Chereads / My Wacky Girlfriend / Chapter 66 - Chapter 60 - End

Chapter 66 - Chapter 60 - End

A/N

Thank you for all the support from the beginning 'til the end. MWG is made within a time frame of 5 years from 2014-2019! Kaloka. Haha. Hanggang sa muli, wackies. x

--

Chapter 60 – End

• ALYNNA MARIE PAREDES •

[Pagkalipas ng tatlong taon...]

"Shibs." Sabi ko habang pinapatay ko yung alarm ko. Alas sais na ng gabi. Bakit ba kasi ako nakatulog ng hapon, hay nako.

"Huy, Shibama, gising na." galaw ko sa kanya.

"Arf." sabi niya. Ay pasaway talaga, ayaw pa gumising. At talagang siya pa ang nagagalit ha. Muntik pa akong kagatin ng loko. Minsan talaga namumuro na sakin itong asong 'to eh. Sarap itapon sa kanal eh. Manang mana sa tunay niyang amo eh.

Si Shibama nga pala, aso namin ni Sky. Baby-babyhan namin ni Sky. Regalo din siya sa akin ni Sky para naman daw di na ako malungkot sa pagkawala ng kaibigan ko. Kamukha din siya ni Shibama talaga, sa totoo lang. Pitbull kasi yung lahi niya. Yung breed ng aso na puro muscles. Bagay na bagay kay Shibama kasi puro muscles din naman siya noong nabubuhay pa siya eh. Edi ayan, parang di rin talaga siya nawala. Hinuhug ko yan lagi, kaso minsan parang kakagatin ako. Pero kapag malungkot ako, nagpapahug naman yan. Ang cute nga niyan nung unang binigay sa akin ni Sky yan, kaso ngayon na 3 yrs old na siya, naging bato na yung mukha eh. Hindi na cute. Parang si Shibama lang talaga. Bakla din kaya yang aso na yan?

Nung namatay si Shibama di na rin ako bumalik sa Bohol.

Pinapunta nalang ni Janina si papa, Caloy at Merylle at muli niya kaming pinatira dun sa Millennium heights. Nagkaroon ng trabaho si papa sa Maynila bilang taga tinda ng Milk Tea sa isang mall. Ang sarap ng mga gawang milk tea ni papa. Kop Kun Cup boba milk tea yung pangalan nung shop at sobrang sarap talaga. Sa tatlong taon, mataas na din ang naging posisyon ni papa sa Milk Tea Shop na yun, manager na kasi siya ng isang branch sa megamall. Si Caloy naman, bumalik na ulit sa pagtratrabaho niya sa fastfood. Mabilis naman natanggap muli si Caloy nung nag apply siya kasi masipag at mapagkakatiwalaan talaga siya. Kami naman ni Merylle, siyempre, balik pag-aaral kami, sa ECB. Nabigyan si Merylle ng scholarship nung Dean siyempre salamat sa tulong ni ate. Isang taon ang tanda ko kay merylle kaya naman ako ngayon ay gra-graduate na, siya next year pa. Sila na rin ni Caloy ang nagkatuluyan. Okay na rin ang relasyon namin ni Merylle kasi siguro natanggap niya na di ko naman aagawin si Caloy sa kanya dahil si Sky lang ang mahal ko.

Kami naman si Sky, balik lang kami sa dati. Nag-aaral lang kami at gra-graduate na kami ngayong taon. Wala naman kaming masyadong naging problema sa loob ng tatlong taon. Pero hindi rin naman kami perpekto. Siyempre, nag-aaway kami. Nagkakatampuhan. At kung ano ano pa. May oras noon na nagalit ako sobra sa kanya kasi na-adik ba naman mag casino?! Alam ko mayaman siya pero di naman niya kailangan magwalgas ng pera sa pagsusugal. May oras din na siya naman yung nagalit sa akin kasi na-adik ako maglaro sa PC na tila ba wala na yata akong oras para sa kanya. Natuwa kasi ako masyado sa mga battle royal na laro eh. Lalo na yung PUB-G, yun yung paborito ko at inaabot ako ng magdamag kapag nilalaro ko iyon. Pinagseselosan pa nga niya yung mga nakakalaro ko eh, kahit wala naman binatbat sa kaniya yung mga itsura nun. Pero tulad ng lahat ng problema, natapos din at nagbati din kami. Siguro ganon talaga ang buhay. Magkakaproblema ka tapos matatapos din. Tapos paulit-ulit lang. Hindi natatapos.

Officially na parte na rin pala ako ng the The Royals kasama si ate, Karen at Debbie. Hindi naman kami yung tulad ng mga mean girls na nang-aapi ng schoolmates. Wala lang. Magkakabarkada lang kaming apat. Sila ang tinuturing kong best friends.

