Ngayon ay last week ng November kaya ramdam na ramdam mo na talaga ang lamig ng hangin. Kanina, sa school, ay hindi kami masyadong tumambay ni Opay sa labas dahil nga sa panahon. Niyaya ko siya kung gusto niya ba akong samahan sa pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ni Ace . Yes, I reached him on facebook. Someone I know happened to be his friend, kaya naman talagang maituturing kong swerte ako ngayon. Pero pupunta pala si Opay sa hospital at pinatawag siya ng Mommy niya. Kaya mag-isa ako ngayong naghihintay dito sa food chain kung saan ko siya nakitang binati si Ace.
Hinatid ko muna si Ace sa amin bago ako nagpunta dito, alam din nitong kaibigan niya na dapat ilihim kay Ace ang pagkikita namin. By the way, he is Reynold.
"Sorry, kanina ka pa ba?", bigla na lang siyang sumulpot sa kung saan. Sa tono ng pananalita niya ay halatang magkalayo ang edad nila ni Ace.
"Alam kong nag-aalala ka kay Ace.", bungad na salita niya.
"Ilang taon ka na?", tanong ko dahil napapansin kong hindi siya nag-po sa akin.
Nagulat ako sa isinagot niya "21". Matanda pa siya sakin. Napatingin na lang ako at winawari kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Alam kong mahirap paniwalaan dahil baby face ako.", he smirked. "Biro lang. Nag-stop kasi ako ng limang taon sa pag-aaral. Hindi kasi madaling pagsabayin ang paglalaro ng computer at ang pagpasok sa school."
"So, mas pinili mo ang computer?"
"Oo. Yun kasi ang hilig ko, hindi ang magbasa ng libro.", tumawa siya.
Napatitig na lang ulit ako sa kanya, matutuwa ba ako kagaya niya? O maiinis ako dahil parang tama ang hinala ko na masamang impluwensya siya kay Ace?
"Pero nagbago na ako." Itinaas niya ang gitarang dala niya. "Binago ako ng musika".
"Paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?"
Iniangat niya ulit ang gitarang dala niya. "Dito?", nagtaas ako ng kilay. Anung ibig niyang sabihin? "Palagi ko siyang nahuhuli noon na nakasilip sa amin. Kahit saan ang lugar ng jamming naming magkakaibigan ay nandun siya. Nakita ko sa mga mata niya na uhaw siya sa isang bagay. Nakita ko kung paano niya titigan ang mga daliri ko habang tumitipa ako sa gitara. Isang araw ay niyakag ko siyang sumama samin. Nagulat pa nga yung kapatid mo nun. Kung kaya ko lang i-drawing ang reaksyon niya non, mapapakita ko sayo.", nagkukwento siya sa tonong parang joke lang ang lahat.
"Baka magduda na sa akin si Ace kapag nagtagal pa ako.", sabi ko sa kanya. Nagets niya naman agad na nababagalan ako sa kwento niya.
"Nung araw na sumama siya samin, dun ko nakita yung ngiti niyang minsan ko na ring naisuot nung unang beses akong nakatapos ng isang kanta sa gitara. Madali siyang natuto at sa amin niya lang din pinakita na may talent din pala siya sa pagkanta. Simula noon ay lagi na siyang sumasama samin. Pati sa 4PM practice namin ay sumasama siya, bumuo kasi ako ng banda sa section namin."
"So, kayo nga yung dahilan kung bakit hindi niya pinapasukan ang chemistry subject niya?", galit na tanong ko.
Pero ngumiti lang itong kausap ko. "Alam na namin na yan ang iniisip niyong lahat. Na bad influence kami kay Ace. Kahit ang totoo, yung bata mismo ang may gustong sumama sa practice namin kasi gusto niyang sumali sa isang banda. Pangarap niya yun. Hindi namin siya pinipilit. Minsan na nga rin namin siyang pinagtaguan pero ganun pa rin, nabalitaan naming hindi pa rin siya pumasok sa kahahanap samin. Nung araw na nagkita tayo dito, yun din yung araw na kinausap ko si Ace tungkol sa ginagawa niya. Kagaya mo, gusto ko lang din namang itama ang pagkakamali niya."
"Pero hindi siya papayagan ni Mama. Ayaw ni Mama na humawak siya ng gitara."
"Yun din ang isang problema. Kaya ayaw na ayaw niyang malaman niyo kung saan siya nagpupunta tuwing alas-kwatro at kung bakit palagi siyang sumasama sa amin. Pero ako na ang magmamakaawa sa iyo, tulungan mo siya. Tulungan mong ipaunawa sa Mama niyo kung ano ang masasayang kapag hindi pinagpatuloy ni Ace ang pangarap niyang ito. Ako na ang magsasabi nito, malayo ang pwede niyang marating at pwede ko siyang tulungan dun. Payagan niyo lang siya."
