Chereads / Writers' Wish / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2: He followed her

-Kesha Karinne Marques' POV-

"Bye! Kesh!" Paalam ng ilan kong kaklase habang nag-aayos ako ng gamit ko pabalik sa bag ko.

"Bye! Ingat kayo!" Sabi ko sa mga kaklase kong babae na palabas na ng room.

"Kesh! Di ka pa uuwi?" Tanong naman ulit ng isa ko pang kaklase kasama ng mga kaibigan niya habang naglalakad ako sa corridor.

Napahinto ako sa pag d-daydream dahil sa kanila. Ano ba 'yan?! Istorbo naman eh.

"Ha? Di pa. Idadaan ko pa 'tong activity papers natin kay Sir Canis sa faculty" sabi ko sa kanila.

"Ah ganun? Sige pala! Una na pala kami ne?" Nakangiti niyang banggit sa akin.

"Oo! Sige! Ingats!" Nakangiti ko ring sabi sa kanila at nauna na silang maglakad.

'Yan mabuti! Makakapag-isip na ako ng magandang eksena sa story na ginagawa ko. Ipinagpatuloy ko yung mabagal kong paglalakad sa corridor. Nasa kalagitnaan na ako ng magandang eksena nang...

"Kesha! Tara't mag-elevator!" Pag-aayaya ni Harrold sa akin na nagmamadaling maglakad at halatang hinihingal na.

Kaynis! Isa na namang epal.

"Ah, di na! Ikaw na lang! Sa third floor lang naman ako eh" Pagtanggi ko sa kanya. Kasi naman nasa 5th Floor lang ako tapos mag-eelevator pa ako pababa sa third floor? Kaartehan lang yun. Tsaka nag-iisip pa ako ng mga possible scenarios para sa story ko. Maganda na yung kanina eh. Ipagpapatuloy ko na lang.

"Tara na! Bayad sa tuition natin 'yon kaya may rights tayo na gamitin 'yon!" Sabi niya at dali-dali niya akong hinila at dahil petite ako napakadali para sa kanya na madala ako do'n sa hintayan ng elevator.

"Ano ba 'yan kasi Harrold! Ang tagal pa niyan oh!" Sabi ko sa kanya at akmang tatalikod na pero hinawakan niya yung dalawa kong balikat kaya di ako makaalis.

"Ano ba 'yan! Harrold bitawan mo ako!" Sigaw ko. Kami lang naman yung tao dito sa hintayan eh.

Anak naman ng tokwa 'tong nilalang na 'to! Imbis na makapag-isip na ako ng eksena eh! Badterpppp namaaaann!!

"Harrold!! Ano ba?! Maghaha-hagdan na nga lang ako eh!" Impit kong sigaw sa kanya habang pinipilit na kumawala sa pagkakahawak niya sa balikat ko. Takte naman kasi eh! Ano namang laban ko sa height kong 161cm sa height niyang 181cm diba? Kainis! Panira ng moment eh!

"Tara na!" Sabay hinila na niya ako papasok ng elevator at bumukas na. Buti naman kami lang yung tao.

"Sa faculty din ang punta ko eh" Pagsisimula niya ng usapan.

"Bakit? Anong gagawin mo do'n?" Curious ko namang tanong.

"May itatanong lang ako kay Sir Tan, mukhang may nakalimutan siyang ilagay na ingredient do'n sa ini-experiment namin eh"

"Ah, oo nga pala. Malapit na pala yung laban mo 'no?"

"Oo. Kinakabahan nga ako eh. Mamaya di mag-work pag nandun na kami sa mismong event"

"Sus! Kaya mo 'yan!" Pagchi-cheer ko sa kanya.

"Salamat! Ambait talaga ng girlfriend ko!" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"Itigil mo nga 'yan! Hindi mo ako girlfriend 'no!" Sabi ko sabay alis ng kamay niya na nakapatong sa ulo ko.

"Bakit gusto mo bang maging gf ko?" Pang-aasar niya.

"Of course not! Sumbong kita dyan kay Raizelle eh! Kalandian mo!"

Bumukas na yung elevator kaya lumabas na kami at lumiko papunta sa faculty.

"Tss. Edi isumbong mo! Wala akong pake. Samahan pa kita" sabi niya habang nauuna siyang maglakad.

