.ENA.
"Lumayas na kayo dito! Ilang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta! Aba! Hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan ko kayong pagbigyan! 'Yan kasi mahirap sa mga tao ngayon! Inaabuso yung kabaitang ipinapakita mo sa kanila!" Sigaw ni Aling Martha habang hinahagis-hagis niya sa labas ang mga gamit at damit namin.
Jusko naman! Bakit naman ngayon pa 'to nangyari?
"Aling Martha! Parang awa niyo naman na po! Bigyan niyo po ako ng isang linggo at babayaran ko kayo ng buo!" Pagmamakakawa ni Ate Anna habang pinipigilan ang landlord namin sa pagkakalat ng aming mga gamit sa labas na nakakahiya na rin sa mga kapitbahay namin.
Pinupulot ko na lang at inaayos ang mga gamit namin. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Grabe naman kasi. Bakit ba ganito? Bakit ba ang hirap ng mabuhay sa panahon ngayon? Sobrang hirap.
Ang sakit makita na ganito ang nangyayari sa pamilya namin.
Yung lolo ko nakatingin lang sa mga gamit naming nagkalat. Base sa tingin niya, alam kong nasasaktan din siya dahil wala siyang magawa sa sitwasyong ito.
Bata pa ako nang makuryente siya. Katatapos lang kasi ng ulan no'n at napagpasyahan niyang ayusin ang antenna. At nangyari nga 'yon. Umabot sa third burn ang mga sugat niya sa torso. Swerte na lang talaga na nabuhay siya at para sa akin 'yon ang pinakamahalaga. Sa ngayon, putol na ang kaliwa niyang kamay sa kadahilanang kapag hindi daw 'yon pinutol ay malaki ang tsansang magkaroon siya ng cancer. Yung kanan naman niyang kamay, nakatupi na lang ang mga daliri niya. Hindi na niya nai-uunat 'yon. Tig-tatlong daliri na lang rin ang bawat paa niya kaya nahihirapan na din siyang maglakad.
"Kung sana hindi lang ako nagkaganito, hindi sana ganito ang buhay natin"
Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa pangongolekta ng mga gamit namin.
Sobra akong nasasaktan kapag sinasabi ni lolo ang mga salitang 'yon. Pero wala akong magawa. Nakakainis.
Damn this life! Damn this fate!
What did we ever do to for us to experience this kind of life?!
I'm so freaking sick of it!
Nilagay ko sa gilid ng bahay yung mga nailigpit kong mga damit at gamit namin.
"Apo, pasensya na ha? Wala kasing kwenta yung lolo niyo eh. Lalo lang kayong nahihirapan" Sabi ni lolo. Bakas sa mata niya ang sakit.
"Lo, wag niyo pong isipin 'yan. Kayo na po nag-alaga sa amin ni ate mula pagkabata. At kahit ano pong mangyari, hinding-hindi namin kayo pababayaan" Masakit kapag nakikitang mong nasasaktan yung taong mahalaga sayo. Lalo na yung itinuturing mong magulang. Niyakap ko na lang si lolo habang pinipigilan ko yung luha kong nagbabadya na naman.
"Sana ako na lang yung namatay at hindi ang lola niyo. Kung nandito lang sana siya baka mas natulungan niya pa kayo sa sitwasyong 'to"
"Lolo, wag nga po kayo magsabi ng ganyan eh!" Pasigaw kong sabi. Nasasaktan na kasi ako ng sobra. Ayoko sa ganitong mga pagkakataon dahil ganyan magsalita si lolo. Yung tipong ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Yung tipong akala niya napakawalang kwenta niya.
Hindi ko rin alam ang mangyayari sa akin kapag nawala si lolo. Baka gumuho na ang mundo ko no'n.
"Aling Martha! Parang awa niyo na po!" Hinawakan ni ate yung braso ni Aling Martha pero kinalag lang ito ng landlord namin dahilan upang mapaupo si ate sa semento.
Umalis na yung landlord namin na tila ba walang narinig.
Agad akong lumapit kay ate na umiiyak na rin.
"Sorry Ena" Pagkasabi niya no'n ay humagulhol na siya ng iyak. Tokwa naman! Ano ng gagawin ko? Pati si ate umiiyak na rin. Niyakap ko na lang si ate.