Umuwi akong hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig ko. Alam kong may boses si Ace at alam ko ring hilig niya ang manuod ng band performances, hindi ko man lang naisip na yun pala ang pangarap niya.
Trace: Hi?
Louisa: Kung makikipag-usap ka lang ulit para galitin ako, wag na lang. Stop bothering me.
Trace: I noticed that you just saw my message awhile ago. You didn't read it, do you?
Louisa: Wala akong pakialam.
Trace: Look, I'm sorry. I promise I'll be good.
Louisa: Bakit ako ang kinukulit mo. Wala ka bang kaibigan? O kaklase? O kapitbahay man lang? Mga kamag-anak? Sino ka ba talaga? And please, speak in straight tagalog, para naman hindi ako mag-doubt kung saang bansa ka nabibilang.
Trace: That was the longest message I've ever received from you.
Louisa: Shut up!
Trace: Just kidding. Sige, I will speak tagalog.
Louisa: But you didn't.
Trace: Ito na nga. Haha. Ako si Trace Velasco, syempre may mga kaibigan ako at kamag-anak. Kapitbahay? Well, the houses here are quiet far from each other. Bilang ba yun as kapitbahay?
Ugh. Straight tagalog talaga yan sa kanya ah?
Louisa: Nakatira ka ba sa subdivision?
Trace: Sort of?
Louisa: Yung para kayong isang compound. May gate bago kayo makapasok sa subdivision, may guard at mas safe tirahan.
Trace: I know what subdivision is. Hindi ko lang alam ang isasagot. Walang gate at guard dito, pero puro streets. Then yung bahay magkakalayo.
Louisa: Matanong ko nga, sa Philippines ba yan?
Trace: Haha. How old are you? Marami ka ng natanong pero hindi mo pa rin sinasagot yan.
Louisa: Answer me first.
Trace: Bakit marunong akong magtagalog?
Louisa: Because you just can.
Trace: So, how old are you?
Louisa: ARE YOU FROM PHILIPPINES OR NOT?
Trace: Trace is a foreign name but that doesn't mean that I'm not a Filipino. I can speak and understand Tagalog too.
Louisa: But that doesn't mean that you're from the Philippines.
Trace: Okay. Hindi ko na pipilitin na maniwala ka sa akin.
Hindi ko na siya muling nireplyan. Pero sadyang makulit siya.
Trace: You just wrote your birthday in your profile's basic information but you did not mention the year. February 14 of what year?
Louisa: I'm 19. Solve it for yourself!
------
Lumipas pa ang ilang araw ay nakasama na sa routine ko ang makipag-chat kay Trace. Ewan ko ba, dahil siguro misteryoso siya ay naging interesado na rin ako sa kung anung klaseng buhay mayroon siya. Naisip ko na baka magkatulad kami at naghahanap siya ng kakampi.
Trace: Hindi ka pumapasok sa school?
Hindi ko napansing online pala siya dahil cellphone lang ang gamit ko. Nasa school kasi ako at wala si Opay, absent siya dahil may lakad sila.
Louisa: Pumapasok ako sa mismong gate ng school.
Trace: Haha. Fine. So, why are you online?
Louisa: Why are you online too? Wala ka ba sa school?
Trace: Kanina pa. Home schooled ako.
Louisa: Rich kid.
Trace: Why are you like that?
Louisa: Like what?
Trace: You keep on talking to me but you're always not in the mood.
Louisa: Wala. Pasensya na. Hindi ko kasi talaga alam kung sino ka at kung saan ka nanggaling kaya ganito ako makipag-usap sayo.
Trace: But all friends started with being strangers right?
Ikaw na! Ikaw na palaging may words of wisdom.
Louisa: Ilan kaming friends mo sa facebook? Bakit ako lang yata ang kinakausap mo?
Trace: Is that prohibited? I only have 3 friends here.
Louisa: Bakit? Pero mukha namang hindi ka bago sa paggamit ng facebook. Sa pagtatype nga hindi ka hirap.
Trace: Yes, I'm not. Could we talk about this on some other time?
Louisa: Ok. Anung ginagawa mo?
Trace: Cooking dinner.
Trace: I mean, lunch.
Louisa: Marunong ka magluto? But you're a guy.
Trace: Yup. What's wrong with being a guy who knows how to cook?
Louisa: Wala. Cool. Kadalasan kasi babae ang may talent sa pagluluto.
