This is just a work of fiction. Alin man sa mga mababasa ninyong senaryo o pangyayare ay gawa lamang ng imahinasyon ng sumulat. If you found a lot of errors, failures or loopholes, correct me in a nice way. Please, do not cristisize. If you're going to comment in a harsh way, darling, just be a silent reader. Thank you and enjoy reading!
Plagiarism is a crime, punishable by Law. So if i were you, let your imagination fly and make its own way to express it in your own works.
_______
PROLOGUE
Kalla's POV
"Mommy, kapag dumating na yung prince charming ko tapos dalaga na ako, papakasalan niya rin ba ako?"
"Karylla, anak, iba yung totoong buhay sa fairy tales. Imaginations sila, habang tayo, heto at nakakahinga, buhay at totoo."
"Pero Mommy, hindi naman po imposible na mahanap ko yung prince charming ko, di po ba?"
"Yes anak. And when that time comes, you need to be sure. Promise me that you will marry the man you love and also loves you. Not the man who is promised for you, okay?"
Ang sabi ng Mommy ko dati, kapag mag aasawa na daw ako, dapat yung taong mas mahal ako. At syempre mahal ko rin. Kasi masarap daw sa feeling yung alam mong sure ka sa taong yun. Yung tipong masasabi mo na agad na siya yung para talaga sayo. She also told me that love is not just all about rainbows and butterflies. Kakambal ng Love ang pain, commitments, anger, frustation, disappointment, saya, excitement. I must be prepared, kasi anytime pwede kong maramdaman yung mga ganyan.
Anger. Hindi yan napipigilan. Lalo na kapag kaakibat ng galit na yan ang selos. You're committed so you need to be responsible enough to think before you do something that will cause a problem between you and your loved ones. Kasi mahirap suyuin ang babae kapag nahuli ka in action. Kasi ramdam na ramdam nila yung sakit. Pero mas mahirap pa rin yung sa iba malalaman ang tungkol doon. Kasi hindi nila inaasahang magagawa mo iyon sa kanila.
Parang katulad lang ng nangyare sa akin. I trusted him so much because he showed me his soft side. He changed a lot the when the incident happened. He cared for me. He showered me with love that i don't even know if that's true or just a cover up for me not to know all of his katarantaduhan behind his maamong mukha. He buys me things that i don't even need but he insists. Para daw hindi ako mapag iwanan ng panahon and so on. And lastly, he always say 'I love you' to me every minute. Even when he didn't really mean saying it.
Nang malaman ko iyon, pakiramdam ko napipilitan lang siya na gawin lahat ng iyon. Pakiramdam ko, labas sa ilong ang mga sinabi niya. Hindi bukal sa loob, pero nagawa niyang paniwalain ako sa mga kasinungalingan niya. Para akong batang inuto para lang hindi mag hangad ng kung ano pa bukod sa binibigay niya.
Nagawa niyang linlangin ang inosenteng katulad ko. Nagawa niyang guluhin ang mundo ko. Nagawa niyang paikutin ako sa mga kamay niya. Saktan ako emotionally and physically.
Kaya kami umabot sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang araw na hindi ko inaasahan, ito na yun. Nang ikasal kami itinatak ko na sa utak ko na dapat kong panindigan ito. Fixed marriage ito pero sinabi ko sa sarili ko na matutunan ko rin siyang mahalin habang tumatagal. Sinabi ko sa sarili ko na sa oras na ikasal kami, gagawin ko ang best ko para lang mag work ang relasyon namin.
Napamahal na nga ako sa kanya. At akala ko ganon din siya. Mali pala iyon. Dahil sa aming dalawa, ako lang ang nagmahal. Habang siya, may mahal ring iba. It is One sided love after all.
Tama nga si Vanne. Masyado akong naïve. Wala akong alam sa pag ibig. Bago lang ako sa ganoong pakiramdam at hindi pa ako marunong magtago ng nararamdaman. At mas lalong madali pa akong lokohin.
"Ano bang meron dito, Dreegiel, anak?" nagtatakang tanong ni Tito Gio.