~*~
Langay-langayan ang lagay namin ngayon. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Nandito kami sa waiting shed ngayon. Walang umiimik. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami tutuloy ngayon. Wala naman kasi kaming kamag-anak dito. Sina papa at mama naman ay may kanya-kanya ng pamilya. Pero baka naman pwede kaming humingi ng tulong sa kanila ngayon. Kahit ngayon lang.
"A-ate"
"Kung ang iniisip mo ay humingi ng tulong kina mama at papa, wag na Ena"
"Pero ate, wala tayong magagawa kundi ang-"
"Hindi nga sabi Ena! Hindi tayo hihingi ng tulong sa kanila!"
"Babaan mo naman yung pride mo ate!" Umiiyak kong sigaw sa kanya.
Umiling lang siya sa akin.
"Maghintay kayo dito ni lolo. Mag-w-withdraw lang ako ng pera at maghahanap na rin ako ng apartment na marerentahan" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pumara siya ng jeep at sumakay.
Tiningnan ko si lolo. Nakasandal siya pader ng waiting shed habang natutulog.
Ngumiti na lang ako.
Lumabas muna ako sa waiting shed. Tinitingnan ko yung mga sasakyang dumaraan sa kalsada.
Ano kaya ang pakiramdam ng mayayaman? Siguro, hindi na nila pinoproblema yung pang-araw-araw nilang pagkain. Siguro, hindi rin nila po-problemahin kung saan sila titira.
Buti pa sila mayaman.
Bumuga ako ng hangin. Kailangan ko ng maghanap ng part time job bukas. Kailangan ko na talagang tulungan si ate sa paghahanap-buhay.
Isang office clerk si ate sa munisipyo. Wala pa siyang kasintahan. Siguro gusto niya munang makapagtapos ako ng pag-aaral bago niya harapin ang mga ganyang bagay. Bente-siyete anyos na si ate. Ako naman dalawampu't isang taong gulang na. Ikatlong taon ko na sa kolehiyo. Kaunti na lang talaga, makakatapos na ako. Education ang kurso ko. Bakit? Ito kasi yung kursong pag natapos mo ay alam mo na agad kung ano ang trabaho mo. May kasiguraduhan na agad.
Napahinga na lang ako ng malalim. Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang biglang may humintong matte black na kotse sa harapan ko. Dahan-dahan bumaba ang bintana sa passenger's seat.
"Hi!" Bati sa akin ng isang magandang babae. Sa tingin ko nasa mid-30s pa lang 'tong babaeng 'to.
"A-ano po 'yon?" Nauutal kong sabi. Sino ba namang hindi kung ganito kaganda yung magtatanong sayo?
"Ikaw ba 'yong apo ni Mang Eseng?"
"O-opo. Apo niya nga po ako"
Napaatras ako nang biglang bumukas yung pinto ng sasakyan at lumabas ang babae sa kotse. Napatingin siya sa loob ng waiting shed.
"What happened? Teka, si Mang Eseng ba 'yan?" May pag-alala niyang tanong at saka siya pumasok sa loob ng waiting shed.
Sumunod ako sa babae.
"S-sino po ba kayo?" Tanong ko at umupo ako sa sementadong upuan sa loob ng shed.
"Ah, hindi mo pa nga pala ako kilala" Ngumiti yung babae saka umupo sa katapat kong upuan.
"I'm Almira Martinez Vergavera. No'ng bata pa yung anak ko, muntik na siyang ma-kidnap. Lumabas kasi ng school ang anak ko ng mag-isa. May lumapit daw sa kanyang lalaki at parang inuto siya. At dahil bata nga naman, naniwala siya. Sumama siya do'n sa lalaki. Hila-hila siya ng lalaki habang patawid na sila ng pedestrian lane nang mapansin 'yon ni Mang Eseng. Hinarang niya yung lalaki dahil napansin daw ni Mang Eseng na iba yung sumundo kay Eiro. Bigla na lang daw bumunot ng baril yung lalaki at itinutok iyon kay Mang Eseng. Sinipa raw agad ni Mang Eseng yung kamay no'ng lalaki kaya naagaw niya yung baril kasabay no'n ay ang paghila niya kay Eiro at itinago niya 'yon sa likod niya. Tumakbo daw palayo yung lalaki pero hinabol niya, nagtawag na rin siya ng ibang tao para mahuli yung lalaki. Laking pasasalamat namin sa kanya. Kundi dahil sa kanya, baka nawala na sa amin si Eiro."
