Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Raising Dorothy

Annethologies
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Dorothy at Alex

"Alex, anong petsa na, bumangon ka na! Male-late ka na naman sa school!" OH diba, astig ng alarm clock ko? Walang palya yan araw-araw. Useless ang alarm sa dalawang cellphones ko kasi palagi nyang nauunahan. Yan si Dorothy, ang nanay ko.

Actually, Dorothea ang totoong pangalan ni nanay kaso mula ng nagkaisip sya at napagtanto nyang tunog matanda ang pangalan nya, ayun, siya na si Dorothy. Oh diba, pang Wizard of Oz lang ang peg kahit di nya naman kilala yung character na yun.

Kumusta naman ang ipinangalan sa akin? Hi, my name is Alexandrei, Alex for short at babae po ako. Eto talagang nanay ko, di ko maintindihan kung gumanti ba kina lola sa pagbigay ng pangalan o jologs lang talaga. Ang daming female names, yung sa akin alanganin pa. Pwede namang Alexandra or Alexandria, kaso ginawa nya talagang Alexandrei. Eh bakit nga ba Alexandrei? Ang pangalan kasi ni tatay eh Alexandro at paborito naman nyang tennis player si Andre Agassi. Nung pinagbubuntis nya daw ako, gwapong gwapo sya kay Agassi. Feeling nya, sya ang pinaglilihian nya, ang kaso, di naman pogi ang lumabas kundi maganda. Alexandre talaga ang gusto nyang ipangalan kasi akala nya lalaki ang magiging anak nya, kaso since babae nga ang lumabas, nag adjust si nanay. Pangit naman daw kung Alexandre. Tunog lalaki. Kaya ayun, dinagdagan ng "I". As if naman ang laki ng difference eh halos kada pasukan, lagi akong expected na lalaki at ang spelling ng pangalan ko palagi pang Alexander! Kabanas ka talaga nay! Buti na lang at type ko ang nickname kong Alex, so keribels na rin. And for that, I forgive you nay for murdering my name, hahaha!

"Hoy Alex, nakatulog ka na ba dyan sa banyo? Akala ko ba 8am ang pasok mo? Aba, 7:30 na naliligo ka pa lang!" Pag walang ganyang ingay, either tulog pa si nanay or maagang umalis. Ewan ko na kasi napaka insomniac ko, kakatamad talaga bumangon o kumilos sa umaga. Yung tipong kakatulog mo pa lang eh dapat ka ng gumising. Kaso mo, di pa uso night class sa college. Buti na lang at palagi din late si Mrs. Ramos kasi hinahatid nya pa anak nya sa school. Madalas tuloy, naghahabulan kaming dalawa papasok ng room.

"Nay, alis na po ako." sabay mano.

"Hindi ka na naman kakain? Aba Alex, anong papasok sa utak mo kung di ka kakain? Tsaka may hyper ka pa! Kundangan kasi ang bagal mong kumilos...blah blah blah..." At di ko na narinig ang iba pang part ng litanya ni nanay kasi ako na ulit si The Flash! Juice colored, sana walang trapik!

"Alex, asan na report mo para ma compile ko na kasi isa-submit natin today." sabi ni Jessy, group leader namin sa Design habang pahangos akong pumasok ng classroom.

Napatulala ako saglit. Patay! Sa kamamadali ko, naiwan ko sa table yung report ko. Oh my G! S.O.S.! Saklolo! Rescue! Wala pa naman akong vacant time except sa lunch at yung subject kung saan magpa-pass kami eh after lunch break! Hindi kakayanin ni The Flash! This calls for Wonder Woman!

"Nay, big favor please..." paunang banat ko pagka pick up ni nanay ng tawag ko.

"Alam ko na..."

"Thank you, nay! Kita na lang po tayo sa baba mamya ha. I love you!"

Oh di ba, automatic si nanay. Kaya sya ang Wonder Woman ng buhay ko. Naunahan ko lang sya ngayon kasi madalas nagti-text sya pag may naiwan ako. Insomniac na, makakalimutin pa! Ako na talaga! Paano na lang kung wala si nanay? Walang magtyatyagang maghatid ng mga naiwan ko. Wonder Woman saves the day again! Solve na naman ang problema ni Inday.

Buti maagang natapos ang klase before lunch break kaya ang bilis kong nakapunta sa canteen kung saan naghihintay si nanay. Ang laki ng ngiti ko nung nakita kong nakaupo sya sa isang table at may pagkain ng naghihintay. Ayos diba. Solb na ang problema ko sa naiwang project, libre pa ang lunch ko. May maihuhulog na naman ako kay Inky, ang akong piggy bank.

"Nay, wag ka na po mag litanya. Sorry na po." Inunahan ko na sya at bibig yan ng big bear hug. Napangiti na lang si nanay.

"Cge na, kumain na tayo para maibigay mo na agad yan sa mga groupmates mo."

Habang kumakain, panay sulyap ni nanay sa grupo ng mga estudyante na ang ingay ingay na nga, nagbabatuhan pa ng chips.