Si Farrah na demonyo, mukhang unti-unti nang kinakarma kasi ang rinig ko, na-arrange marriage siya sa isang panget kasi palubog na daw yung negosyo nila. Buti nga sa kanya. Hehe. Pero sa totoo lang okay lang yun. Sabi nga ni Andrew E. di ba humanap ka ng panget at ibigin mong tunay. Edi kahit papaano, may happy ending pa din si Farrah.

Si Nurse Arlene at Austin, sila na ulit. Naayos na nila ang mga problema nila. Hindi na ikakasal si Nikki sa iba kaya naman si Austin ay ang saya saya lagi at lagi siyang nanglilibre. Siyempre tuwang tuwa ako dun, kasi mga libre niya mga buffet eh. Yung iba namang miyembro ng The Vengeance, ganun pa din. Nagkaroon lang sila ng mga trabaho kasi dati mga OJT palang sila. Si Ash daw pala balita ay may girlfriend na.

Si ate at Dave, ayun nag live-in na. Magkasama sila ngayon sa 10th floor lang nitong Millenium heights condominium. Minsan pumupunta si ate sa akin at umiiyak kapag nag-aaway sila pero tulad nga ng sinabi ko, lahat naman ng problema nasosolusyunan. Mga mahigit sampung na beses na din silang nag-break, sa mga walang kwentang kadahilanan tulad ng maikli masyado suot ni ate o kaya nakita yung cleavage ni ate ng isang lalaki, o kaya may lumandi kay Dave sa chat, o kaya naman kapag 'di lang sila nagkakasundo sa mga simpleng gawaing bahay. Pero sa huli nagkakabalikan din naman sila. Bigla nalang magkwekwento sa akin si ate na ang sarap daw nung pagbabati nila, alam niyo na, mga bastos. Hehe.

Kami ni Sky, walang bastos na nangyayari sa amin. Si papa kasi, binawi ba naman yung 18 years old policy niya sa akin. Sabi niya noon kapag 18 pwede na, pero daw dahil dun sa recording na narinig niya, may tendency daw pala si Sky na lokohin ako, kaya naman kailangan daw patunayan ni Sky sa akin na kaya niya akong hintayin hanggang pagkatapos naming grumaduate ng college. At itong si Sky naman, masunurin, sobra yatang nagpapa-goodshot kay papa. Sabi ko nga sa kanya noon pwede naman naming i-secret eh. Hehehe. Kaso ayaw niya, gusto daw niya may patunayan kay papa. Kaya ayun, hanggang kiss lang muna na parang highschool lang ang peg namin. Pero kilig pa din naman, si Sky yun eh. Yung mga simpleng kiss lang ay kaya niyang gawing grabe sa kilig.

Iniisip ko nalang, gragraduate na din naman kami ng college - mga ilang linggo nalang, kaya pagkatapos nun, pwede na hehe. Konting tiis nalang Ynna, masusubukan mo na din yung mga kinekwento ng ate mo na masasarap. Excited na nga ako. Si ate kasi eh, bad influence. Ayan tuloy. Kanino kaya kami nagmana sa pagiging ganito? Malamang kay mama.

Kung tutuusin, ang ganda ng naging kwento ng buhay ko. Pang teleserye. Ang daming cliché. Ang sarap ulit-ulitin na ikwento sa mga susunod na henerasyon kung paano kami nagkakilala ni Sky, kung paano kami umahon sa mga problema, at kung paano namin ito patuloy na pinapatakbo. Wala lang, ang sarap balik-balikan. Nawala man si Shibama, madami namang bagay na naayos. At alam kong malaking bagay ang naibahagi niya kaya nangyayari ang lahat ng ito.

Hala.

Oo nga pala.

Naku naman.

Bakit kasi nag-de-daydream nanaman ako.

Kaya ko nga pala ginigising 'tong pitbull namin kasi pupunta kami sa 3rd year death anniversary party ni Shibama na inorganize ng The Vengeance at ng ate. 

Alam ko madaming photographers ang pupunta kasi irerelease daw yung panibagong collection ng brand ni Shibama ng damit. Oo naging brand na siya ng damit. Pagkamatay kasi niya, pinasa ni ate lahat ng style at mga kung ano ano pang gawa ni Shibama sa mga sikat na fashion company. Agad namang tinawagan si ate ng mag company dahil agad nagustuhan yung pag-sty-style ni Shibama sa mga pictures ni ate na pinasa niya. Hanggang sa naging successful yung mga fashion styles nya at iba niyang designs na damit. Kaso dahil nga patay na siya at hindi na siya makakagawa pa ng designs, ginawa nalang siyang brand nung company. 'Shawn Ibrahim Clothing' yung pangalan nung brand. Ang classy at ang ganda ng pangalan, di ba? Isa na talagang legend 'tong si Shibama. Yung kahit wala ka na sa mundo, buhay na buhay pa din lahat ng gawa mo. At buhay na buhay pa din lahat ng ala-ala mo.

