Magmula noong una ko siyang nakita, alam ko na sa sarili ko na "S'ya na nga..."
"Mag-iingat ka roon anak huh..." Ang bilin ng ina sa kaniyang kaisa-isang anak na dalaga na piniling mag-aral sa malayong paaralan para sa isang napaka-personal na dahilan.
"Tandaan mo ang mga bilin namin." Dagdag pa ng ama matapos nitong ikarga ang mga bagahe ng kaniyang anak sa bakanteng compartment ng tren. "Tumawag ka kaagad sa amin kapag may problema at..."
"Huwag kayong mag-aalala, Papa. Magiging ayos lang po ako doon."
At kahit tutol ang mga magulang sa naging pasya ng kanilang anak ay buo parin ang loob ng dalaga na pumasok sa isang paaralan sa siyudad kung saan naroon ang taong kaniyang hinahanap...
Ang taong unang nagpatibok sa kaniyang puso.
Dala ng dalaga sa kaniyang pag-alis ang ilan sa mga mahahalaga niyang pag-aari at agad na siyang sumakay sa papaalis na tren. Naroon din upang mag-paalam ang kaniyang kababatang lalaki at ang ama nito na halos pamilya na nila kung ituring. At syempre, sumaksi rin sa pag-alis niya ang kaniyang ama at ina na parehong emosyonal habang kumakaway sa kaniya ng pamamaalam.
Mahigpit ang hawak ng dalaga sa kaniyang diary, kung saan araw-araw niyang itinatala ang pangalan ng taong itinuturing niyang "Prince Charming"
Hahanapin ko siya, kahit saan pang kasuk-sulukan ng mundo siya naroon, at sasabihin ko sa kaniyang "Mahal ko siya..."
At doon na nagsimula ang paglalakbay ng dalagang ito para hanapin ang kaniyang Tunay na Pag-ibig
*****
Genre: Romance/Comedy (Shoujo Novel)
Copyright @ 2014 (from the Original Manuscript)
*****