Imbes na sagutin niya ang ama ay mariin niya akong tinignan. Nakatayo ako sa harap ng mag aamang Alejandro hawak ang isang brown envelope. Nilapag ko sa coffee table na nasa harap nila.
I let them open the envelope and see what's inside. I heard Sui tsked after he saw the capitalized letters on the top of the paper. While Dreegiel, the beast, didn't react. I felt a pang on my chest. That just means wala lang talaga para sa kanya ang lahat ng ginawa niya sakin. Both good and bad things. Wala lang sakanya lahat ng ginawa namin ng magkasama.
After a minute, kinuha ni Dreegiel ang mga papel at ilang segundo pang tinitigan. He just smirked at it. Padarag niyang binalik sa coffee table ang papel.
"I am not signing it, Karylla. Never." malamig na sabi niya.
I sighed. "Sign it, Dreegiel. Please."
He smirked. "Why would i? You are my wife and that must stay that way." walang emosyong sabi niya.
"Ha..." napapantastikuhang bumuga ako ng hangin. "Do you even hear yourself? A-Ano kamo? Asawa mo ako? And that must s-stay that way?"
"Yes. Sino na lang ang pupuno sa mga pangangailangan ko? See?" he chuckled non-chalantly.
I smiled fakely at him. "Mga babae mo. Marami naman sila, hindi ba? Paniguradong kaya nila akong higitan." i mocked him.
Umigting ang panga niya. "Don't start with me, Karylla—"
"Ay, oo nga pala!" i tsked fakely. "Ayaw mong malaman nila na may mga babae ka. Dapat nga proud ka, e. Bukod sa magaganda ang mga babae mo, magagaling pa sa kama."
"Stop it, Karylla." mariin niyang sabi.
Ngumisi ako. "Totoo naman ah? Gusto mo iyong malaki ang boobs, ang pwet, maliit ang bewang at namumutok ang labi. Gusto mo iyong makakapag paramdam sayo ng init na kinakailangan mo. You want those girls who loves to pleasure you so much. You want those girls who are wild in bed!" singhal ko.
Gumalaw ang panga niya. "How about you? You got no taste. You like people who are poor?"
"Di bale ng mahirap, basta totoo. Mabuti nga siya, aminado siyang mahirap siya at hindi niya kinakahiya ang mga katarantaduhan niya!" sagot kom
I heard Kuya Minthe whistled. "Maybe we should go—"
"No, kuya. Stay please." i smiled widely.
"Kalla, kung ano mang problema niyong mag asawa, pag usapan niyo ng maayos." ani Kuya Caleb.
"M-Maayos ba kamo?" ngumisi ako at naramdaman ko ang pag iinit ng magkabilang gilid ng mata ko. "Wag na. Everytime i want to nicely talk to him about our problem, he would always walk out. Kasi tatakbo siya don sa mga babae niya tapos sila pa mismo ang mag hahatid sa kaniya. T-Then, they will make out on the sofa. Not minding me, and my feelings." hindi ko na napigilan ang pag iyak.
"Kahit anong sabihin mo, hinding hindi ko pipirmahan yan." matigas na sabi ni Dreegiel.
I heard Bjorn cussed. "Fuck this! Kuya hayaan na natin sila mag usap—"
Natigil siya nang makitang lumuhod ako sa harapan ni Dreegiel. Lulunokin ko na lahat ng pride na meron ako, makalaya lang ako sa impyernong ito. Hindi ko kayang hayaan na lang na masaktan ang sarili ko.
"Dreegiel, please." namamaos na sabi ko. "Palayain mo na ako. Hindi ko na kaya yung sakit. Tama na, please. Hayaan mo na ako." humagulgol ako.
Naramdaman kong may kamay na pinipilit akong itayo pero kumapit ako sa pants ni Dreegiel saka tumingala sa kaniya. Wala na akong pakialam kahit magmukha akong kawawa para sa kanya.
"Just set me free. I promise you, kapag hinawalayan mo na ako, hinding hindi ka na mamomroblema. So please, please, Dreegiel. Mag divorce na tayo, ayoko na. Suko na ako. Sukong suko na ako. Talo na ako." umiiyak na sambit ko.