Dali dali kong pinaliguan si Shibamang pitbull.

Aba't nakakapikon 'tong asong 'to ah. Nagagalit pa at inuunngulan ako habang pinapaliguan ko. May attitude problem talaga. Siya na nga ang pinapabango at inaayusan siya pa ang galit. Kaugali talaga to si Sky e pero ka-muscles ni Shibama.

Nang natapos kong paliguan si Shibamang pitbull ay nilagyan ko siya ng ribbon sa may ulo. Siyempre hindi pwede muscles lang, dapat may ribbon din.

Tumingin ako sa cabinet ng pwede kong suotin. Hmm. Ano kaya pwede? Isang malaking event to eh. Mamaya ay dadating na si Sky kaya hindi ako pwedeng magtagal ng pagpipili. Kumuha nalang ako ng maroon na pantaas at, black na skinny jeans. Nagflats na din ako na leather. Pwede na 'to. Hindi naman kasi talaga ako marunong mag-ayos eh. Tsaka sabi naman ni papa at si Sky, maganda naman ako kahit anong ayos ko eh. Hinayaan ko nalang din na naka lugay lang ang buhok ko. Konting lip gloss. Ayun. Tapos. Larga.

Saktong natapos naman ako mag-bihis ay saktong pag-doorbell ni Sky. Alam kong siya yun kasi kaka-text lang niya sa akin na malapit na siya. Pinagbuksan siya ng pinto ni Caloy. Siyempre kasama sa pa-event ni ate si Caloy, Merylle at papa. Kita ko sa sofa na nakahanda na sila. Ang ganda pa nga ng make up ni Merylle e. Kanina pa sila handa, ako talaga ng huli kasi pinaliguan ko pa 'tong pitbull na to. Sabi kasi ni ate isama ko daw si Shibby doggy. Kaya ayun, inayusan ko at pinaluguan ko rin siya. Ilang buwan na din kasing di naliligo 'to eh.

"Shall we?" nakangiting sabi sa akin ni Sky. Ang gwapo talaga ng mahal ko.

Tumango lang ako sa kanya. Hinawakan na niya ang kamay ko at pumunta na sa direksyon ng pinto. Pinauna niyang lumabas sa pinto ng condo sila papa, Caloy at Merylle. Nung kami na yung lalabas, hinalikan niya muna ako sa lips ng pasimple bago kami lumabas ng tuluyan sa condo at dumiretso sa elevator. Ang sweet talaga ng mahal ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na akin siya. Kahit kailan yata ay hindi ako makakapaniwala na akin siya at akin lamang. Sobrang swerte ko lang talaga. Pinagpala talaga ako ng Maykapal.

-

[Marriot Hotel – SHAWN IBRAHIM's Summer Collection Grand Launch]

Sus maryosep.

Nandito na kami sa hotel at hindi ko naman inakala na parang Star Magic ball dapat ang suotan.

Nakasleeveless maroon top at black pants lang ako. Buti na nga lang nag-sleeveless pa ako eh, at least man lang may pa-braso pa ko kahit papano. At eto pa! Buhat buhat ko pa si Shibamang pitbull. Di ba, mukhang julalay ako ng mga tao dito. Buti nalang ay hawak hawak ni Sky ang likod ko. Kahit papapano hindi ako mukhang katulong.

Itong lalaking din kasi na ito, hindi agad sinabi sa akin na pormal dapat. Hindi naman gaanong pormal si Sky, naka black coat lang siya pero gray na t-shirt yung nasa loob, kaso dahil nga't gwapo siya, parang belong na agad siya sa mga ganitong party. Ang daya talaga ng buhay.

"Mga model yan ng bagong collection kaya ganyan damit nila." si Sky.

"Ahh. Ganun ba."

"You look fine, swear." sabi niya sabay ngiti sa akin. Ahhhh. Sinabi ko na bang ang gwapo kasi talaga ng mahal ko? Nakatunaw ang ngiti niya sa akin.

"O-Okay."

"Pwedeng kiligin." mukhang nabasa niya nasa isip ko ah.

"Che." Inirapan ko siya ng kunwari. Hihi.

Umupo kami ni Sky sa table na halos kalapit lang ng stage. Siyempre dahil si ate ang organizer at ang The Vengeance, maganda ang pwesto namin. Nasa harap talaga kami, yung table na malapit sa runway kung saan maglalakad yung mga model. Medyo una kaming dumating kaya nakita namin ang isa isang pagdating mga imbitado na bisita.

Sabay na dumating si Karen, Debbie, Erick at Dwight. Mukhang galing pa nga sila sa double date eh. Si ate naman at Dave, sabay din na dumating na nakaholding hands. Ang ganda sobra ng ate sa kanyang makintab na silver dress. Hindi ko lubos maisip na kamukha ko siya. Ibig sabihin ganyan din ako kaganda? Hehe. Kaso di ako marunong manamit ng maayos eh.

