Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

If I was Your Boyfriend

šŸ‡µšŸ‡­Kaye_Meyer
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.4k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - PRELUDE

Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa past life at ganito ako kung malasin sa pag-ibig. Lahat na lang ng mamahalin ko kung hindi epic, hindi naman ako mahal. Napabuntong hininga ako at inilagay ko sa likod ng ulo ko yung dalawa kong kamay. Buti na lang talaga bakasyon na. Maipapahinga ko na ang utak ko sa napakaraming mathematical problems. Napadaan ako sa park kung saan ko unang nakilala yung mga kababata kong sila Troy, Julia, Mico at Kershelle. Si Troy at Julia lang yata ang sinuwerte sa aming lima dahil sila na talaga ngayon. Si Mico at Kershelle kasi naghiwalay din. At ako? Ito, all alone. Nagka-girlfriend din naman ako. Grabe naman kayo sa akin. Siya si Hannah Lyanah Perez pero kasi bigla siyang nawala ng ilang buwan at bumalik lang siya para sabihin sa akin na kasal na siya. Iyak 'di ba? Bigla akong iniwan sa ere.

Sakit kaya no'n sobra. Akala ko siya na yung huling babaeng mamahalin ko. Akala ko siya na yung papakasalan ko at makakasama habang buhay. Hindi pala. In this world full of "I thought", when will I be able to say "For sure"?

Arghhh!! Enough Rayke!

Umupo ako ng isa sa mga bench. Akmang ilalagay ko na sana yung earphones ko nang may marinig akong nag-uusap.

"You Wrong!"

Ano daw? Mali yung grammar eh. Dapat "you're wrong" Hay naku. Mga kabataan talaga ngayon.

"I need you and I love you"

"Stop the drama and drop your point. Stop beating around the bush"

Woah! Dinaig pa si Mico sa pagka-cold ah!

"Wrong, when will you come back to me? I want you back!"

Wrong? Wait nalilito na ako. Sumilip na ako sa kanila.

Tumawa ng sarkastiko yung lalaki.

"When will you come back to me? Please...I want you back"

"Y-you want me...back? Gusto mong magkabalikan tayo?"

Tumango yung babae.

Teka, bakit biglang kumalabog yung puso ko nung tiningnan ko yung babae? Siguro dahil nakikita ko sa mga mata niya yung pagsusumamo, pagsisisi at higit sa lahat yung pagmamahal niya sa lalaking kaharap niya.

Miss, whoever you are if I was your boyfriend, I'll accept your apologies no matter what is it.

If I was your boyfriend, I'll love you no matter how hard and painful it is.

Because love is not just about happiness, it is also about the pain you should endure when the twists and turns comes.

Hay. Makaalis na nga lang. Ayoko ng makinig sa drama nila. Sana lang talaga, maayos nila 'yang problema nila. Pero may mga problema talagang hindi na naaayos at napupunta na lang sa wala.

At sa bawat pagtatapos ay bago na namang simula na dapat nating mahalin at pahalagahan.

My forever love?

Kailan ka ba darating sa buhay ko?