Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Paranormal Investigator's Experience

🇵🇭thunder003
1
Completed
--
NOT RATINGS
5.9k
Views
Synopsis
Ang Multo sa Abandonadong Gusali – A Paranormal Investigator’s Experience
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Multo sa Abandonadong Gusali – A Paranormal Investigator’s Experience

PARANORMAL INVESTIGATORS ang tatlong magkakaibigang sina Jeron, Diurdhun at JM. Baguhan pa lamang ang mga ito pagdating sa larangang kanilang pinili, kaya't wala pa silang masyadong alam kung ito man ay may makasalamuha na mga nilalang na galing sa ibang dimension.

Halos lahat ng kanilang mga ideya at mga nabiling kagamitan ay pawang sa YouTube lamang nila ito napanood. Parang napagtripan lang nila ang pagpasok sa ganitong uri nang pag imbestiga at pag vlog ng kanilang mga aktibidad.

Meron na din silang naimbestigahan na sementeryo noong mga nakaraang linggo, ngunit nabigo ang mga ito na makakalap ng mga nilalang galing sa ibang dimension. Mayroon na din itong mga 10 followers sa kanilang YouTube Channel. Ikalawa pa lamang nila itong pagka conduct ng imbestigasyon at napagplanuhan nilang tatlo na pasukin ang isang abandonadong gusali. Alam nila na kapag may makuha silang mga kakaibang videos at maipost ito sa YouTube ay tiyak na kikita sila nang malaki laking halaga lalo na pag mag trending o kaya ay mag viral ito.

"Pre, ako na bahala sa mga camera na gagamitin." tugon ni Jeron sa mga kasama habang eksayted itong iniimpake ang kanyang dadalhing maliit na bag para sa kanilang gagawin mamayang gabi.

Gusto nila kasing pasukin ang gusali mga alas diyes nang gabi at plano nilang doon na magpa umaga. Wala naman din kasi itong gaanong gwardiya kaya alam nila na makakapasok ang mga ito ng hindi mahahalata.

Medyo luma na ang nasabing gusali dahil noong panahon pa ito ng mga Amerikano itinayo. Ginawa din itong garrison ng mga Hapones at dito inilagay ang kanilang mga kasamang nasugatan o di kaya ay namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kaya ito ang kanilang napili na lokasyon para gawin ang kanilang ikalawang imbestigasyon tungkol sa mga multo at kakaibang nilalang. Marami na din kasing mga kwento kwento tungkol sa mga nagpapakita sa abandonadong gusali na ito.

Tiniyak ni JM na ready na ang kanilang mga dadalhin. Nakahanda na din ang kanilang flashlight, audio and video recorder, EMP, infrared at iba pang kagamitan na napanood nila sa YouTube para gamitin sa kanilang imbestigasyon

"Ok na to. Good to go na tayo mga tol." nakangiting sabi ni JM sa mga kasama habang nilalagay nito sa kanyang bag ang huling gamit para sa kanilang gagawin na pag iimbestiga.

Tuwang tuwa ang tatlo habang nagkakape di kalayuan sa gusaling kanilang papasukin mamaya. Inaabangan nila ang dalawang gwardiya na naka poste sa gate ng nasabing gusali. Alam nila na bihira lang itong mag ronda dahil sa palagay nila ay natatakot din ito na maglibot libot sa nasabing gusali.

"Pre, alas diyes na. Maya konti ay papasok na tayo. Doon na tayo dumaan sa itinuro ng kaibigan ko na may sirang bakod." nakangiting tugon ni Diurdhun sa mga kasama nito. Nagbayad kasi ito sa isang tambay na kaibigan niya para alamin ang pweding madaanan nila para makapasok sa abandonadong gusali.

Dali daling tinungo ng magkakaibigan ang naturang daraanan nilang bakod. Medyo mababa lamang ito at pweding akyatin kaya't di na sila nag aksaya pa ng oras. Agad nilang inakyat ito saka tinalon.