Si Viel, King, Ash, Clyde, Austin at Nurse Arlene naman ay umupo na sa kanilang table pagkatapos nilang makipagbeso-beso sa amin. Bakit kaya si Austin lang ang may kasamang babae. Ang alam ko bali-balita ay may girlfriend na si Ash eh. Baka nagbreak agad. Ewan ko. Wala na din naman kasi ako halos na balita sa kanila e kasi nagtratrabaho na sila. Minsan nalang din kami magkita kapag nagpapa-buffet si Austin.

Sunod naman na dumating si tito Rick. Si tito Rick yung taxi driver na nagbuhat noon kay Sky nung nagpapanggap palang akong si ate Janina. Si tito Rick din pala yung taxi driver na nasakyan ni ate Janina noon nung araw na nakipagbreak siya kay Dave. Si tito Rick din yung nagbigay ng ideya kay Janina na may kamukha siya na anak ni Lalaine sa labas. Kasi ex pala ni mama si tito Rick kaya alam ni tito Rick yung tungkol sa paglabas ko sa mundong ito.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o ano ba ang dapat kong maramdaman. Pero mas pinili ko nalang na magpasalamat sa kanya. Hindi man naging madali ang buhay ko dahil sa kagagawan niya, nakilala ko naman si Sky, nagkaroon ako ng taong nagmamahal sa akin ng totoo. At nagkaroon ako ng madaming kaibigan dahil sa kanya.

Mukhang kahit hindi maganda ang sinapit ni ate sa New York ay mas pinili na din niyang pasalamatan si tito Rick kaya naman ay imbitado siya ngayon dito. Palapit na ngayon sa gawi namin nila papa at Sky si tito Rick nang bigla siyang hinarang ni ate Janina.

"Rick!" sambit ni ate Janina. Mukhang masaya naman ang ate at hindi makikipag-away.

"Janina Fortaleza." Mabilis at simple niyang sagot.

"I am glad you came. Thank you for everything. You know what I mean. Please enjoy the launch party." Nakangiting sabi ni ate Janina kay tito Rick. Nakipag-beso beso pa si ate Janina.

Habang nakikipagbeso si ate Janina at kinakausap si tito Rick ay siya namang dating ni mama Lalaine at tito Philippe, mga magulang ni ate Janina. Napatingin si mama sa gawi ko at napangiti tapos ngumiti din siya ng mapait sa may likuran ko. Tinignan ko ang tao sa likod ko at nakita na malagkit na magkatinginan si mama... at papa. Hala? Huwag nilang sabihin na gusto nilang magkabalikan. Hindi pwede. Masaya na si mama sa piling ni tito Philippe. Itong si papa ang tanda tanda na gumagawa pa ng issue. Binabalik-balik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kinakabahan ako sa sa pwedeng mangyari. Ano ba naman kasing klaseng titigan ito?!

Tinignan ko ang gawi ni tito Philippe. Buti nalang ay umiinom na siya ng kung anong alak sa tabi kasama ng mga ibang lalaki na mukhang mga business partners niya. Naku naman mama eh. Sayo ko nga yata talaga nakuha ang haliparot hormones ko. Mama naman tigilan mo na makipagtitigan kay papa dahil taken ka na. Ay nako, ina ni Ynna!

Palapit na ngayon na naglalakad si mama papunta sa akin pero ang mga mata niya ay naka glue lang sa gawi ni papa. Nang malapit na malapit na siya sa amin ni papa ay biglang may pumalakpak sa harap ng mukha ni mama na tila naman ikinagising ni mama at siyang nagdala sa kanya sa realidad.

*CLAP*

"Grabe namang titigan yan. Ex din naman ako ah." Si tito Rick!

Nagulat ako sa nangyari at alam kong ganun din ang nararamdaman ni mama. Ang dami niyang Ex na narito ngayon sa grand launching ng summer collection ni Shibama. Iba talaga ang beauty ng mama ko. Hahaha!

"Hey, Rick." Nagulat pero nakangiting sinabi ni mama.

"Hahaha. My, my, my. Peter and Lalaine. Hindi na kayo nagbago. Nakakamiss talaga kayo." Si Miss Amanda! Si tita Amanda na nanay ni Sky! Sumingit na siya sa usapan at naroon rin si Tito Richard, tatay ni Sky, na natatawa lang din sa gilid. Naroon ang mga magulang ni Sky!

Naalala ko noon na sinabi nga pala sa akin ni tita Amanda na childhood friend niya si papa. Grabe, hindi ako makahinga sa mga nangyayari. Alam kaya ni tita Amanda lahat lahat? Nakita kaya niya yung titigan? Nako naman. Tumingin ulit ako kay tito Philippe at buti nalang kinausap na siya ni tito Richard.