"'To kamo! Pahalagahan mo nga 'yong girlfriend mo ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Pahalagahan?" Sabi niya sabay huminto siya sa paglalakad at liningon ako. Kaya napahinto din ako sa paglalakad.

"Bakit?" Tanong ko naman sa kanya. Lumapit siya sa akin at kinuha yung hawak kong mga activity papers at naglakad ulit.

"'Yan. Sapat na ba 'to para ipakita ko sayong pinapahalagahan kita?" Seryoso niyang sabi habang nagpapatuloy siya sa paglalakad at nauuna sa akin.

Halos matulala na lang ako sa sinabi niya. Anak ng tofu 'yan! Ano na namang kalokohan 'yon ni Harrold? Kaadikan talaga! Ba't kaya di niya sa gf niya sabihin 'yon? Tsk! Tsk! Nababaliw na naman ang bestfriend ko. Gulat ba kayo? Oo, di kayo nagkakamali ng basa. Bestfriend ko na 'yong mokong na 'yon simula grade one ako hanggang ngayong 2nd Year College. Tibay diba? Friendship lang namin ang may forever. WA-HA-HA-HA!!

Sumunod na ako sa faculty at naabutan kong inaabot na ni Harrold 'yong activity papers kaya Sir Canis.

"O! Asan si Ms. Marques? Diba siya ang inutusan kong magdala nito dito?" Tanong ni sir habang kinukuha kay Harrold yung mga papel.

"Naku sir! Dapat kasi di niyo inuutusan yung tamad na babaeng 'yon!" Pagwa-warning niya kay sir.

"Magallon, h'wag ka namang ganyan ang sama na ng tingin sayo ni Marques oh! Hahaha!" Pang-aasar ni Mam Rivera.

"Kainin ka niyan! Hahaha" Gatong pa ni Sir Gonxaga.

Ngumingiti na lang ako sa kanila. Nakakaloka talaga 'yong mga guro kong ito.

"Joke lang pala sir! Hahaha! Mabait 'yang bestfriend ko! Tinulungan ko lang siyang magbuhat nitong mga papel, baka magkalas-kalas kasi yung mga buto niya eh! Hahaha!" Pang-aasar pa ni Harrold. Masasapak ko talaga 'to eh!

"Ansama lang ah!" Sabi ko naman.

"Ikaw naman pakner! Di mabiro!" Sabi niya sabay akbay sa akin.

"Alam niyo bagay kayo! Maging kayo na lang kaya!" Suhestyon ni Sir Gonxaga.

"Oo nga ano? Hahaha! Saka palagay na yung loob niyo sa isa't isa eh" Sang-ayon pa ni Mam Rivera.

"Parehas pa kayong matalino!" - Sir Chaves

"Parehas pa silang gwapo't maganda!" - Mam Rivera

"Ayieeeehh!!" Pang-aasar ng mga guro namin sa loob ng faculty. Jusko lang ah!

Nakakahiyaaaa! Buset! May isang grupo pa naman ng ibang estudyante dito na puro lalaki at mula sa ibang department. College of Computer Studies (CCS) yata dahil orange yung ID Lace nila. Shemmmay talaga. Ang malala pa niyan, nakatingin rin sila sa amin habang inaasar kami ng mga guro dito sa CEAS (College of Education, Arts and Sciences). Kalokaaaa!!

"Uhmmm...mam? Asan na po si Sir Tan?" Tanong naman ni Harrold kay Mam Rivera.

Napansin ko namang lumabas na yung mga CCS Students. Whooosh! Buti naman.

"Hala! Oo nga pala! Kaaalis lang niya at i-che-check ka daw niya do'n sa sixth floor"

"Ay! Ganun po?" Sabi ni Harrold habang di pa rin tinatanggal yung pagkakaakbay sa akin.

"Nagkasalisi kayo" Komento ni Sir Chaves.

"Ah okay po. Sige po pala! Labas na kami!" Sabi niya sabay naglakad na kami palabas ng faculty habang siya tuwang-tuwa pa ring nakaakbay sa akin.

Tofu talaga! Kung wala lang kami sa faculty, nasapak ko na 'to eh! Alam naman niyang ayaw ko sa lahat ay yung inaakbayan ako!

