Chereads / Karicha's Baby / Chapter 7 - KB-7

Chapter 7 - KB-7

Dear Diary,

Darating na mamaya ang Kuya AJ at ang uncle niya na si Kuya Renz. Na-eexcite na ako, ipapakilala ko sa kanila ang baby ko, si Goku my white Siberian Husky.

Waaah! It's been a li'l while nang huli ko sila makita, si Ate AnHe, 'di daw makakadalaw kasi may previous engagement daw. Hmmm?

Sincerely yours,

Karicha

Sinalubong ni Kari ang kanyang mga kuya sa harap ng kanilang bahay, katabi niya pa si Goku. "Wow! Mas excited ka pa sa pupunta ah?" tukso ni Ark.

"Syempre, minsan lang kami magkita-kita, kailangan looking forward ako." Naiisip pa lang ni Kari yung mga itsura ng kanyang mga kuya, kinikilig na siya. Miski lagi niya nakikita sa Ig ang dalawa, iba pa rin kung in person.

"Kari bata!" Ginulu-gulo ni Renz ang buhok niya. "Kuya! I just combed my hair."

Three years ang agwat nila at talagang, naiintimidate si Ark Shi sa kanila.

Nang nasa harap na ni AJ si Kari, niyakap niya ito agad. "I missed you little Kari."

Kari has a long curly hair na laging nakalugay. Tinatali niya lang pag may sports siyang ginagawa. "I missed you too, kyah!"

Nakita ni Quelly ang dalawa niyang anak, at hindi niya napigilan na lumuha. "Heol! Ang lalaki niyo na talaga, dati rati, nanabunot pa ng buhok si Kari at noon, napaka-anti-social ng AJ ko."

Niyakap niya ang dalawa at hinalikan ang mga ulo. "Bagay talaga kayo na maging magkapatid, at bagay na ako ang nanay niyo."

Napangiti si Aj sa nasabi ng kanyang adoptive mother, until he was three. "Ito na pala yung baby mo? Hi Goku!" Dinambahan naman siya ng aso at muntik pa siya madilaan sa pisngi." Umiwas siya kasi may pagka-germaphobe siya.

"Heel, Goku!" utos ni Ark. "Sit!" umupo naman ito.

"Wow! Well trained ah?" nagkatinginan ang dalawa. Passive ang tingin ni Ark sa kanya. "Pasok na tayo, nagluto si Daddy ng adobo, our fave!"

Halos lahat sa pamilya o mga kaibigan ni Alfred ay nagiging fave ang Adobong manok na luto niya.

Nang makapasok sila, nandun na sa high chair niya si Pink Vienna, anak ni Alfred.

"Nah, nauna pa talaga si Pink!" sambit ni Quelly. But, she loves the kid so much kahit na noong una, she felt left out nang ipanganak ito, 7 months ago. "Syempre, siya ang bida ngayon, it's her 7th month!"

Naghiyawan sila at pinalo-palo in a cute way ni Pink ang kanyang high chair tray.