"Whew." Nalang ang nasabi ko nang natapos ang titigan. Ang awkward siguro talaga nun para kay mama. Isipin mo nandyan yung asawa mo, yung ex mo, yung isa mo pang ex, tapos childhood friend ng ex mo na alam lahat.

"That's crazyyyy." Bulong sa akin ni ate Janina. Oo nga pala at nakita niya din lahat. Hindi ba siya magagalit kay mama? Hindi ba siya magagalit sakin? Hindi ba siya magagalit sa pamilya namin?

"Hindi ka affected ate? Parang kasi nagch—" pinutol niya ang sasabihin ko sana.

"No. I've grown a lot, Ynna. Haha. They're adults. They know what they're doing. We have our own lives to live." sabi niya sa akin bago niya ako kiniss sa cheeks at bago siya umalis para asikasuhin yung mga ibang dapat pa niyang gawin para sa event.

"Don't worry too much." si Sky. Pinisil nanaman niya ng mahina yung kamay ko. "Stares are harmless." Natatawa niyang dagdag. Tumawa nalang din ako sa kanya.

"Wala yun nak." Si papa na medyo... namumula? Ay talaga itong tatay ko! Naku po! Aleluya, Pedro Paredes!

"Wala daw. HAHAHA." Si tito Rick. Inaasar niya si papa habang tinutusok-tusok yung tagiliran. Si papa naman kunwari wala lang. Pero alam naman ng lahat ng nakakakita sa kanya na meron.

Ang cute talaga ng papa ko. At ang cute din ng mama ko. Sa totoo lang, minsan siyempre hinihiling ko na sana nagkaroon nalang din ako ng maayos na pamilya, yung tipong hindi broken family. Pero na-realize ko na ang swerte swerte ko naman na kahit hindi ako masyado pinagpala sa pagkakaroon ng buong pamilya. Si mama at si papa, yung makita ko lang na mahal pa din nila ang isa't-isa kahit bilang magkaibigan nalang, sapat na yun sa akin. Hindi ko man inalam yung buong storya nila, masaya na ako. Masaya ako sa lahat. Kuntento na ako sa naging buhay ko. Puro pasasalamat nalang sa itaas ang gusto kong gawin sa ngayon. Kasi blessed ako. Blessed sa lahat ng bagay na meron ako ngayon.

"Ladies and gentlemen, may I have all your attention please?" si ate. Mukhang magsisimua na yung event.

Tumahimik naman yung buong lugar para tignan at makinig kay ate.

"May I present to you, the grand launching of the summer collection of Shawn Ibrahim!" excited na sinabi ni ate bago nagsimulang tumugtog yung musika at isa isang naglabasan na yung mga parang nakapang Star Magic ball na mga damitan kanina.

♪ You are somebody that I don't know But you're takin' shots at me like it's Patrón And I'm just like, damn, it's 7 AM Say it in the street, that's a knock-out But you say it in a Tweet, that's a cop-out And I'm just like, "Hey, are you okay?" ♫

Ang gaganda. Alam kong hindi naman lahat ng mga damit na yan ay si Shibama ang nag-design kasi tatlong taon na nga siyang nasa langit pero kitang kita sa mga designs na nandun pa din yung style ni Shibama. Kumbaga hindi nila totally inalis yung style ni Shibama. Ang galing lang.

♪ And I ain't tryna mess with your self-expression But I've learned a lesson that stressin' and obsessin' 'bout somebody else is no fun And snakes and stones never broke my bones

Ang gaganda din ng mga model na pinili ah. Parang mga artista. Ang kikinis. Mga miss flawless. Edi sila na.

So oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh You need to calm down, you're being too loud And I'm just like oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh (oh) You need to just stop Like can you just not step on my gown? You need to calm down ♫

Nang natapos na maglakad yung mga babae, yung mga lalaki naman. Ang gwa-gwapo din pero ni isa wala man lang na pumantay sa kagwapuhan ng Sky ko hihi.

"Are you looking at their abs?" nanlilisik na tingin sa akin ni Sky. Jusko po. Nagseselos yata ng wala nanamang dahilan. Eto nanaman siya eh.

"No." ayan. Na-English ko tuloy siya. Masyado kasing seloso eh. Alam naman niyang siya lang ang mahal ko.

"Good." Nakasimangot na sabi niya sa akin habang hinihimas ulo ko. Ginawa ba naman akong aso?! Grr!

Teka, buhat buhat ko nga pala si Shibamang pitbull kanina, ngayon nawawala na siya! Hala! Nasan na ba yun?

Naku!