"Inform mo kami Magallon kung kayo na ni Ms. Marques ah!" Pahabol pa ni Sir Gonxaga.

"Oo naman sir! Hahaha!" Sabi pa ni Harrold bago kami makalabas ng faculty.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng faculty, sinipa ko siya ng pagkalakas-lakas sa binti.

"ARAAAAYY!! Potek!! Ansakit!" Sabi niya habang hawak-hawak na niya ng dalawang kamay niya yung binti niya at tumatalon-talon siya sa sakit.

"Aalis na ako! Galingan mo sa experiment niyo ah!" Sabi ko sa kanya habang tumatawa ng malakas sabay takbo pababa.

"Lagot ka talaga sa akin Kesha!!" Rinig kong sigaw niya. Hahaha! Mabuti nga sa kanya 'yon.

Nasa first floor na ako ngayon at naglalakad sa corridor ng SHS. Napadaan ako sa room ng gf ni Harrold. HUMMS kasi 'yon eh. Hmmm? Uwian na nila. Yezzzz!! Makikita ko 'yong kras kong HUMMS Student din. Wahahaha!!

Pasimpleng sulyap din pag may time. Hahaha.

Ayun siya! Nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

"Ang gwapo niya talagaaaa" Mahina kong sabi sa sarili ko habang kinikilig at pinipigalan ang pag ngiti.

-**-

Sumakay na ako ng jeep na orange para sa kanto ng bahay namin ang baba. Pagkasakay ko may sumakay pang isang lalaking CCS Student na schoolmate ko. Isa yata siya do'n sa mga lalaking nasa faculty kanina eh. Iiiiiihhh!! Kahiyaaaa!! Tofuuu.

Okay sige! Nevermind na nga lang!

After of almost fifteen minutes, pumara na ako sa kanto ng bahay namin. Bumaba rin yung lalaking CCS Student. Hmmm? Dito ba yun nakatira? Sabagay, di ko naman kilala lahat ng mga kapitbahay namin. Baka bagong lipat.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa bahay. Lumingon ako ng kaunti.

Takte! Kanina pa niya ako sinusundaaaannn!

Huminto ako sa harap ng gate namin. Hinarap ko na siya. Nabigla siya ng kaunti at ngumiti na lang sa akin.

"Excuse me, naliligaw ka ba or what?" Tanong ko.

"Ughh..dito ba bahay mo?" Tanong niya pabalik.

"Oo" Casual kong sagot. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Nandyan ba 'yong mga magulang mo?"

Tofuuuu! May pinagkakautangan ba sila mama?! Baka naman maniningil 'to ng bayad sa utang!

"Wala sil-"

"Anak nandyan ka na pala!" Sigaw ni mama habang palabas ng pinto.

"Oh 'nak! Sino 'yang kasama mo?" Tanong naman ni papa habang naglalakad palapit sa gate namin.

Biglang hinawakan ng lalaking kausap ko 'yong kamay ko. Hindi lang basta hawak eh, naka-intertwined!

Ako naman nataranta! Pilit kong kinakalag yung pagkakahawak niya sa akin pero lalo lang niyang hinigpitan!

"H-hoy! Ano bang problema mo?" Sabi ko.

Tiningnan niya lang yung kamay naming magkahawak saka ngumiti siya sa akin. Pagkatapos nun ay lumingon siya kila mama at papa.

"Hello po! Boyfriend niya po ako!" Tuwang-tuwa niya pang sabi habang winawagay-way niya yung kamay naming dalawa sa ere.

TEKA---!!!

Anong sabi niya?!!

Nanlaki ang mga mata ko ng mag-replay sa utak ko yung huli niyang sinabi.

WALANJO!!!

"H-hoy!! Anong boyfriend?!! Ni hindi nga kita kilala eh!!"

"Hon, wag mo naman na akong i-deny sa harap ng parents mo" Nang-aasar niyang sabi.

What the?!!

"Kung wala kang matinong magawa sa buhay mo, wag ako ang guluhin m-"

"Anak, sige na. Pumasok na kayo dito ng boyfriend mo!" Nakangiting sabi ni mama.

Pati si PAPA!! NAKANGITI!!

Waaaahhh!! Ano ba naman!

~*~

Hi! Thank you for reading this chapter. ❤