"Mga kabataan ngayon, tumatanda atang paurong. College na, kung magharutan para pa ding mga bata. Nag-aaksaya pa ng pagkain. Ano, pinupulot lang ng mga magulang nila ang pera na pinambabaon sa kanila? Nung college ako, nagbabaon nga lang ako para makatipid. Sabagay, sa liit ng ng allowance ko dati, wala akong choice kundi magtipid. Swerte ko na nga lang, naigapang ang pag-aaral ko ng lolo at lola mo. "

At dahil sa mga maibigay na estudyanteng yun, muntik pa ko ma late sa next subject ko kasi na carried away na naman si nanay sa reminiscing moments nya, and out of respect, kahit memorize ko na mga kwento ni nanay, ayun pinakinggan ko na naman ulit. Wala akong karapatang mag reklamo lalo na si-nave nya na naman ako today.

Natapos ng matiwasay ang buong araw ko sa University. Habang nasa jeep, may sumakay na lola na halos hirap na sa pag-akyat. Umusog agad ako at inalalayan sya.

"Salamat, ineng." pangiting sabi ni lola. Siguro nasa late 60s na rin sya.

Habang binabaybay ng jeep ang kahabaan ng Taft Avenue, di ko maiwasan na magtanong, "Lola, saan po ba ang punta nyo?"

"Sa Buendia ang baba ko ineng."

"Bakit po kayo lang mag-isa ang bumiyahe? Alam nyo naman po mga jeep, parang laging nagmamadali. Sana po nagpasama kayo sa anak o apo nyo."

"Naku ineng, yung dalawa kong anak pareho ng nasa Amerika. Pati mga apo ko dun na nga ipinananganak at lumaki. Minsanan na nga lang kami magkita kasi busy sila sa mga trabaho nila tsaka mahal din ang pamasahe."

"Ganun po na 'la? Eh sino pong kasama nyo sa bahay?" nag-aalala kong tanong.

"May isang pamangkin ako na kasama sa bahay. Sya talaga yung kasa-kasama ko pag umalis ako. Kaso may pasok kasi sya ngayon at kinailangan kong magpa check-up kaya ako na lang mag-isa ang umalis. Ilang araw ko na kasing iniinda tong sakit sa gulugod ko."

"Eh lola, sana po nag taxi na lang po kayo."

"Ay ayoko na ineng sa mga taxi lalo na kung mag-isa lang ako. Na-holdap na kasi kami ng pamangkin ko nung minsang sumakay kami. Syempre wala naman kaming kalaban-laban, pareho kaming babae, matanda pa ako. Pasalamat na lang sa Dyos, di kami sinaktan kaya kahit na mahirapan pa ako, mas gugustuhin ko na lang mag jeep."

"Eh sana lola, dun na rin po kayo sa America tumira tutal andun naman ang pamilya nyo po." Pakialamera talaga ako.

"Tumira din ako dati dun ineng. Siguro mga piyong taon din. Kaso kasi pag matanda na at lalo na sakitin pa, kadalasan ipinapasok sa home care. Alam mo yun, yung iwanan ng mga matatanda? Ayoko namang mamatay sa ibang bansa at lalo na sa loob ng home care. Busy masyado mga anak ko. Yung isa nga tatlo pa ang trabaho kasi magkokolehiyo na ang panganay nya. Ayoko namang makasagabal sa kanila kaya mas ginusto ko na lang umuwi ng Pilipinas. Kahit paano, dito may mga kamag-anak na makakasama."

Nalungkot ako. Napaisip.

"Ineng, pakisabi para sa sunod na jeepney stop. Baka hindi marinig ng driver kasi mahina ang boses ko."

"Lola,okay lang po ba sa inyo kung samahan ko na lang po kayong bumaba at maihatid sa bahay nyo? Kasi baka po mapano kayo sa daan. Rush hour pa naman. Lahat ng tao nagmamadali pati mga sasakyan. Gusto ko lang po kayong alalayan."

Napangiti si lola. "Aba ineng, ikagagalak kong masamahan mo ako."

At sa sunod na jeepney stop, sabay na kaming bumaba ni lola.

Naglakad kami papuntang Kanto ng Mcdo at sumakay ng tricycle. Blesilda pala ang pangalan ni lola. Sabi ko Lola Blessy ang itatawag ko sa kanya kasi makaluma na yung nickname nyang Ildang. Tumigil ang tricycle sa tapat ng isang katamtamang laking bahay na bungalow. May kalumaan na. Sa isip ko, siguro ancestral house nila to. Pagpasok ng gate, may maliit na garden sa kabilang side ng garahe at halos puno ng orchids.

"Mahilig ako sa orchids, ineng. Yan ang libangan ko araw-araw. Kinakausap ko pa nga yan sila para mamulaklak." Tuwang-tuwa si Lola Blessy habang ipinagmamalaki ang mga tanim na orchids na halos lahat ay may bulaklak.