♪ You are somebody that we don't know But you're comin' at my friends like a missile Why are you mad? When you could be GLAAD? (You could be GLAAD) Sunshine on the street at the parade But you would rather be in the dark age Just makin' that sign must've taken all night ♫

Buong parte nung mga lalaki ay bantay na bantay sa akin si Sky. Nakakatawa siya. Porket yung ibang lalaki ay may mga abs, bantay na bantay sa akin.

Patuloy ko pa ding iniikot ang mata ko para makita kung nasaan yung pasaway na pitbull. Nako, baka umihi na yun sa mga bag ng bisita. Lagot!

♪ You just need to take several seats and then try to restore the peace And control your urges to scream about all the people you hate 'Cause shade never made anybody less gay ♫

Pagkatapos ng mga lalaki siyempre lumabas yung mga bakla. Napatigil ang paghahanap ko kay Shibamang pitbull ng sandal. Ang gaganda kasi ng mga styles sa bakla. Yung mga bakla para sa akin yung mga pinaka magandang designs. Siyempre, bakla si Shibama kaya yung mga baklang designs yung pinaka maganda at pinaka elegante. Ang classy tignan. Di yung tipong cheap. Basta ang ganda. Bagay pa yung kanta sa kanila kasi para sa equality yung kanta eh. Ang galing lang talaga.

♪ So oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh You need to calm down, you're being too loud And I'm just like oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh (oh) You need to just stop Like can you just not step on his gown? You need to calm down ♫

Habang nanunuod ay naramdaman ko nanamang niyayayap ako ni Sky mula sa likod ko. Naka sandal ang kanyang baba sa aking balikat habang sabay naming pinanunuod yung mga rumarampa. Ang sweet lang talaga ng posisyon namin. Mamaya ko na nga lang hahanapin yung pitbull na Shibs. Panigurado di naman palalabasin ng gwardya yun eh. Hehe. Sayang kasi ang sweet nung posisyon namin ni Sky eh.

♪ And we see you over there on the internet Comparing all the girls who are killing it But we figured you out We all know now we all got crowns You need to calm down ♫

Nang malapit na matapos yung kanta ay lumabas ulit lahat ng model at nagsama sama sila sa stage. Ang gaganda talaga. Wala akong masabi. Ang ganda ng collection nilang ito - panigurado madaming bibili sa mga designs na ito. Ang proud proud ko ngayon para kay Shibama. Daig ko pa ang nanay.

♪ Oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh You need to calm down (you need to calm down) You're being too loud (you're being too loud) And I'm just like oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh (oh) You need to just stop (can you stop?) Like can you just not step on our gowns? You need to calm down ♫

"Arf Arf Arf." Nakita kong naglalakad sa stage si Shibs na pitbull. Ano? Anong ginagawa niya dyan? Siya pa talaga ang finale ah. Natatawa yung mga tao nung nakita nila si Shibs. Kukunin ko sana siya sa stage pero natawa nalang din ako. Sinapian yata ni Shibama. Parang may pagkembot pa nga yata siyang ginawa kung hindi ako namamalik mata.

Nang natapos na siya rumampa ang pasaway kong pitbull, inakyat ko din siya sa stage. Nakakahiya, parang talaga akong yaya niya. Huhu. Bakit kasi sabi ni ate isama ko daw 'tong asong to. Eh sa buong event, ako lang yung may dalang aso eh. Kaloka 'to si ate minsan eh.

"Thank you to all the models." Pag-aannounce ni ate nang nakababa na ako sa stage. "and thank you to all the people who came in this event for our beloved late Shibama Castro's brand collection launching. We really appreciate you all coming tonight." Dagdag pa niya.

"But before we start the after party..." si ate ulit. Meron pa? Ang haba naman ng event na 'to. Gusto ko nang lumamon eh. "I want to share a video of my dear friend, Shibama." Ngumiti si ate. Ano? Video? Merong video? Saan galing? Bakit wala akong alam? Anong nangayayari?

Di ko na nakita yung reaksyon ni ate. Bigla nalang kasi dumilim yung paligid at nagsimulang mag-play yung video. Makikita sa video ang malakas at healthy na si Shibama na nagsasalita. Baklang bakla siya at mukhang ang saya saya niya. Nakakamiss naman.

[Hello everyone! Right now, I believe three years na akong wala sa Earth. Pero do not worry guys, nandyan lang naman ako lagi sa heart nyo. Hihi. I just want to take this opportunity to say sorry for all the people that I've hurt for hiding my secrets. Please know na nagawa ko lang yun kasi ayaw ko kayong masaktan.]

Nang narinig ko ang boses ni Shibama ay nanggigilid nanaman ang luha ko. Sobrang miss ko na siya. Siguro ang saya saya na niya sa heaven.

[I just want you to all know na masaya na ako kung nasan ako ngayon. Ibibigay ko lang itong video na it okay Janina if I will die happy so napapanuod niyo ako ngayon dahil ibig sabihin masaya akong namapaya. My life was beautiful.]