Ngumiti si Miss Almira at napatango na lamang ako pabalik.
"Ano nga palang nangyari?"
"Napalayas po kasi kami sa inuupahan naming bahay" Nakayuko kong sabi.
"Sorry to hear that. Kung gusto niyo do'n na lang kayo sa pinapaupahan naming bungalow. Wala na kasi yung tenant namin do'n dahil bumalik na sila sa probinsya nila"
Napataas ang tingin ko sa kanya.
"Naku! Wala po kaming ganung kalaking pera para umupa sa-"
"It's free. Siguro thank you gift ko na lang din 'yon kay Mang Eseng. Late nga lang ng ilang years" Napatawa ng kaunti si Miss Almira at saka lumingon kay lolo.
"Teka, ano nga palang pangalan mo?" Nakangiting tanong niya.
"Ena Urbano po"
Ngumiti lamang siyang muli.
"Sandali lang Ena ha? May tatawagan lang ako"
Maya-maya pa ay humarap muli siya sa akin.
"Okay lang ba kung maghintay ka ng ilang minuto? Pinapunta ko na dito yung mga tutulong sa inyong maglipat do'n sa bungalow"
"O-okay lang po. Maraming salamat po talaga" Naiiyak kong tugon kay Miss Almira.
Ngumiti naman siya sa akin at yinakap ako.
"It's nothing. I'm so glad to help your family" Sabi niya nang naghiwalay na kami mula sa pagkakayakap.
"O sige na ha? Mauuna na ako. Ito nga pala yung business card ko. Call me if there's a problem, okay?"
Tinanggap ko yung business card.
"O-opo. Salamat po talaga" Nakangiti kong sabi na may kaunti pang luha sa mga mata ko.
Naglakad na siya palabas ng waiting shed. Bago umalis ang kotse ay kumaway pa siya sa akin ng nakangiti.
Pinanood kong umandar ang kotse ni Miss Almira hanggang sa hindi ko na ito matanaw.
Lumapit ako kay lolo.
"Sino po bang nagsabing wala kayong kwenta? Napakabuti niyo po sa lahat ng tao, lolo. Kaya maraming nagmamahal at nag-aalala sa inyo"
Tinawagan ko si ate ukol sa nangyari. Babalik na daw siya. Pero bibili muna siya sa grocery ng mga stock foods namin sa bahay.
Napangiti ako.
Naalala ko tuloy ang isang bible verse.
"For there is a proper time and procedure for every matter, though a man's misery weighs heavily upon him"
I thought as I smiled. It's from Ecclesiastes chapter 8 verse 6.
~**~
.EIRO.
"Are you ready?" Professor Dellegue asked.
I just give him a deadpanned look. I know that he knows what's the answer.
"Go on in" He smiled as he opened the human sized tube.
I followed him as I lay my body on that tube which I fondly called "charging station"
I'm used to this. Every 48 hours I should recharge myself here because I am a perbot.
I feel the electric current that runs all over my body. It's not new to me anyway.
I hate to admit it but perbot is synonymous to fake person. Perbot is a robot designed perfectly as human. In fact, we are the version 2.0 of the real people. We have emotions and sensations. We can eat any food we want. Don't doubt it, we're taking a bath. We can even stay underwater longer than Percy Jackson. Of course, we can breathe and speak under it.
We are good at anything. Academics, sports, arts and many more. Those are the perks of being a perbot.
But if there's a perks then there's a major drawback.
We can't cry because it will be our end. Self destroy is the absolute term if we let ourselves cry.
Considering that fact, we must have a stern personality. Strong heart but not a hard one.
As I said, we are people but a fake ones.
We are also bleeding like a normal person. Likewise, we can also get sick but it's easy for us to get well.
Like an android application, peobot has different versions. And the latest version is me. All the features that I have been saying is Peobot Version 9.0.
Well, you have to be a rich perbot to get updated. For your information, not all peobot are rich. Some is in the middle class and there's also in poor class.
I guess I have to keep saying pieces of information for you to understand us better.
The information of being a perbot is confidential. In short, we are mixed with the normal people.
Sometimes, you don't know if the creature standing in front of you is perbot or a person.
