Chereads / Equivocator / Chapter 3 - Prologue

Chapter 3 - Prologue

"Sa huli, lahat tayo, pagpi-pyestahan ng mga bangaw at uod. Walang ititira, maging ang nabubulok mong laman."

Equivocator (Prologue)

"Mayroon na namang namatay ngayong araw." 'yan ang bungad ni Ritz sa kararating pa lang na si Betty.

Inayos muna nito ang pagkakalagay sa bag, saka prenteng umupo  paharap sa kaibigan nito.

"Sino naman?"

Wala ang guro nila nung mga oras na iyon. Balik 'rin sa dating gawi ang ilan sa mga kaklase niya sa tuwing wala ang kanilang guro.

"Yung boyfriend naman ni Ate Eunice ang nakita kaninang umaga."

Nanlaki ang mata ni Betty. "Se… seryoso? "

Lingid sa kaalaman ng lahat, kilalang-kilala si Eunice. Sikat siya sa buong paaralan dahil sa angkin nitong kagandahan. Mas lalo itong sumikat ng mapasa-kaniya ang campus heartthrob ng kanilang paaralan.

"True sis! Grabe yung nangyari sa jowa niya kanina nung makita ito ng mga awtoridad, guro at mga estudyante. Nakita kasi ang ulo nito na nakatusok sa itaas ng flagpole. Pagkatapos, halos maghiwa-hiwalay na ang lahat ng parte ng katawan nitong hubo't-hubad na nakita naman sa gilid ng pole. Inuuod pa! " nandidiring tugon ni Ritz.

Habang nakikinig si Betty ay bigla itong nakaramdam ng hindi maganda. Parang nasusuka.

"Ang aga-aga iyon agad ang bungad mo sa akin. Masama tuloy ang pakiramdam ko. "

"Nandiyan na si Maam Graeci! "

Agad namang tumalima ang lahat at dali-daling bumalik sa kani-kanilang dating puwesto. Agad 'ring naging tahimik ang buong silid na para 'bang sila'y nagtatago at takot makagawa ng ingay.

Dinig na dinig sa labas ang malakas na alingawngaw ng takong. Pahina ito ng pahina, tanda na papalapit na siya.

Tuluyan na ngang pumasok ang naturang guro. Mahaba ang buhok, maputi, may malaking bilog na hikaw sa magkabilang tainga at naka-kulay lila ang labi nito. Mababanaag sa mukha nito na siya ang tipo ng gurong istrikta at hinding-hindi mo gustong makasalubong.

"Goodmor-" babati pa sana ang mga estudyante ngunit…

"Hindi na. Maupo na kayo. " kaagad namang tumalima ang lahat. Ang mga mata'y nakatuon lahat sa kaniya.

Tumikhim muna ito bago nagsimula. "Nabalitaan niyo naman siguro ang karumal-dumal na nangyari kanina ano? Ngayon, ang gustong mangyari ng ating punongguro, walang magsasalita ng tungkol 'rito, maliwanag? "

Napairap nalang sa sarili si Betty. Hindi naman ito bago sa mga estudyante dahil bukod sa maraming beses na itong nangyayari sa paaralan, nalalaman na rin ito ng mga tagalabas.

"Maliwanag ba?"

"Opo!"

"Classes will be suspended until tomorrow dahil sa further investigation ng mga pulis. And then, regular classes will proceed on Wednesday. That will be for today. Class dismissed! "

Pinakiramdaman muna nila ang kanilang guro na kasalukuyang papaalis na. Hanggang sa, parang mga hayop na nakawala sa hawla kung magwala sa tuwa ang iba sa kanila.

"Yeheey! Walang pasok! "

"Sa wakas! Makakapaglaro na 'rin ako sa ML ko! "

"Shopping tayo girls! "

Sa kabilang banda, napailing na lang sila Ritz at Betty sa inasal ng kanilang mga kaklase.

"Grabe, 'ni hindi man lang nila nirespeto ang pagkamatay ni kuya Jake, nagawa pa nilang magsaya?! " naiinis na turan ni Ritz.