Trace: But that doesn't mean that guys can't do your part.
Louisa: Ang totoo, hindi ako marunong magluto. Kaya humanga ako na marunong ka.
Trace: Wait
I don't know what's that 'wait' for. Pero hindi na nga siya nagreply. Baka nasunog yung niluluto. Kawawa naman, ako pa ata ang dahilan.
Trace: Just had to answer that phone call. By the way, how do you celebrate your Christmas?
Louisa: Sama-sama lang kami sa bahay.
Trace: You don't go to mall or any perfect place to enjoy Christmas?
Louisa: Saan ba ang perfect place for Christmas? Hindi ba kahit saan naman? Enjoy din naman sa bahay. Anyway, I have to go.
Nagugutom na kasi ako at kailangan ko nang kumain.
Trace: Why? Is it already 2PM?
Louisa: Bakit nagtatanong ka sakin? Wala ba kayong orasan sa bahay?
Trace: I know that you have to eat lunch. Okay, go! Eatwell :)
Louisa: You're weird. Yung mga sagot mo, malayo lagi sa putukan.
Trace: Not all questions are required to be answered. Some are just statements in a form of question which have obvious answers. You don't need to response to that, right?
Now, I'm being so curious about him, the way he talks and his choice of words, as well as his implied personality. Parang may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Totoong tao ba ang kausap ko?
Kinabukasan naman ay nakapasok na si Opay at hindi niya na agad pinatahimik ang kaluluwa ko.
Sakto kasing makarating ako sa gate ng school ay pababa naman si Opay ng sasakyan nila, "Waaaaaaaaaaaaaaaah! Louisa! May goodnews ako sayo!" pasigaw na bati niya.
"Ang aga-aga Opay! Hinaan mo naman yang boses mo. Alam mo ba ang tahimik ng mundo ko kahapon", pabirong sabi ko. May inabot siya saking paper bag. "May letter ka ba sa loob na nagsasabing hindi ka na kailanman magiging makulit sakin? Magandang surprise yun, Opay."
"Nope for that. But yes, it is really a great surprise", para siyang kinikilig na hindi ko maintindihan. "Tara na!" yakag niya kaya dumiretso na agad kami sa first room namin.
Walang oras akong pinipilit ni Opay na buksan ko na ang paper bag at magkwento ako sa kung ano ang napag-usapan namin ni Trace kahapon. Pero hindi ko siya pinagbibigyan kaya umuwi siyang sawi sakin.
"You know what, Ace... bakit hindi mo ipakilala sa akin yang mga kaibigan mo? Sa amin ni Mama? Sila ba yung nakita natin sa foodchain last time? Bakit hindi mo sila imbitahing pumunta sa bahay paminsan? Hindi ka pa nakakapagdala ng kaibigan mo sa bahay kahit kailan ah", singit ko sa katahimikan habang naglalakad kami pauwi ni Ace.
"Hindi yun kailangan", sagot niya lang sakin.
"Kung may gusto kang sabihin kay Mama pero hindi mo masabi, sakin na lang. Makikinig ako sa'yo.", pero hindi siya sumagot. Ayoko namang gulatin siya ngayon at sabihing nakausap ko ang kaibigan niya kaya alam ko na ang totoo. "Alam mo kung may gusto kang gawin, gawin mo na ngayon pa lang. Kung sa tingin mong may hahadlang, hayaan mo lang. Basta ipakita mo na kaya mo. Sigurado ako, magiging proud din ang lahat sa'yo."
"Hindi ko alam yang mga sinasabi mo, Ate. Kasasama mo kasi yan sa bestfriend mong madaldal.", at nauna na siyang pumasok sa bahay namin.
NEW MESSAGE: Louisa, anung gagawin mo ngayong Christmas? P.S. Pakibuksan na yung paper bag. Love yah!
Ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng text message. Anu bang meron sa Christmas? Kinuha ko naman ang paper bag na sinasabi niya. Anu nga kaya ang laman nito? Bakit ba kanina niya pa ako pinipilit?
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!", hindi ko napigilang mapasigaw at dali-dali akong bumaba sa sala nung oras na makita ko ang laman ng paper bag. Sari-saring uri ng candy ito at isang concert ticket.
YES! Concert ng Elixir Band dito sa Pilipinas!
"Anung nangyari sayo?", tanong ni Ace na parang nakakita ng multo. Iniharap ko sa kanya ang hawak ko.
Sakto namang kauuwi lang ni Mama galing sa trabaho. "Anung nangyari, Louisa?", katulad ng ginawa ko kay Ace ay iniharap ko din sa kanila ang ticket na hawak ko.
