Dalawang taon. Dalawang taon akong stalker mo sa facebook, twitter, instagram, at tumblr mo.
Dalawang taon na din akong umaasa na mapansin mo. Ilang taon na din akong nag-a-assume na baka, napapansin mo 'ko kaso napapangitan ka lang sa'kin kaya hindi mo 'ko pinapansin. O 'di kaya wala ka lang pakialam talaga.
Sino nga ba 'ko? Dakilang stalker at follower mo lang naman.
Hindi pa nga kita nakita sa personal. Puro pictures mo lang tuloy ang napapagpantasyahan ko. Hindi ko din alam kung taga-saan ka, saang planeta ka nakatira, at kung anong klaseng charm ang ginamit mo para maging patay na patay ako sa'yo ganito.
Halos sambahin ko na nga ang pictures mo sa pader ko.
May girlfriend ka na, kaso nanlalandi ka pa ng iba. Ipinapakita mo pa in public. Gusto kitang sapakin, kaso hindi ko naman alam kung saang parte mg Pilipinas ka ba nakatira. Ang landi-landi mo, pero hulog na hulog ako sa'yo. Bakit gano'n? Kahit ang sungit mo naman noong nag-re-reply ka sa isang comment sa picture mo.
Tapos, kanina nakita ko 'yong pinost mong status, papunta kang fiesta sa Batangas. On the way ka na. At dahil nga gustong-gusto kitang makita, hinanap ko kung saan sa Batangas ka pupunta. Kaibigan ko na din sa fb 'yong bestfriend mo, alam mo ba 'yon? Siya 'yong taga-update ko sa nangyayari sa'yo. Kaso, ngayon ko lang kinapalan ang mukha ko para magtanong kung saan ang mismong lugar na pupuntahan mo. Mabuti na lang sinabi niya. Kahit hindi ako sigurado kung tunay yung address na binigay niya. Desidido pa din akong umasa na makita kita. Kahit malayo lang
"Hello Nate, saan ka na?" tanong ko sa isa kong kaibigan na taga-Batangas. Siya daw maglilibot sa'kin at ang maghahatid kung saan mang lugar 'yong nakasulat sa papel na address na ibinigay sa'kin no'ng kaibigan ni Helios.
Kahit nahihiya ako sa kaibigan ko, kinapalan ko na talaga ang mukha ko kasi kailangan ko talaga siya.
"Ikaw nasaan ka na?"
"Nandito ako sa terminal, kaso ang tagal dumating ng mga pasahero." maktol ko sa kanya.
Kung wala din siguro si Nate, baka hindi din ako makapunta dito. O magdesisyong pumunta at sundan si Helios.
"Maya-maya dadating din 'yan. Hintay ka lang. Mahirap kapag nagpalipat-lipat ka pa. Baka mas lalo kang maligaw."
"Oo, baka mamaya pa 'ko makarating. Kaya mamaya ka na tumawag, baka ma-lowbatt ako. Ba-bye na."
"Okay, ingat ka diyan."
"Bye."
Pagkatapos ko ibaba ang telepono ko. Pinindot ko ang gallery at tinignan laha ng pictures mo.
Sa nakikita ng iba, sobrang masayahin mo.
Pero alam kong hindi ka naman talaga masaya. Nagpapanggap ka lang masaya kasi ayaw mong pagtawanan ka ng ex mo.
Paano nga ba at bakit ako nahumaling sa'yo?
Ganito kasi 'yan. Nag-download ako ng dating app, kasi gusto komg magkaroon ng kasama sa Valentine's. Oo, kasama slash ka-date. Iyong mga gunggong ko kasing kaibigan may kanya-kanyang lakad. At dahil hamak akong single sa loob ng dalawampu't-tatlong taon, napagdesisyunan kong subukang lumandi. For the first time in twenty-three years kinapalan ko ang mukha ko para lang ma-try kung anong pakiramdam ng may kasama tuwing Valentine's.
Iyon lang ang plano ko, pagkatapos kalimutan na.
Nabago lang ang plano nang makita kita. At oo, noong mga panahon na 'yon gusto mo lang na mabaling ang atensyon mo sa iba para makalimutan ang pananakit sa'yo ng ex mo.
Fortunately, ako ang nahanap mo. Kahit alam ko namang hanggang ngayon mahal mo pa din siya. Na hinahanap-hanap mo pa din siya.