Nakangiti na ako ngayon at umiiyak at the same time. Pano ba naman, si Shibama kasi habang nagsasalita sa video ay kumekembot pa at nagmamake-up. Hindi ko tuloy alam kung malulungkot ako o matatawa eh.

Mamaya pa ay lumabas yung mga slides ng bawat taon niya sa piling ni ate Janina. Na-realize ko na ang tagal na pala talaga ni Shibama kay ate. Batang bata pa kasi si Shibama sa ibang pictures. Tapos nung lumabas yung last year ni Shibama, puro pictures namin yung nakikita. Mga masasayang moments namin na pinicturan pala talaga ni Shibama. Ang cute cute namin. Nakakatawa pero naiiyak pa din ako. Ginagawa na akong baliw ni Shibama.

[And since event ko naman 'to, hayaan nyo muna ako mag dedicate ng mga message sa mga taong sobrang imporante sa akin...

Dyls, I love you. Mahal na mahal kita. Kaso sorry kung need kita iwanan ha. Wag kang mag-alala, hindi naman ako manglalaki dito sa langit. Unless mamatay si Ash. Hahabulin ko pa din siya dito sa langit. Hahaha!]

Natawa ako sa sinabi ni Shibama. Nakita ko si Ash na nag-sign of the cross habang inaasar siya ng The Vengeance. Baliw talaga to si Shibama. Nakita ko naman si Dylan na natatawa pero kita rin sa mga mata ni Dylan na miss na miss na niya si Shibama. Sa totoo lang, hindi ko alam na nandito si Dylan. Hindi ko kasi siya nakabaitian kanina. Pero masaya ako na full support kaming lahat na mga tao na nagmamahal kay Shibama sa kanyang special day.

[Janina my dear, for sure napanuod mo na 'tong video na to kasi sayo ko kasi ito ipapaedit eh. Hahaha! At saka alam kong by this time, masyado na tayong madaming heart to heart talks kaya hindi na muna ako mag-dededicate sayo ng mahaba ah. You know naman na how I love you eh.]

Nakita kong natatawa at nailing sa isang gilid si ate Janina. Tulad namin ni Dylan, bakas pa rin sa mata niya na namimiss niya yung bakla. Pero mas nangingibabaw na yung saya sa aming lahat ngayon. Kasi alam namin na masaya na si Shibama sa kung nasan siya ngayon at ang kanyang mga designs ay habang buhay na maiiwan sa mundong ito. Yun palang, parang nagtagumpay na kami bilang mga taong nagmamahal sa kanya.

[And lastly, Alynna dear...]

Haaa?

Wow!

Meron akong dedication!

At wow, ako pa ang last.

Yung malaman ko palang na may dedication ako galing kay Shibama ay kinikilg na naiiyak na ako.

[Hulaan ko ha, ngayong waley na ako sa Earth, bumili ka ng aso tapos pinangalan mo sa akin noh?] pinanliliitan ako ng mata ng Shibama sa video! Waaah! Si Sky naman bumili nun ah. Hala nahihiya ako! Nagtatawanan mga tao! Lahat sila nakatingin kay Shibs na pitbull at sa akin. Sakto buhat buhat ko nga pala siya! Waaaah! Nakakahiya. At si Sky tumatawa din! Huhu!

[Isa pang hula, ngayong wala na ako sa Earth, wala nang siyempreng nangsusulsol sayo na ibigay yang perlas mo, Ynna, virgin ka pa din noh? Hahahaha!] tawang tawa si Shibama sa video!!!! Waaaaaa!! Feeling ko pulang pula na ako! Feeling ko nangangamatis nanaman ako sa kahihiyan. Pero dinagdagan pa niya!!!

[One last hula, ngayong wala na ako sa earth, wala nang nagdadamit sayo ng tama noh? Kaya ngayon lahat sila ay naka-formal at ikaw naka pang casual ka lang noh?! Hahahaha I love you talaga, Ynna!] Waaaaaaa!!! Bakit niya natutumbok lahat. Buhay pa ba siya? Nandito ba siya? Kaso kasama ako nung nilibing at binurol siya ah. Multo ba siya? Waaah natatakot ako! Grabe talaga 'tong bakla na to. Kahit patay na siya parang gusto ko siyang i-double-dead sa ginagawa niya sa akin ngayon!

[Pero dahil may video ako na na-i-save. Susulsulan pa din kita for the very last time! Girl! Ibigay mo na kasi yang surprise center ng hard candy mo! Ikaw din baka maghanap si Sky ng iba!]

Tinignan ko si Sky at sabi lang niya sakin 'di daw sya maghahanap. Natatawa siya kay Shibama. Natatawa pa din yung mga tao habang ako puro kahihiyan lang ang tinatamasa. Si Sky naman ang ayaw makipag-ano sa akin kasi pinagbawalan siya ni papa eh. Bakit ako ngayon ang nasisisi kung virgin pa ako. Huhuhuhu!