"Anu yan, anak?", tanong ni Ate Maddy.
"Concert ticket po ito. May concert ang Elixir sa Christmas Eve dito sa Pilipinas, Mamaaaa! Papayagan mo ako diba?"
"Sinayang mo ang pera mo para sa isang ticket na yan?", galit na tanong ni Mama.
Umakyat na sa taas si Ace. Mukhang ayaw niyang mapakinggan pa ang magiging usapan namin ni Mama.
"Ma, hindi ko po ito binili. Binigay po sa akin ni Opay.", I said calmly. Nabawasan ang excitement level na naramdaman ko kanina, hindi yata ako papayagan ni Mama.
"Ibalik mo kay Opay yan bukas, hindi ka kamo makakasama.", sabi ni Mama at nagpunta na siya sa kwarto niya.
Gusto kong sundan siya, gusto kong tanungin kung hindi na ba magbabago ang isip niya, kung bakit ayaw niya at kung hindi niya ba ako hahayaang maging masaya kahit isang beses lang. She knows how boring my life is, ngayon na nga lang ito nagkakakulay nung naging kaibigan ko si Opay at nung humanga ako sa Elixir.
Pero kailanman ay hindi ko pa yun ginagawa. I never questioned her decisions.
But this? It's a once in a lifetime experience! Hindi ko alam kung mauuulit pa ba ang ang pagkakataon na ito. Meron na akong libreng ticket, makikita ko pa sila. Makakapanuod ba ako kung hindi dahil kay Opay? Hindi! Dahil alam kong hindi ko kayang isipin na bumibili ako ng isang mamahaling concert ticket.
Take note: It's a VIP ticket! For Peter's sake! OhMyGod!
Malungkot akong umakyat sa kwarto ko at nag-status na lang sa facebook para kahit papaano ay mapagaan ang loob ko.
I think LIFE is like a jigsaw puzzle ... the wrong thing is that I guess I might not find the perfect pieces to solve my own life.
Katulad nung mga nakaraang araw, isang tao lang ang palagi kong nakakausap kapag malungkot ako.
Trace: What do you mean by that?
Louisa: Nah. Naisip ko lang yon. Wag mo na intindihin.
Trace: Hindi ba yung mga bagay na naiisip natin, yun yung mga bagay na madalas nating problemahin?
Louisa: Not at all. Yung iba naiisip mo kasi yun yung makakapagpasaya sayo.
Trace: I get your point. What I'm saying is that, you can't say anything about jigsaw puzzle unless it has something to do with your life, with you.
Louisa: May kahihinatnan ba itong usapan natin?
Trace: Hahaha. Kumain ka na ba?
Louisa: Nope. Busog pa ako.
Trace: Paano kung makatulugan mo na hindi ka pa kumakain?
Louisa: Eh di tulog. Bukas na kakain.
Trace: You're weird. Health is wealth. Don't you know that?
Louisa: Anu kita ngayon? Nanay?
Trace: Haha. How's your day?
Louisa: I'm good. Thank you.
Trace: You're supposed to tell me a story.
Louisa: Anung story naman?
Trace: When I ask you about your day, you have to answer why it becomes good. You have to tell me the whole story. Or maybe just a little bit, so I can have a clue why you become good all day.
Louisa: No need. I'm just good. That's all.
Trace: Okay. I'm trying to be your friend, but you didn't show much of interest to be my friend.
Louisa: You're already my friend.
Trace: Yes, on facebook.
Ayokong maniwala na talagang ako lang ang kinukulit niya palagi pero parang may nagsasabi na maniwala na ako. Maniwala na ako sa kanya. Bakit ang bilis niya magreply? Bakit hanggang ngayon tatlo pa rin kaming friends niya sa facebook. Hindi ko inistalk ang timeline niya, well tiningnan ko lang naman kung may picture siya kahit isa. But unfortunately, wala.
Louisa: Bakit wala kang kahit isang picture?
Trace: I am not that 'selfie-guy' like what others does everyday.
Louisa: But at least one, you should have at least one.
Trace: Is that required?
Louisa: Yes. For you to be my REAL friend.
Hindi na siya sumagot pero na-seen niya ang message ko. Bakit kaya?
Louisa: Ayoko lang na kinakausap kita pero kahit isang picture mo wala akong makita.
Trace: Up to now, you didn't trust me?
Louisa: Hindi sa ganun. Pero alam mo ang ibig kong sabihin.
Trace: Okay. I'll send you a picture one of these days but please not now and could we please talk about it on some other time?
Louisa: Bakit?
