ERICE
I heaved a deep sigh before I open my eyes and smile at the mirror. This day would be great. And I'll make sure that Van Miller Buencamino would know my existence before this day ends, I muttered to myself with full of determination and confidence.
Lumabas na 'ko ng condo unit. Nasa ibaba ng building na ito si Mileezen para sunduin ako. Unang araw ng pasukan ngayong taon at sabay kaming papasok.
Fourth-year high school transferee student ako sa Clinton State Academy, ang school na pinapasukan nina Mileezen at Van Miller. At laking tuwa ko nang malaman na nasa same class kaming tatlo. That's why; I'm so excited to go to my new school.
"Are you ready?"
"Yes," nakangiting sagot ko.
"Are you excited?" tanong pa ni Mileezen habang nasa biyahe na kami. Magkatabi kami sa backseat habang si Tatay Neil ang nagmamaneho ng kotse. Family driver namin ito noong hindi pa kami nagma-migrate sa LA three years ago. Muli ko itong kinuha para maging personal driver ko.
Mas lumapad ang ngiti ko. "Super."
Natatawang napailing na lang siya. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan namin. Totoong excited akong pumasok sa school. Too excited to the point my heart was pounding so fast just the thought of seeing and meeting my crush today.
Ilang sandali pa, nakarating na kami sa school. At pagpasok pa lang namin sa campus, kapansin-pansin na ang kakaibang tingin sa 'min ng mga estudyanteng nakakasalubong at nadadaanan namin. O sa 'kin talaga sila nakatingin? They were looking at me with their curious and skeptical eyes. Is it because this is the first time they saw me here? Or because of my blonde hair that really stood out?
Napabaling ang tingin ko sa katabi ko nang mag-ring ang phone niya. "Tsk. He's calling again," narinig kong sambit ni Mileezen bago sinagot ang tawag. "What now, Zach? Nandito na 'ko sa school... I'm with Jude." Tumahimik muna siya at nakinig sa sinasabi ng kausap. At muntik na 'kong matawa nang umikot ang mga mata niya. "Zach, transferee student si Jude at kailangan ko siyang i-tour sa buong campus para maging pamilyar siya. Mamaya ko na lang pakikinggan 'yang sinasabi mo kapag nandito ka na sa school, okay? Bye." Then, she hanged up.
"Who's Zach? Your boyfriend?" I asked, teasing her.
"Boy space friend. Lalaking kaibigan," she answered, rolling her eyes at me. "Isa siya sa mga kaibigan ni Miller at classmate din natin siya. Ipapakilala kita sa kanya mamaya. For now, itu-tour muna kita since maaga pa naman before our class. Para hindi ka na rin maligaw sa susunod kapag hindi na tayo sabay pumasok."
"Okay, got it." And I followed her.
~~~
Mileezen showed me around the school. At hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko sa paligid. Mas maganda pala ito kumpara sa mga pictures lang na nakikita ko sa official website. Hindi ito pahuhuli sa magagandang schools na nakita ko na sa LA.
Clinton State Academy is one of the most popular high schools in the country. Just like other private and prestigious high school, CSA has the most high-tech facilities and great reputation when it comes to education. Sobrang laki at lawak ng campus. Three different courts for outdoor sports like basketball, volleyball and tennis. Then, separate space for soccer and baseball. May swimming pool din. Ang pinakanagustuhan kong lugar dito sa school ay ang botanical garden. May plant maze na hugis bilog at kasintaas ng tao.
Matapos ang aming paglilibot, pumunta na kami sa classroom namin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang unang klase. Habang naglalakad sa hallway, maraming mga estudyante ang bumabati sa best friend ko.
"Hi, Mileezen! Kumusta? Pakikumusta rin kami sa G5, ha?"
"Hello. I'm fine. I'll tell them."
"Mileezen, pakisabi naman sa G5 na pansinin nila ang love letters namin."
"Okay."
"Kelan pala next gig nila? Excited na ulit kaming mapanood sila sa stage."
"Maybe soon? I don't know."
Nang makalagpas ang tatlong babaeng nakasalubong at kumausap kay Mileezen, "Sino 'yung G5 na tinatanong nila sa 'yo?" curious na tanong ko.
Ngumiti siya nang makahulugan. "Sikat na rock band dito sa school. Makikilala mo rin sila one of these days."
Nagtataka man, nagkibit-balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakita naming kakapasok lang ng isang teacher sa classroom namin. Pagkarating namin sa may pinto, nagpakilala na itong class adviser. She looked at our direction. "Good morning, girls. You must be the new transferee student, right?" tukoy niya sa 'kin.
Tumango ako at tipid na ngumiti bago pumasok. Dumeretso si Mileezen sa upuan niya sa unahan habang ako naman ay pumuwesto sa unahan katabi ng adviser. Tumingin ito sa mga estudyante. "Class, like I mentioned earlier, she's a transferee and she will be in this class. Starting today, she's your new classmate. Be nice to her, okay?" sabi nito sa klase bago muling ibinalik ang tingin sa 'kin. "Please, introduce yourself."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tumingin sa harapan ko. "Hello. I'm Erice Jude Santos, but you can call me Jude. Nice meeting you all. I hope we become friends," nakangiting pakilala ko sa kanila.
"That's Jude?" Narinig kong tanong ng isang lalaki kay Mileezen na katabi lang niya.
"Yes, Zach."
"You never told me that Jude is a girl."
"Because you never asked," matter of fact na sagot ni Mileezen bago ngumisi rito.
"Ms. Santos, based on your information, you studied in a well-known and prestigious high school in Los Angeles, California. Why did you transfer here?" tanong ng adviser namin.
Muli akong tumingin sa mga kaklase ko at hinanap ang partikular na tao na siyang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Isa talaga siya sa dahilan ko kung bakit ako bumalik dito sa bansa. And I couldn't help but smile when I found him. "Because of Van Miller Buencamino. I transferred here because of him," walang pag-aalinlangan na sagot ko.
Nakita ko ang pagsinghap at pagkagulat sa mukha ng mga new classmates ko bago sila lumingon sa direksyon ng lalaking tinutukoy ko. Doon lang nag-angat ng tingin si crush nang maramdaman na nakatingin sa kanya ang lahat. And my heart skipped a beat when I saw his face.
He looked around, frowning. "What?" he asked before removing his earphone. "Why are you all looking at me?"
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. At napahiling na sana ay bumuka ang lupa para lamunin ako dito sa mismong kinatatayuan ko.