[Ibigay mo na ang bataan girl! Nabubulok na yata yan. Baka magsara na ang hiwa niyan! Hahaha!] tawang tawa pa din si Shibama sa video. Si Shibs na pitbull naman tumatahol tapos gumagalaw yung buntot na para bang naiintindihan niya yung sinasabi ni Shibama sa video.

[Hiyang hiya ka na ba? Sorry girl ha, plano ko kasi talaga to since day one eh. Dahil after tonight, for sure wasak yang pagkababae mo. For sure tatawagin mo lahat ng santo sa langit sa sarap ng mararamdaman mo! Hahahah! I love you. Sobra. Wag ka na mainis sakin girl ha. Siya sige na, tumalikod ka na at baka magdugo na ang pangmayaman na tuhodbells niyan! Love you. Balik na muna ako sa heaven. See you when I see you! Muwaaah.] nag-flying kiss sa akin si Shibama ng malandi tapos biglang namatay yung video at nagbukas na muli yung mga ilaw.

Kahit na nasa langit na si Shibama ay ang kulit kulit pa din niya. Pati pagka-virgin ko ngayon ay ginugulo gulo pa din niya. Baliw talaga. Tapos sinasabihan pa ako na after ngayong gabi, wasak na daw pagkababae ko. Ano ba yun? Bakit mawawasak? Nakakatakot naman 'tong mga banta ni Shibama. Tapos sasabihan pa niya akong tumalikod kasi magdudugo ang tuhodbells? Ano kaya ibig sabihin nun? Ah basta baliw. Nakakabobo mga sinasabi niya eh!

Napansin ko nalang na nung natapos yung video ni Shibama ay ang tahimik ng paligid. Bakit kaya? As in walang nagsasalita ni isa. May connection ba yun sa huling sinabi ni Shibama? Ano nga ba yun? Na tumalikod ako? Huhu nasa likod ko siguro ang multo ni Shibama? Hindi ko yata kaya makita. Duwag kasi ako eh. Huhu.

Katahimikan...

Kroo... kroo...

Pero nung wala pa din talaga na nagsasalita ay tinignan ko muna yung mga tao. Parang silang may nakita talagang multo sa likod ko. Parang lahat sila naghihintay na tumingin din ako dun. Ano ba kasi yun? Natatakot talaga ako eh pero ginamit ko nalang lahat ng lakas ko para ikutin ang aking katawan para makita ang multo o kung anu man na dapat kong makita.

"Awoooo!" dagdag pa ni Shibamang pitbull na nakatayo sa tabi ko na lalong ikinatakot ko!!! Waaa! Bakit siya nag-a-awooo!

Katahimikan...

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay siyang pagbagsak ng luha ko.

Parang akong baby na umiiyak sa harap ng maraming tao.

Hindi ko alam kung paano ko na-deserve ang ganitong kagandang buhay. Hindi ko alam kung anong mabuti ba ang ginawa ko para makuha lahat ng meron ako ngayon. Ito na ba ang premyo ng itaas sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay?

Tinignan ko ang mga tao sa paligd ko at lahat sila ay nakangiti, at may mga kaunting luha sa kanilang mga mata. Lahat sila masaya sa nangyayari. Lahat sila ay may hinihintay na marinig.

Tuloy tuloy pa din ang pag-agos ng luha ko nang sinabi ko ang mga dapat kong sabihin. Nakita kong nagtayuan at nagpalakpakan ang mga tao. Ito ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Tinignan ko ang papa ko, ang mama ko, ang ate, ang mga kaibigan ko, lahat sila binibigyan ako ng thumbs up o aprub.

Nakangiti akong umiiyak. Hindi ko alam na ang pag-big pwede pala talaga tayong gawing baliw. Baliw pero sa magandang paraan. Hindi ko alam na ako pala ang magiging bida sa event na ito. Sana nag-ayos man lang ako ng konti kung alam ko lang. Alam ko event 'to ni Shibama eh. Pero sa huling pagkakataon, ipinagpaubaya pa din niya yung araw na siya sana yung gitna na lahat ng atensyon para sa isang hampaslupang mahirap na tulad ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve 'to. Pero hindi ko ipagpapalit ang moment na ito sa kahit ano. Ito ang pinaka puro na moment sa buong buhay ko. At saksi ang lahat ng tao na mahalaga sa akin. Hindi ko kaya 'tong hindian. At hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Ang araw na alam kong mawawasak na ang pagkababae ko. Ang araw na lumuhod si Sky para hingiin ang kamay ko. Ang araw na tinanong niya ako ng tanong na magbabago ng buong buhay ko.

"Alynna Marie Paredes...

...Will you be my wacky wife?"

♥ THE END. ♥