"Hayaan mo na! Sige na, umalis na tayo ng makapagpahinga na tayo sa mga bahay natin. "

Nagsimula ng maglakad ang dalawa sa kahabaan ng hallway ng kanilang paaralan. Ang klasrum nila ay matatagpuan sa ikatlong palapag ng four-storey building nila.

Maya-maya'y nakaramdam ng pananakit ng pantog si Betty.

"Problema mo? " usisa ni Ritz nang makita niyang lukot ang mukha nito.

"Gurl, naiihi ako. " ani 'to.

"Oh, problema ba 'yun? Punta na tayo ng banyo, dali." kinuha na ni Ritz ang kamay nito.

Patungo na sila ng banyo ng mapatigil saglit si Ritz. Nanlalaki ang mga mata nito.

"Oh? Napatigil ka? Bilisan na natin ihing-ihi na ako!"

"Anong oras na ba?" tanong nito. Nanlalaki pa 'rin ang mga mata.

"Alas-singko na. Bakit?"

"Shit!" napasabunot ito sa kaniyang buhok.

"Oy! Ano bang nangyayari sa iyo?" hindi na mapakali si Betty sa inaasal ng kaniyang kaibigan.

"Bibili pa 'pala ako ng cake for mommy! It's her birthday!" ani nito.

"Ano?!" bulalas ni Betty saka niya hinampas sa balikat ang kaibigan. "Ba't ngayon mo lang sinabi? Teka bibilisan ko lang yung pag-ihi ko."

Tatalikod na sana si Betty ngunit agad 'din naman siyang hinila ni Ritz.

"No, take time. Mauuna na lang muna talaga ako. Baka maabutan pa ako ng traffic kapag nagtagal pa ako 'rito."

"Wa...wait, so iiwan mo 'ko dito?" nanlalaking mga matang tanong ni Betty.

Napangiti si Ritz. Yung ngiting nakaloloko. "Bakit? Takot ka 'no?"

"Sira! Asa ka naman!" pagtatapang-tapangan nito kahit ang totoo, unti-unti nang nilulukob ang kaniyang damdamin ng kaba.

"Sorry talaga. Pero please, sumunod ka mamaya ok?"

Napabuntong-hininga na lamang ito. "O siya, susunod ako. Baka magtampo pa sa akin si tita kapag di ako sumipot mamaya."

Lumiwanag ang mukha ni Ritz. "Great! So, see you later!" tsaka ito kumaripas ng takbo. Bahagya pa itong nadulas na siya namang ikinatawa ni Betty.

"Lukaret talaga 'tong gagang' to." napailing na lang sa sarili si Betty saka ito pumasok sa banyo.

Mayroong tatlong cubicle ang naturang banyo. At pinili ni Betty na pumasok sa panghulihang bahagi  at duon inilabas ang nilalaman ng nananakit niyang pantog.

Maya-maya'y may narinig itong langitngit ng pintuan. Mukhang may pumasok. Naging tahimik saglit ang paligid, ng biglang siyang nagulantang dahil sa malakas na pagsira ng pinto.

"Puta? Anong plano niya? Sisirain niya ba ang pinto?" bulong ni Betty sa kaniyang sarili.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Walang ibang maririnig kundi ang mga yabag ng mga sapatos. Pinakiramdaman niya itong muli.

Tumigil ang yabag sa harap mismo ng kinaroroonan niya.

Wala namang aircon pero nagsimulang lumamig ang paligid. Ramdam niya na rin ang pagtayo ng kaniyang balahibo.

Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang panloob at isinara ang zipper ng suot niyang palda. Dahan-dahan tumayo, habang nakatingin sa ilalim.

Kita niya pa rin ang anino dito. Wala man lang tanda ng paggalaw.

Unti-unti siyang lumuhod at yumuko. Sisipatin niya kung sino ang nasa labas ng cubicle.

Kitang-kita niya 'rito ang makintab ngunit maitim na sapatos.

Hindi pa' rin talaga ito gumagalaw. Nanatili pa 'rin itong nakatayo.