"Karylla Celestine, tumayo ka dyan!" maawtoridad na utos niya pero umiling ako.
"Let me live my life the way i want it to."
Nag squat siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko para magpantay ang mga paningin namin.
"Do you really want me to set you free? Do you really want me to let you go and live the way you wanted?" malumanay na tanong niya.
Sunud-sunod akong tumango. Kahit sobrang sakit na ng puso ko.
Tumango-tango siya. "Divorced na tayo," aniya saka tumayo.
"Dreegiel!" sigaw ni Tito Gio
"Kuya, seryoso ka ba?" litong tanong ni Sui.
Natigil ako sa pag iyak. Masakit pero gumaan ang loob ko. Knowing that i will finally get out of this mess.
"In two months, pipirmahan ko na ang papers na yan."
Dreegiel's POV
"Dree, hayaan mo na kasi ang babaeng yon." sabi ni Millie.
"Hindi nga pwede." matigas kong sabi.
She sat on my lap. "And why not? You don't love her. Divorce with her already and be mine." she whispered.
Nilingon ko siya at halos magdikit na ang ilong namin. Bumaba ang tingin ko sa labi niya ngunit hindi siya ang nakikita ko, kung hindi ang labi niya sa twing magigising akong katabi siya.
"Oh, fuck!" i cussed.
"Turned on, already?" she chuckled. "You are so insatiable, Dree. At hinding hindi iyan kayang pawiin ng babaeng yon. Tanging ako lang." she whispered erotically on my ear.
My jaw clenched as her hands slid inside my shirt. I can't feel anything. Hindi ko manlang maramdaman na nag iinit ang katawan ko. All i feel is that something bad might come to me.
Naalala ko ang isang gabing pagkakamali ko sa kanya. I know there is something already but i am too dense to admit it. All her good thoughts about me vanished when she saw me do that.
Tinanggal ko ang kamay niyang nasa loob ng t-shirt. I felt her stilled and her brows furrowed as she looked at me. She was about to kiss me when i shifted my face on the opposite side.
"I'm not in the mood, Millie." i said.
She rolled her eyes. "You've been like that since she told you that she wants to be free."
My face hardened. "No, i'm not. W-Wala akong pake sa kanya."
"Sana nga mali ang iniisip kong iyon." aniya.
Kumunot ang labi ko. "What do you mean?"
Umayos siya ng upo at hinarap ang ulo sa akin. "Last two months, you did not needee me. Walang kahit anong paramdam galing sayo. All i know was you're having a good time with your wife. You did good in every meeting and you're all smiles everytime someone mentions her about being a good husband to her. Though, we all knew you weren't."
Natahimik ako. She was right. I knew i've changed since she almost got kdnapped and killed. I cared for her but only because i am guilty. Pero biglang nagbago.
"Unless, may nararamdaman ka na para sa babaeng yon? Hmm?" she said as she continued on drawing circles on my chest.
Can it be?
When i saw her cry as she kneeled in front of me, para akong sinasaksak. There is so much feeling i felt as i watched her kneel and beg as she cry.
"O-Of course, not. Hindi mangyayare yun."
She smirked. "I know you're too smart to settle with a stick figured woman."
S-Stick... Figured Woman?! How dare she— No, tama siya. Payatot si Kalla at walang kakurba-kurba ang katawan.
"Now, divorce with her. And marry me instead." bulong niya. "Our marriage will be all about intimate love. And not about business."
Yeah. I just married her because of our business. Pure business. Nothing more. Nothing less. Just business.
If it wasn't for Mommy, hinding hindi ako magpapakasal sa kanya. I don't wanna get married kung hindi naman ako sasaya. Wala ring excitement at spark nang pakasalan ko siya.
But when we made love the first time, akala ko lang pala lahat ng yon. And for the first time in my life simula nang muntik na siyang makidnap, i feel like i should cherish and take care of her.
________
-LegendoftheBlueZai
Typographic errors will soon be fixed.
Kamsahamnida!💚