Nagkausap tayo, nagka-kwentuhan tungkol sa buhay. Inabot ng umaga na nag uusap tayo. Masaya ka kausap, nakakaaliw. Nagtiwala ka sa'kin, ako hindi. Halos ilang buwan tayong magkausap, ilang beses mo na akong pinilit na mag send ng picture ko. Pinipilit mo din akong makipagmeet-up. Inayawan ko din 'yon. Kahit gusto ko, hindi ko hinayaang makita at makausap mo 'ko sa personal. Sapat na kasi sa'kin na hanggang dito na lang tayo.
Kaso hindi pala.
Natakot ako. At pinilit na limutin ka. Dinelete ko lahat ng pictures mo sa phone ko. Pati ang account ko.
Pero tinandaan ko ang tunay mong pangalan. Tinandaan ko para hanapin ka sa ibang social media accounts mo.
Nakita ko naman. Sinubukan kong kausapin ka, kaso hindi ako nagkaroon ng tapang noon. Baka kasi nagalit ka sa'kin. O baka nakalimutan mo na 'ko.
Mga twenty times kong sinubukang kausapin ka. Kaso, wala duwag talaga 'ko.
"Miss?"
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang tumawag at tumabi sa'kin.
Si Helios?!
Napakurap ako.
Hindi ba 'to hallucination?
"Hi! May nakaupo ba dito?"
Umiling ako. Naumid na dila ko nang ngitian mo 'ko. Myghad. Bakit dito siya? Hindi ba pwede doon siya sa likod? Sa dulo?
Teka, baka may kasama siya at sa likod umupo kaya sa tabi ko siya tumabi.
Lumingon ako sa likuran ko.
Walang tao doon.
Hala. Baka kakaisip ko kay Helios nag-a-assume ang utak ko na katabi ko siya ngayon at kinausap niya ako.
"Ano, sa bayan ka din ba?" tanong niya pa.
Hala kinausap ulit ako ng hallucination ko.
Hingang malalim. Pigil na pigil akong huwag umiyak. Kasi shit lang, ang pogi ni Helios sa personal. Hustisya naman facebook bakit parang hindi naman ganito ka-gwapo sa dp niya?! Bakit?!
"Okay ka lang?"
"O-oo."
Hindi ko na pala namalayan na napaiyak na 'ko.
Blessing in disguise ata 'yong paghihintay ko ng pasahero ng matagal.
"Huwag ka na umiyak,"
Nasa heaven na ata ako.
Inabutan niya pa ako ng panyo. May panyo pala ang mga anghel?
"Miss, kuhanin mo na."
Hinawakan niya pa ang kamay ko at inilapag ang panyo sa palad ko.
Myghad. Hinawakan niya 'ko?!
"S-salamat."
"You're welcome."
Pagkatapos no'n, hindi na niya ulit ako kinausap hanggang sa mapuno ang van. Literal na mas mataas at mas malaki 'to sa hiniling ko. Two years of waiting! Two years! Sulit na. Katabi ko pa siya! Tapos--kung literal na pwede ko siyang sundan.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ko sa kakila-kilabot kong plano nang mag-ring ang telepono ko. Tinatawagan na ako ni Nate.
"Hello? Asa'n ka na ba?"
"Ah--" sumulyap pa ako kay Helios bago ko tinuloy ang sinasabi ko.
"Ah. Hindi ko kasi alam kung saan ako eksaktong bababa, pero sinabihan ko na 'yong driver."
"Mabuti naman, doon ba malapit sa palengke o sa terminal na bababa? Para pagkababa mo masusundo na kita agad."
Kukulbitin ko sana si Manong driver para tanungin, nang magsalita naman si Helios sa tabi ko.
"Sa terminal daw bababa," nakapikit pa din nitong sabi.
"Sa terminal daw," ulit ko kay Nate.
"Ah, sige. Hintayin na lang kita. Sa'ng banda na daw kayo?"
"Hindi ko alam eh, pero malapit sa bangin yung dinadaanan namin."
"Sa Cahil ata 'yan. Sige na, hintayin na lang kita rito."
"Okay, bye."
Pagkababa ko ng telepono agad na pinilit kong makatulog habang mahaba-haba pa naman ang byahe. Mahiluhin din kasi ako kapag mahaba ang byahe, mahirap baka masuka pa ako pagnagkataon nakakahiya kay Helios.