"Puta!" agad namang napatayo sa gulat si Betty. Sapong-sapo ang sarili nitong dibdib habang sunod-sunod na kumawala ang malalim nitong paghinga.

Bigla ba namang may nahulog na ulo sa tabi ng naturang sapatos. Kinakain pa ng mga nagkiki-kising mga uod.

Nagsimula namang gumalaw ang pintuan ng naturang cubicle. May nagpupumilit na pumuslit dito. Habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang paggalaw nito, nagiging mas bayolente na para bang, malapit na itong masira.

Napasandal na lang sa pader si Betty dahil sa takot. Nanigas ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi alam kung anong gagawin.

"Our Father..." nagsimula siyang umusal ng dasal, sa pag-aakalang tumigil ang mga nararanasan niya.

"Toward..."

"Toward in Hell." hindi pa man siya nakalingon kung sino ang sumabay sa kaniya, ay bigla na lamang siya nitong sinakal patungo sa kabilang pader ng cubicle.

Napakabaho nito. Parang nabubulok na karne. Wala na 'rin ang talukap ng mga mata nito, kulubot at inuuod ang balat at kitang-kita ang nangingitim nitong gilagid at naninilaw nitong ngipin.

Desperedo ng kumawala si Betty dahil sa sobrang takot. Pinuno niya ang buong "comfort room" ang pinakawala niyang sigaw. Hinampas niya ng kaniyang bag ang elementong sumakal sa kaniya. Hindi naman siya nabigo kaya agad 'rin itong nakalabas.

Halos magkanda-dulas na siya, makalabas lang sa busaksak na pangyayaring' yon.

Tumakbo siya sa kahabaan ng hallway. Tanging ang tunog lang ng kaniyang sapatos ang maririnig mo.

Maya-maya'y tumigil ito sa pagtakbo. Sapo-sapo ang sariling dibdib. Bakas pa rin sa kaniya ang takot...sa mabilis na pagtambol ng kaniyang puso at panlalamig.

Nagpatuloy siya sa paglakad. Malapit na siya sa kinaroroonan ng hagdan papunta sa unang palapag. Ilang dipa nalang ang layo nito ng mayroong...

Lumabas na kambing.

Napatigil siya sa paglalakad. Kita sa mukha nito ang pagtataka.

"Paano ito nakarating 'rito?"

Purong puti ang kulay nito at ang haba ng sungay. Ngunit, kapansin-pansin dito ang mga matang pawang kay talim ng titig sa kaniya.

Nagsimula na namang dumagundong ang puso niya. Unti-unti 'ring tumataas ang kaniyang mga balahibo.

Mas lalong nadagdagan ang hindi kaaya-ayang pakiramdam ni Betty ng bigla itong humuni ng pagkalakas-lakas. Paulit-ulit. Pawang nakakarindi kung pakikinggan.

Unti-unti siyang umaatras. Kung isa itong bangungot, desperado na siyang makawala.

Natigil ulit ang pag-atras niya. Animo'y binuhusan siya ng nagye-yelong tubig dahil sa isang kahindik-hindik na tanawin.

Hindi na natapos ang paghuni ng kambing ng biglang may lumabas na kamay na may dalang palakol sa gilid ng kinaroroonan nito at hinataw siya  sa may mismong tiyan.

Bumulwak ang tiyan nito ng samu't-saring dugo at mga laman-loob na inuuod na. Nangingisay pa ang naturang kambing, habang kinukuha ng misteryosong kamay ang nagkapira-piraso nitong mga laman.

Dinig na dinig niya 'rin ang malalim na ungol ng isang nilalang. Maging ang pangnguya nito at ang paglagutok ng bagang.

Sa kabila ng takot na nadarama, may puwersang tumutulak kay Betty na tignan kung sino ang nilalang na ito. Inihahakbang ang mga paa, unti-unti siyang lumalapit.

Hakbang.

Hakbang.

Hakbang.

Hakbang pa...

Malapit na...

"Pu-putang-ina!"

Isang lalaki na sa tingin niya'y kaidaran niya lang ang tumambad sa kaniyang harapan. Duguan ito, hayok na hayok ito sa pagkain ng laman mula sa kambing na para 'bang hindi ito kumain sa matagal na panahon.

