Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Until the Day Comes

πŸ‡΅πŸ‡­IamCess
--
chs / week
--
NOT RATINGS
56.2k
Views
Synopsis
Wag kang magmahal kung hindi pa handa ang puso mong wasak Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak. Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan. Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha. Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw. Bago mo ko muling lapitan, Tumingin ka sa salamin at tanungin ang sarili β€œHanda na ba ko muling magmahal?” Handa ka na bang sumabak muli. Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat at wag iasa na sa muling pag mahal Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso. Wag kang magmahal kung alam mong wasak na wasak kapa Magmahal ka kapag handa kana Kapag buo kana Kasi kahit anong pag pilit mo Kahit anong pagtangka mo Puso mo ang kalaban Puso mo ang nahihirapan Kaya habang hindi pa huli ang lahat, Wag mo akong mahalin kung ang puso mo Wasak pa rin sa bakas ng kahapon. β€”- Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana. Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay. Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas. β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”β€”- This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody. Thank you again and God Bless you all
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Flashback to 7 years ago at Clifford Private School

"Ren, buti pinili moko?" Patanong na sabi ng mahigit dalawang taon ko ng girlfriend na si Allyza. Hindi ko alam kung bakit bigla niya nanaman akong tinatanong ng mga bagay na matagal ko ng na explain sakanya. Siguro naghahanap nanaman ng ikakakilig to.

Hinarap ko siya sabay hawak sa dalawa niyang cute na pisngi at hinalikan ang kanya matangos na ilong.

"Kasi Mahal Kita" Pangiti kong sinabi sabay pisil sa kanyang pisngi. Alam ko naman na ayaw na ayaw niyang pinipisil yung pisngi niya pero minsan hindi ko na maiwas sa sobrang cute niya. Inalis niya yung kamay ko sa kanyang pisngi at kanya itong hinawakan. Halos hindi niya pinansin yung pang-aasar ko sakanya sa pag pisil ko ng cheeks niya. Hinarap niya ko tsaka ko nakita yung lungkot sa mga mata niya.

"Third year high school na tayo, di ka ba nagsasawa sakin? For sure marami pa din yung nagpaparamdam sayo" Nang marinig ko yung sinabi niya agad akong natawa. I mean, I've always known that she has this side na naiinsecure and nagseselos everytime nalang na may nagpapay attention sakin, dapat nga by this time pagod nako, tired of telling her na wala lang yung mga yun because my heart and loyalty is with her. But I will never get tired na iassure siya and pakita sakanya na siya lang talaga. I love her too much and I don't want her to have any reason to doubt my love for her. Kaya kahit ilang beses pa kami bumalik sa usapang ito, okay lang atleast nalalambing ko din siya.

"Baby, two years na tayo and sobra kaya kitang pinaghirapang pasagutin. Ngayon paba ko maghahanap ng bago eh nasa akin na yung best for me. No way no. Kahit pa mag sawa ka sakin, I will never get tired of you" Paglambing ko sakanya, at obvious na obvious namang gusto niya yung naririnig niya sakin agad ding namula yung cheeks niya, like always whenever she gets embarrass.

I smiled seeing how beautiful she is, so dahan dahan ko siyang niyakap at nilagay ang aking kamay sa kanya ulo. I wanted her to feel secure in my embrace because I know that, that is what she needs. Maybe she feels afraid again, I can't blame her for that. My family name calls a lot of attention and I do get tons of attention from girls but Allyza is the one for me. Hindi niya alam kung gaano niya ko napasaya nung sinagot niya ko, pati na rin nong araw na dimating siya sa buhay ko.

She's way too different that the other girls na nakilala ko. At kahit pa High School palang kami, I'm willing to do everything in my power to make her happy and wait for her until we achieve our dreams. Tsaka, pinalaki ako ng parents ko na malaki ang respeto sa babae and to always be loyal. I'm at a point na kahit may mag hubad pa sa harapan ko, kay Allyza pa rin ako titingin.

"Sweet talaga ng boyfriend ko. I'm so lucky to have you and by far, you are the greatest decision I ever made" Pa cheer na sinabi ni Ally sabay halik sa dalawa kong pisngi. Since nasa school premises kami, super strict sila sa PDA so kinailangan kong tumingin sa paligid at baka may maka kita saming dalawa at ma detention pa kami. Syempre pang takip ko lang din yon kasi feeling ko, namumula na din ako sa tuwa sa pagka sweet ng girlfriend ko.

"Mas swerte ako sayo, Maganda na, Matalino pa. Pero above all, Super down to earth. Wala nang hihigit pa sayo" Kinurot niya kong muli na may kasama ng panggigil at siya tumayo. Inayos niya ang kanyang uniporme at tiningnan ako ng may halong saya at yung lungkot na meron siya kanina tuluyan ng nabura sakanyang mga mata.

"I love you babe" Pabulong niyang sinabi at doon mismo, sa oras na yon. Sa ilalim ng punong acacia, doon ko nalamang siya lang ang panghabang buhay kong mamahalin at wala ng iba pa.

I feel like I already have everything, a supportive parents who dedicated their lives para sakin and sa kinabukasan ko. I can get whatever I want because our business is getting better but my mom taught me to only buy the necessary things and not to gamble or take risks at buying tons of stuff. Meron akong friends na alam kong totoo sakin at higit sa lahat. Meron akong Allyza na pinaparamdam sakin araw araw kung gaano niya ko ka mahal. I couldn't ask for more because I was contented. Everything is going great.

And then... things fade

And I was left broken.