So better, be careful.
Ughh. I need to stay in this charging station for three freaking hours.
Even though we're eating foods, we still need electricity in out body to function perfectly.
Though sometimes I ponder, what does it feel to be a person? Not a perfect one and free to feel anything. Free to cry in sorrow and in joy.
Is there a hope to be a real person?
As far as I know, there's a legend about it. The first ever perbot, Aero Andromeda, became a real human.
I wonder if it's real.
According to legend, a perbot can be a person if we can find an individual who will love us wholly.
In Aero Andromeda Legend. They said, he can feel and know the percentage of his lover's affection. Yeah, it popped up in his mind. And when it turned one hundred percent, his heart and brain throbbed hardly causing the small chips in those parts to release. He recovered for few weeks and magic happened, he's a human already. A real one.
It's so damn impossible, right?
When I first heard that legend, I actually laughed at it. Well, Professor Dellegue told it to me.
Now, I don't know if I'll believe it or not. But part of me is wishing that it's true, that I can be a real person.
Nakakainggit lang kasi...
Buti pa sila tao.
~**~
.ENA.
Dalawang araw na rin matapos kaming makalipat dito sa bungalow na 'to. Tuwang-tuwa nga si lolo nang malaman niyang si Miss Almira yung tumulong sa amin. Sa totoo lang, ang luwag ng bungalow na 'to. Old style ang interior design. Yung tipong akala mo nasa panahon ka pa ng Kastila. Mas gusto ko 'to kaysa sa modernong ayos ng mga bahay ngayon. Parang ako nasa sinaunang panahon.
Tig-iisa kami ng kwarto nila lolo at ate. Maluwag ang mga ito kaya masaya. Magagawa mo ang kung ano mang trip mo.
Maaliwalas at parang nasa probinsya kami. Ang lawak ng lupain nila Miss Almira at sobrang ganda ng mga puno, halaman at mga bulaklak na nakapalibot dito.
Hindi air conditioned ang bahay dahil nga may fresh air naman kung sakaling bubuksan mo ang bintana.
Linggo na nga pala ng gabi ngayon. Pagkagaling ko sa simbahan ay sumabay na akong kumain kila ate at lolo. Nanood pa sila ng palabas sa TV tuwing linggo ng gabi, ako naman dumiretso na ako sa kwarto ko. Inayos ko na ang mga gamit ko para bukas. Nagbasa-basa din ako ng notes. At pagkatapos no'n humiga na ako sa higaan ko.
Tinitigan ko ang ceiling pati na ang mga pader. Ang liwanag kasing tingnan kahit nakapatay ang ilaw. Pink ang pintura ng buong kwartong 'to. Actually, neon pink yata ang pintura ng ceiling at wall. Pati 'yong floor carpet ganun din ang kulay. Yung bed sheet, blanket at pillows different shade ng pink. Tapos may isang neon pink colored bookshelf na punong-puno ng mga libro.
Babaeng-babae siguro huling nagrenta sa kwartong 'to. No doubt 'yan.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako sa gitna ng gabi. Lumamig yata. Baka umuulan sa labas. Grabe, ang sarap matulog. Parang nakakatamad pumasok bukas.
Namaluktot pa ako dahil sa lamig. Kumurap-kurap ako.
Bakit parang...may nakatayong tao?
Tuluyan na akong dumilat. Itinaas ko ang tingin ko upang siguraduhin kung may tao ngang talaga o minumulto lang ako o namamalikmata ako. Nang magkatinginan kami ng nilalang na 'to, sumalubong sa akin ang nakakunot na itsura ng isang lalaki.
Napaupo naman ako sa higaan ko habang nakakumot pa rin.
"Sino ka?" Nanlaki ang mga mata ko.
"T-teka! Rapist ka ba? Naku jusko! Isusuko ko lang ang sarili ko sa lalaking mamahalin ko ng lubos! O baka naman magnanakaw ka?! Shemmmayy! Mahirap lang kami! Promise!"
"Can you just shut your freaking mouth?"
"Sino ka ba kasi at paano ka nakapasok dito?"
"I am Eiro Vergavera. My family owns this house and of course, I have a spare key to open this. Wait! I must be the one who does the questioning here, who are you and tell me why are you sleeping in my room?"
~**~