Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Her Last Break-up

Razel_Leigh
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.2k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Kabanata

Ang tunog ng rumaragasang tubig mula sa talon, mga huni ng mga ibong palipat-lipat ng sanga, at ang kaluskos ng mga dahon sa puno dulot ng malakas na ihip ng hangin.

Ilan lamang iyan sa mga nangingibabaw sa aking tainga habang ako ay nakapikit sa tuktok ng talon. I am silently feeling the cold breeze up here, it soothes me.

"Astrid! Anong ginagawa mo diyan??" nanatili akong nakapikit sa kabila ng histerikal na pagsigaw ng kapatid ko. Bumilang ako hanggang sampu bago dumilat at umatras upang bumwelo sa aking pagtalon.

Rinig ko pa rin ang sunud-sunod na paghihisterya ni Aerin pero tila ba unti-unti iyong naglalaho at ang tanging pokus ko na lamang ay ang pagtalon.

After concentrating and a couple of inhale and exhales, I slowly leaned and ran before finally jumping. I did a flip before submerging into the pristine waters. Naulinigan ko pa ang pagtili ni Aerin pero kaagad ring nalunod ang kanyang boses nang lumubog ako sa tubig.

I swam upward to catch some air. I smiled. It felt so good.

"TANGINA?" I giggled before facing her. "Mura talaga? Ganyan ka ba mamangha?" Agad naman niya kong sinabuyan ng tubig bago inirapan.

Humalakhak ako. "Ba't parang ikaw yung nagfree dive teh?"

Binalingan niya ko bago binato ng tuyong dahon. "Gaga ka talaga, akala ko papakamatay ka na kaya ka nandoon sa itaas." Umahon na ako sa tubig bago inabot yung twalya ko. "Ano bang pumasok sa kokote mo at naisipan mong ilagay sa bingit ng kamatayan yung buhay mo?"

Ang kaninang kasiyahan sa mukha ay unti-unting nawala. I faked a smile. "W-wala lang. Napanood ko kasi sa YouTube. Mukhang masaya kaya tinry ko."

"Edi wow. Lokohin mo lelang mo. Kapatid mo ko uy, basang-basa kita girl." Napayuko na lang ako bago itinuloy ang pagpupunas ng buhok na basa. "Halika na nga, baka ako pa mapagalitan ni Mama kapag napulmonya ka diyan."

-

Sunud-sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ang nagpagising sa'kin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pagkarating namin ni Aerin mula sa Falls ay kaagad akong nakatulog. Alas-sais i-medya na pala. Halos apat na oras ako nakatulog.

Pupungay-pungay kong hinarap ang nasa likod ng pintuan. I groaned in dismay when I saw who it is.

"Taray, woke up like this? 'Di ka man lang talaga nag-abala punasan 'yang tuyong laway sa gilid ng labi mo ano?" kaagad ko namang kinapa ang gilid ng labi ko at nang mapagtantong pinagtitrip-an lang ako ng gagong intsik na 'to ay pinalipad ko sa direksyon niya yung throw pillow na nadampot ko. "Siraulo. Ba't ka ba nandito?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Edi para burautin ka." pinalipad ko naman yung bolster sa direksyon niya pero nasalo niya iyon. Badtrip. "Leche. Layas na nga!" Humalakhak lang siya bago prenteng umupo sa couch.

"Have you checked you social media accounts yet?" napatigil naman ako sa biglaang pagseryoso ni Yvette. Best friend ko nga pala siya, 'di lang obvious. "No. Kita mong kakagising ko lang eh. Bakit?"

"Good. Don't open it for the meantime. It's for your good." kumunot ang noo ko. "Uh, what the hell are you talking about? Mind spilling the tea?"

"Nope." she popped the 'p' "I better not." Tumayo na siya bago pumunta sa direksyon ng pinto. "If you want your heart unharmed, just do what I said. But, if you're brave enough to find out what's the tea in your social media accounts, then, go see it for yourself." akmang lalabas na siya nang muli siyang nagsalita. "Don't say I didn't warn you, Astrid. See you tomorrow."

Napabuntong-hininga ako pagkasara niya ng pinto. Na bigla niya ulit binuksan?

"And I almost forgot, I saw your sister sneak out of your house awhile ago." nagkibit balikat ito. "Ciao!"

I just rolled my eyes. Ang babaeng 'yon talaga. Makikipagkita na naman iyon tiyak sa jowa niya.

Pagod akong humilata ulit sa kama ko kahit na kakagising ko lamang kani-kanina. Why is Yvette acting so weird today? I suddenly glanced at my phone that is on my side table.

"What does she mean by that? Why would he warn me on opening my social media accounts?" I murmurred to myself. I groaned before covering myself with comforter.

Tatlong pamilyar na paraan ng pagkatok ang naulinigan ko kaya naman tumayo kaagad ako para buksan ang pinto.

"Mom." I hugged her but she hugged me tighter.

"Are you okay, Astrid?" I pulled back before giving her a smile. "Of course, Mom. Why wouldn't I be?"

"That's good. I mean, after all that has happ--"

"Mom. Can we, can we not talk about IT?" I closed my door behind me before leading her downstairs. "O-okay, I'm sorry. I thought yo--"

"Can you please bake me my favorite cake instead?" I cut her off again ignoring her last statement.

She smiled hesitantly. "Of course, baby. Anything to make you happy." hinaplos niya ang pisngi ko bago nagtungo sa kusina.

Mom is our only parent. My father, well, he's somewhere. I don't know and I don't care anyway. Since I was five, it was only me, Aerin, Mom, and the new babies of our family, my two Yorkshire Terriers, Cookie and Twinkle.

Imbis na tumunganga lang habang hinihintay ang pina-bake kong cake ay binuksan ko na lamang ang TV upang kahit papaano'y malibang ako.

Agad na bumungad ang balita. Nothing new. Inilipat ko ang channel at naghanap ng mapapanood. Tumabi naman si Cookie sa sofa habang si Twinkle ay dumapa sa may paanan ko.

I played with them tutal ay wala naman akong mahanap na magandang papanoorin.

"Astrid? Your cake is almost ready." sigaw ni Mom mula sa kusina. "Okay! I'll be there in a jiffy."

I am about to turn off the TV when I noticed a familiar face.

"Blast?"

"'Nak? What are you watch--" I sneered at Mom. "Si Blast ba 'yon? A-akala ko nasa, akala ko---" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bumuhos na ang mga pinipigilan kong luha. Mom turned off the TV before lending her arms to me.

"Shhh, it's okay Astrid. It'll be okay. I'm here." I clinged to my mother's arm as if it was the only thing that can save me from the pain that I have been feeling since he left.

"Bakit ganoon Mom? Bakit niya ako pinagsinungalingan? D-dahil ba hindi ako nabibilang sa mundo niya?" patuloy pa rin akong inaalo ni Mom. Hikbi lang ako nang hikbi sa braso ng nanay ko. She's stroking my hair that is somehow making me feel better. Next thing I knew is that I'm already drifting to a deep slumber.