Trace: Do you trust me?
Ayan na naman siya. He's being mysterious again. But why am I feeling this? Bakit parang tiwala ako sa kanya? Dahil ba ito yung unang beses na may nakipag-usap sa isang boring na katulad ko?
Louisa: Okay. But please, wag mong papaabutin ng bagong taon.
Trace: Haha. Okay!
Mahaba-haba na rin ang usapan namin nung biglang hindi na siya nagreply.
Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako sa desisyon ni Mama. Hindi ko iyon sinabi kay Trace dahil baka hindi niya lang ako maintindihan. But I think I really need something right now. Something to cheer me up.
Louisa: Trace
Louisa: Gising ka pa ba?
Or someone to cheer me up.
Louisa: Tulog ka na siguro. Gusto ko lang kasi ng makakausap ngayon. Pasensya ka na kung pagbukas mo puro messages ko ang mababasa mo. Wag mo na lang pansinin ah. Lilipas din naman ito hindi ba? Lilipas din itong bigat na nararamdaman ko ngayon.
Louisa: Naranasan mo na bang tanungin yung buhay ng ilang beses na. Yung tipong hindi mo na alam kung nabubuhay ka na lang ba para tanungin ang mundo kung anung nangyayari sa buhay mo. Ang gulo no? Haha.
Louisa: Siguro nga tama ka na hindi ko naman maiisip yung jigsaw puzzle kung wala itong kinalaman sa buhay ko. Feeling ko kasi ako yung puzzle, yung mga tanong ko ang missing pieces, hangga't hindi ito nasasagot eh feeling ko kulang pa rin ang pagkatao ko.
Louisa: HAHAHA. Para akong baliw ano? Sigurado bukas kapag nabasa mo ito, okay na ako. Sleepwell. Good night!
Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin siya online. Hindi niya pa rin nababasa ang messages ko. Ngunit kung kailan naman pabagsak na ang mata ko ay saka naman may tumawag sa messenger ko.
Nung makita kong si Trace ang tumatawag ay may bigla na lang akong naramdaman. Ito yung naramdaman ko nung una akong nag-message kay Blake. Yung abnormal na pagtibok ng puso. Bakit ganon? Kinakabahan ba akong maririnig ko ang boses niya.
You missed a call from Trace.
Trace: Be glad that you have so many questions in your life. It means that you're normal but you can live extraordinarily. Haha! I'm sorry if I'm late. But I'm hoping that you're okay now. Good night :)
Trace: You're still awake?
Sabi niya nung mapansin niyang na-seen ko ang message niya.
Louisa: Hindi ako makatulog but your message cheers me up, seriously. Thank you, Trace. Ikaw bakit gising ka pa?
Trace: Nasa byahe ako going somewhere. I think you need to sleep, Louie.
Louisa: Louie? Anu ako lalaki, Tracey? HAHA.
Trace: I made you laugh! Haha. So, you're okay now? Why Tracey? It sounds weird.
Louisa: Yes, dahil yata sayo. Haha. What's weirder than yourself? Haha.
Trace: You laugh again! That's three times now. Ha!
Louisa: Bakit ba ang big deal ng tawa ko? Hindi na ba dapat ako tumawa kahit kailan?
Trace: No, what I'm saying is I can make you laugh now without any effort. :)
Louisa: No, you still can't, TRACEY. Nakatsamba ka lang.
Trace: What's "Nakatsamba"?
Louisa: Trace? Hindi mo alam kung ano ang "tsamba?"
Trace: Sorry. I read it in a wrong way. I know. Luck, right?
Louisa: Ah okay. Ipapabalik na sana kita sa Grade 1 eh. Haha.
Trace: Hey! You really need to sleep.
Louisa: Wait! Hindi ba sinabi mo kanina na magkwento ako kung bakit naging okay ang araw ko? Ngayon sasabihin ko sayo kung ano yung nagpasaya sakin kanina.
Trace: But I thought you have a problem.
Louisa: Bago mangyari yon, may magandang nangyari sakin. Wait, ipapakita ko na lang ang picture sayo. (picture ng concert ticket)
Trace: (Big smiley face emoticon)
Mag-rereply pa sana ako ng bigla siyang nagpadala rin ng picture.
Trace: (Picture of his hand holding the same concert ticket)
Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Is it?
Trace: That means, I'm going to see you on Christmas Eve, Louisa? Am I really in luck? :)
Inilapag ko na ang cellphone ko sa study table ko, hindi na ako nagreply sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko tuloy nasabi sa kanya na yun nga ang problema ko, na hindi ako pinayagan.
Shit! Anu itong nararamdaman ko?