Pinapasok ako ni Lola Blessy sa loob ng bahay at unang bumungad sa akin sa pagpasok sa sala ay isang malaking kwadrado ng family picture. Katapat nito, may isang grand piano na puno dun ng mga picture frames sa ibabaw. Sa kabilang banda naman ng wall, may nakasabit na mga diploma.

Belinda Guerrero, nagtapos ng Nursing.

Benedicto Guerrero, nagtapos ng Accounting.

"Yan ineng, ang mga anak ko." Kinuha ni Lola Blessy ang isa sa mga picture frame sa ibabaw ng piano. "Si Linda ay isang nurse ngayon sa Michigan. Si Ben naman, isang marketing manager sa isang real estate sa North Carolina. Parehong cum laude nung nagtapos kaya mabilis lang nakakuha ng magagandang trabaho. Unang nakaalis si Linda kasi in demand ang mga nurses sa America. Si Ben naman, na promote at sya na ang pinag handle ng opisina nila sa America." proud na kwento ni Lola Blessy.

Habang masayang nagkukwento si Lola Blessy, biglang tumunog ang cellphone ko. Si nanay pala.

"Alex, asan ka na bang bata ka? Dapat kanina ka pa nakauwi ah. Bakit di ka man lang mag reply sa mga text ko?" nag-aalalang boses ni nanay sa kabilang linya.

"Nay sorry, di ko narinig na tumunog cellphone ko. Naka silent po kasi at nasa loob lang ng bag ko. Alam mo na, iwas snatcher."

"Asan ka ba? Bakit ang tahimik? Wala ka na sa jeep panigurado."

"Andito po ako kina Lola Blessy."

"Lola Blessy? Sinong Lola Blessy?" pataas na boses ni nanay.

"Ay dyan ko na po ikukwento, nay. Sige po, pauwi na po ako."

At gustuhin ko man na magpatuloy pa sa kwentuhan namin ni Lola Blessy, kailangan ko ng magpaalam or else baka mapraning na naman ang aking nanay.

Habang sakay ulit ako ng jeep pauwi na sa amin, panay ang isip ko kay Lola Blessy. Di ko alam kung magiging proud ba ko sa mga anak nya kasi mga achievers sila at magaganda na ang estado sa buhay o maiinis ba sa kanila kasi para sa akin pagpapabaya ang ginawa nila kay Lola Blessy. Pero sino ba ako para humusga? Ni hindi ko nga alam ang buong kwento ng mga buhay nila.

Bigla akong Napaisip sa sitwasyon namin ni nanay. Nag iisa nya lang akong anak. Hinding hindi ako mag-a-abroad para mag trabaho o manirahan dun unless kasama ko si nanay. Hinding hindi ko iiwanan mag isa sa pagtanda si nanay.

Pagpasok ko ng bahay, nagluluto ng hapunan si nanay. Dapat toka ko ang pagluluto ng hapunan kaso dahil nga nag side trip pa ako kina Lola Blessy, ayan, si nanay na ang nagluto. Niyakap ko ng buong higpit si nanay.

"Sus, na-late ka lang at di nakapagluto ng hapunan, may pa yakap-yakap ka pang nalalaman. Ikaw talaga Alex, pinakaba mo na naman ako. Alam mo na ngang uso ang kidnapping ngayon. Wala akong ipang ra-ransom sayo!"

"Ang nanay naman, napaka-nega! Walang mag iinteres na kumidnap sa akin kasi mahuhulaan nila na walang pang ransom sa akin."

"Sus, kukunin lamang loob mo at ibebenta! San ka ba galing kasi?"

"Kina Lola Blessy nga po nay."

"Oo nga, sinabi mo na yan kanina. Eh sino ba yang Lola Blessy? Bagong kilalang kamag-anak? Wala naman akong maalalang Blessy na kamag-anak natin ah."

"Nakasabay ko po sa jeep, nay. Magbihis na muna ako tapos maghain para makakain na tayo. Saka ko ikwento lahat, okay?"

Pagpasok ko ng kwarto, kinuha ko ang isang picture frame namin ni nanay. Graduation ko yun nung high school at kitang kita sa litrato kung gaano sya kasaya at proud na proud sa akin. Ni wala nga kong honors nun pero tinalo ko pa ang valedictorian namin masi sya, auntie lang ang nakapag attend ng graduation nya kasi parehong nasa ibang bansa nagtratrabaho mga magulang nya. Ni hindi man lang nila nasabitan ng medalya ang anak nila. Buti pa ako, nasabitan ni nanay ng tag bente pesos na lei na binili sa gate ng school namin.

Napaluha ako. Ganun ako minsan, parang ewan lang. Luluha na lang bigla. Kahit nga scene sa teleserye or movies nadadala ako. Ang swerte ko pa din kasi andyan si nanay. Ayokong maging kagaya ng valedictorian namin na nagtapos na walang magulang na nakagabay at lalong ayokong maging kagaya ni nanay si Lola Blessy na tumandang malayo sa mga anak nya. Nakakalungkot siguro tumandang mag-isa.