May kadiliman din ang lugar kung saan sila dumaan. Napaka tahimik ng paligid at ni isang insekto ay wala kang marinig na nag iingay. Nagsitayuan agad ang balahibo ng tatlo dahil alam nila na kakaiba talaga ang lugar na kanilang pinasok.

Kinuha ni JM ang kanyang maliit na flashlight at pinaandar na din niya ang kanyang video camera para maka pag record. Ganoon din ang ginawa nina Jeron at Diurdhun, kinuha nila ang naka atang na gamit sa kanila, ang EMP ay pinaandar ni Jeron at infrared naman ang naka tuka kay Diurhdun para makasagap ito ng kakaiba sa lugar.

Agad nilang tinungo ang unang palapag. Parang pusa silang gumalaw para di sila mahalata ng mga gwardiya ng naturang gusali.

Tinutok nila ang mga gamit sa bawat sulok ng kwarto na kanilang napasok ngunit wala itong nakuha o nasagap na kakaiba.

Napagpasyahan nila na akyatin ang ikalawang palapag. Ang gusaling ito ay mayroon tatlong palapag. Makikita dito ang mga sirang pinto at mga kwartong pinamahayan na ng gagamba at mga pesteng daga. Nakakalat din ang ibang gamit sa mga dinaanan nila. Mga lumang kumot na sa palagay nila ay may mga dugo pa, sirang unan, mga basag na baso/pinggan at kung ano-ano pa. Eksayted ang tatlo dahil ngayon pa lang nila na experience ang ganitong uri ng adventure sa kanilang buhay.

Abalang abala si JM sa pagkuha ng videos sa mga sulok na kanyang madaanan, habang sina Jeron at Diurdhun naman ay nakasunod sa kanya na hawak hawak ang EMP at Infrared. May halong takot, excitement at pagkamangha ang kanilang nadarama habang tinututukan nila ng flashlight ang huling kwartong napasok nila. Sa likod nito makikita ang mga tumubong kahoy na hinubog ng panahon.

Mag aalas dose y medya na ang nakapagkit sa relo ni JM ng tiningnan niya ito. Nagyaya si Diurdhun na akyatin na nila ang huling palapag nang mayroong marinig ito na sitsit.

"Siiiit, siiiiit." ito ang nakapagpatayo ng kanyang balahibo habang nilalapitan si JM at tinanong kung mayroon itong narinig na sitsit.

"Pre, ano ka ba! Tayo tayo lang naman ang nandito. Wag ka naman manakot." tugon ni JM kay Diurdhun habang vinevideo nito ang isang puno na malapit sa kanilang kwarto na pinasok.

"Umaalis na kaaayo ditooo. Aaaahhh Haahh hahhhh." ito ang narinig ng tatlong magkakaibigan. Nagkatinginan sila habang naka tutok ang video ni JM sa isang puno. Kinilabutan ang mga ito sa kanilang narinig. Di nila makakaila na tatlo sila mismo ang nakarinig ng mahihina pero nakakatakot na boses ng isang babae. Boses na nanggaling sa hukay.

"Pre, di na ata maganda to. Umalis na kaya tayo dito!" natatakot na saad ni Jeron sa mga kasama pero binalewala lamang ito ng dalawang kaibigan niya.

"Ano ka ba pre? Pumunta nga tayo dito para mag imbestiga." pampalakas loob na tugon ni JM sa kasama, pero mahahalatang natatakot na din ito dahil sa narinig. Sinegundahan na din ito ni Diurdhun dahil masasayang lang ang pagod nila pag umatras pa sila ngayong napasok na nila ang abandonadong gusali.

"Creeek, Crrrreeeeek." ito ang narinig ng tatlo. Galing ito sa lumang pinto sa kabilang kwarto kaya't agad nila itong pinuntahan.