Nakayuko lang ito at patuloy sa pagkain. Naaninag niya 'rin dito na wala na itong mga kuko sa kamay at paa at pawang nangingitim na. May sugat 'rin siya sa paa, na makikita na 'rito ang naninilaw nitong laman na pinepeste ng mga uod at ang kaniyang buto. Marami 'din itong, malalalim na kalmot sa mukha.

Maya-maya'y tumigil ito sa pagkain at agad siya nitong tinignan. Tila ba'y maiiyak na si Betty sa takot. Gustuhin niya mang matigil ito kaagad ay hindi niya alam kung papaano.

Ngunit ang mas nakakakilabot pa 'rito ay namumukhaan niya kung sino ito.

Tuluyan na siyang napasigaw nang mas lumapat na kamay sa kaniyang balikat.

"Umuwi ka 'na." isang malalim at malamig na tinig.

Napalingon siya. Mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. Bumalik ang paningin niya sa pwestong tinanaw niya kanina ngunit wala na ang hinahanap nito. Wala na ang nilalang. Ang nilalang na kamukha ng kaharap niya ngayon.

Si Nerwin, ang anak ng may-ari ng paaralan.

Wala na 'rin ang namatay na kambing na kanina lang ay nakahandusay. Pabalik-balik ang tingin niya dito at sa mukha ni Nerwin.

Magsasalita sana siya, ngunit wala 'ni isang salita siyang mahagilap. Nagkandautal-utal ito.

"Umuwi ka na." wika nitong muli, 'saka ito tumalikod at iniwan siya sa kinaroroonan nito.

Napatulala man, dali-dali na siyang bumaba. 'Baka maulit pa iyong naranasan niya kanina.

****

Kahit na nagkla-klase' y hindi nakatuon ang atensyon ni Betty 'rito. Nakatulala ito, 'ni hindi niya nga napagtuunan ng pansin ang kaniyang kaibigan.

Patuloy pa 'rin kasing tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga pangyayari noong nakaraang mga araw.

Kung paano nangyari iyon? Kung bakit niya iyon nararanasan? O anong gustong ipahiwatig ng mga nakikita niya.

Pakiramdam niya, sasabog na ang utak niya sa sobrang pag-iisip.

Iginiya niya na lamang ang kaniyang mata sa kanilang bintana. Sa pagdapo ng kaniyang mga mata, ay nahagip siya nito ng isang uwak, na nakatambay.

Malikot ang mga mata nitong tumitingin sa paligid. Hindi niya alam ngunit maya-maya'y parang ang mga mata nito'y nakatuon ang atensyon sa kaniya.

"Ok! Class Dismissed!" wika ng kanilang guro. Nagsimula na namang umingay ang kanilang klasrum. Ngunit siya'y nakatuon lamang ang atensyon sa bintana.

Lalo na't may dumadausdos duon na pulang likido pababa.

Hindi niya alam kung bakit hindi ito napapansin ng kaniyang mga kasama.

Wala na sa uwak ang atensyon nito, na hindi niya man lang namalayan ay lumipad na ito papalayo.

Unti-unti siyang lumalapit. Sinisipat kung saan nanggaling ang likidong iyon.

Hindi na napigilan ni Betty ang mapasigaw. Naging malikot ang mata nito dahil sa nasilayan nito.

Biglang may nahulog na lalaki mula sa itaas at tumigil mismo sa kanilang bintana. Duguan. Nakatali ang leeg nito gamit ang mga alambreng mas lalong bumaon sa laman nito. Nangingisay pa ito at sumisigok ng  dugo.

Unti-unti itong lumilingon. Punong-puno na ng sigawan ang naturang klasrum. Hindi pa 'rin makagalaw si Betty, inalalayan siya ng kaibigan nito.

Sa kaniyang paglingon, nagtama ang kanilang mga nanlalaking mga mata.

Nagtama ang paningin nilang dalawa...

...ni Nerwin.

***

Author's Note: Thank you for reading this guys. Vote and Comment for more updates hehe.