin tungko sa rules and regulations pero hindi ako nakikinig pati nadin siguro ang mga klasmate ko dahil pansin kong umiingay na sa klase.

Pero parang estatwa na ang lalaking katabi ko na nakatingin lang sa adviser namin. Which is irritating.

Napaisip ako....

Kung hindi ko siya malalamangan sa subjects at grades, lalaban nalang ako bilang monitor!

"TAMA!"- diko na napansin dahil sa naisip kong magandang plano napatayo at napasigaw nalang ako at dahil dun nagsiringinan ang lahat saakin.

Ngumiti nalang ako nang matamis at umupo sa upuan ko napa rang walang nangyari. Itinuloy naman ng teacher namin yung discussion.

"Tsk. Stupid"- nakakairita nato ha?

At dahil sa pagkainis ko nasunggaban ko siya.

"Ano sabi mo unggoy?"- bulong ko na siguradong narinig niya.

"Dika lang pala bobo, bingi kapa"- napaismid nalang ako sa sagot niya.

Ginagalit talaga ako nito.

"Ha? Hindi mo lang alam pero mas magaling ako sayo! Malalamangan din kita!"- pabalang king bulong sa kanya.

"In your dreams"- yun lang ang sabi niya sabay tingin sa harap.

Matapos niyang sabihin yon hindi naniya ko pinansin, naging estatwa naman siya dahil dun.

"And that's all. Sana makapagcooperate kayo sa riles and regulations natin!"

Hay! Salamat at natapos din.

"Ok. Class, we will be electing our new officers for today Anyone who will accept as a monitor?"

Tumayo naman kaagad ang chimpanzee.

"Sir, I want to be the class monitor of this class!"- proud na sabi niya sa guro.

"Ok class, anyone who also wants to be the opponent of our candidate?"

Wala kahit isa ang tumayo o nagtaas man lang nang kamay dahil parang walang pakealam ang mga tao sa kung sino ang magiging monitor nila o hindi.

Ganyan talaga ang last section. Typical Class 10. Wala din sana akong pakealam sa mga officers pero nag-iba na ang pananaw ko sa buhay dahil may naligaw na kuting sa kweba ng mga leon.

I will make you live in hell. Maxther Lei Villanueva!