Nasa bungad na sila ng kwarto ng hinampas sila ng malamig na hangin. Di nila ito alam kong saan nanggaling ang malamig na hanging dumampi sa kanilang balat. Nagsitayuan ang balahibo nila habang naka tutok ang video ni JM sa may lumang aparador. Nagtataka ito dahil parang mamamatay ang kanyang video gayong 75% pa ang baterya nito.

Ang EMP naman ni Jeron ay gumana na pero parang di niya ito maintindihan. Nanginginig na din ang kanyang kamay habang hawak hawak ang kanyang device nang biglang nagsilaglagan ang mga gamit na nakapatong sa aparador. Napalundag si Diurdhun dahil sa pagkabigla, gayong si Jeron naman ay napatili dahil sa nasaksihang pangyayari. Muntik na ding mabitawan ni JM ang kanyang video recorder dahil sa pagkabigla. Tagaktak na ang pawis nila habang nanginginig dahil sa nasaksihan.

Napatutok ang flashlight nila sa isang kwarto kung saan mayroong silang narinig na boses. Nangilabot ang lahat ng may biglang lumitaw na isang pigura sa naturang kwarto. Nakayuko ito at nababalutan ng sirang kumot. Naka tabon ang buhok nito sa kanyang maputlang mukha. Kuhang kuha ito sa video cam ni JM habang sila naman ay nagsisigawan. Napalakas ang mga tili ng tatlo ng biglang lumakad ito papunta sa kanila. Di magkamayaw na sigawan at banggaan ng tatlo kung saan sila tatakbo dahil sa kanilang pagkalito at pagkatakot.

Napaihi pa si JM dahil sa nangyari. Nabitawan pa nito ang video cam at ang kanyang flashlight na hawak, kaya't napahawak na lamang ito sa damit ni Jeron dahilan ng pagka punit punit ito. Nagsisigaw na din si Diurdhun dahil sa nasaksihan. Nanginginig ang kamay nito habang tumatakbo sa lokasyon ng mga kasama. Dahil sa pagkataranta ay mabilis nilang nilisan ang lugar. Nagkatisod pa ang mga ito habang bumababa ng hagdan sa naturang gusali at takot na takot na tinakbo ang lugar kong saan sila pumasok.

Narinig ng mga gwardiya ang mga tili at hiyawan ng mga kabataan kaya't napamura ang mga ito.

"Aba, tang-ina, may nangahas pa na pumasok sa abandonadong gusali na ito. Di ba nila alam na haunted ang lugar na ito! ito ang napamurang tugon ng gwardiya habang naririnig nila ang hiyawan ng mga kabataan.

Nakaalis nga ang tatlong magkakaibigan dala ang karanasan na hindi malilimutan saka ang mga galos sa katawan dahil sa kanilang pagkataranta at pagkatakot at dahil doon ay naiwan nila ang dalang video cam kaya't nanlulumo ang mga ito.

Inikot ng mga gwardiya ang nasabing gusali kinaumagahan. Nakita nila ang naka on pa na video camera ng mga trespasser na mga kabataan kaya't tiningnan nila ito.

Napahagalpak ang mga ito sa katatawa ng matuklasan ang mga na videohan ng mga kabataan.

"T*ang ina pre! Hahahah!" tawang tawa ito habang hawak hawak ang tiyan niya. Nakita nila sa video ang baliw na si Maria na minsan nakakalusot sa gusali upang matulog. Nakatalukbong ito ng kumot at mayroong pulbo ang mukha kaya't makikita ang namumutlang mukha nito sa video.

Di magkamayaw na tawanan ng dalawa. Doon nila napagtanto na si Maria lang pala ang multo sa abandonadong gusali, ang palaging gumagawa ng ingay tuwing gabi pag ito ay maka lusot at makapasok ng gusali.

Hindi na din bumalik pa ang mga kabataan doon sa abandonadong gusali, at inabandona na rin nila ang kanilang pagiging PARANORMAL INVESTIGATORS!

=====WAKAS=====