"Wala man lang I love you?"
Napamulat na lang ako nang marinig kong nagsalita si Helios.
Ako ba kinakausap neto?
"Sabi ko hindi ka man lang nag I love you sa kanya."
"Ako ba kinakausap mo?"
"Oo."
"Ay, okay."
"Bakit ang pormal mo naman sa boyfriend mo?"
"Hah? Sinong boyfriend?"
"Yung katawagan mo."
Napatawa naman ako.
Akala niya, boyfriend ko si Nate? Wow. Si Nate na hindi pa din nakaka-move on sa girlfriend niya simula no'ng grade 6?
"Ah. Hindi ko 'yon boyfriend."
Biruin niyong may pagka-chismoso din pala 'tong isang 'to?
"Ay, akala ko kayo na."
"Grabe naman. Kung alam mo lang kung gaano 'yon maghabol sa ex niya hanggang ngayon."
Napatikhim ako matapos kong sabihin iyon.
"By the way, ngayon ka lang pupunta dito?" pag iiba niya ng topic.
Tumango ako bago ngumiti.
"Dapat noong isang buwan pa kaso busy ako eh, tsaka may okasyon kasi kaya--ayun." pag sisinungaling ko.
Tumango lang siya.
"Ah. Akala ko kasi, pupuntahan mo yung boyfriend mo." nakangiti pa na sabi niya.
Umiling ako at napatawa ng mahina.
Kinakausap ako ni Helios? Hala, pwede na akong kuhanin ni Lord anytime soon.
"Ah--E, ikaw ba?" lakas-loob kong tanong.
"Ako? Ayun may sinusundan kaya napapunta." nakangiti niyang sabi.
Sinusundan? Hala, yung inii-stalk ko? Stalker din? O baka, sinusundan yung kaibigan niya doon kasi nga may okasyon. Baka pinasunod siya kaya siya may sinusundan.
"Grabe naman yung sinusundan mo, hindi ka man lang hinintay." mahina kong sagot.
Kung may sinusundan siya malaki ang chance na pwede ko din siyang sundan kasi hindi niya ako mapapansin, pero--malay mo namang kaibigan niya lang yung sinusundan niya.
Napatigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang mahina niyang tawa.
Ang galing, napatawa ko si Helios nang hindi nag j-joke.
"Ang cute mo ano?"
"Ha?" nauutal kong sabi.
Baka hallucination nga lang lahat ng 'to, kasi--bakit niya ako i-k-compliment? O baka dahil nalimutan kong maglinis ng tainga kaya may naririnig akong kung ano-ano.
Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.
Namumula ata ako.
Hala.
Hindi na kami ulit nag usap after no'ng compliment niya sa'kin kasi nahihiya na ako lalong tumingin. Baka nahahalata na niya ako kaya nagkakaganyan siya, baka masyadong malagkit ang tingin ko; at masyado atang sumobra ang pagiging concious ko sa tabi niya.
Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana buong byahe, sa peripheral vision ko na lang siya sinusulyapan hanggang sa makaidlip ako.
Nang magising ako, nakatingin ang driver sa akin---este sa amin? Napatingin ako sa tabi ko at nakita si Helios na nakangiti.
"Dito na tayo."
Napatango ako.
Tapos doon ko na-realized, na nakasandal pala ako sa kanya buong byahe at kaunti na lang ang distansya niya sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko at pinilit kumalma.
Ang bango-bango naman nito.
"Tara na?" tanong niya pa.
Lumayo ako at tumango ulit, bago isinukbit ang bag ko. Nakaalalay siya nang bumaba ako, at hindi siya umalis sa tabi ko hanggang wala pa si Nate.
I guess, kaya maraming nahuhumaling sa kanya, dahil iyon sa pagiging gentleman niya. Malayo sa kung ano ang una kong naging impression sa kanya. Malayo din sa kung anong tingin ng iba sa kanya.
"I saw how you look at that guy. Na love at first sight ka na ba?" natatawang tanong ni Nate, nang makarating kami sa loob ng bahay nila.
Umiling ako.
Kahit ang totoo, gusto ko siyang tanguan.
Umupo ako sa sofa nila sa porch at tumingin sa papalubog na araw.
Malapit sa dagat ang bahay nila Nate at ang swerte ko, dahil makakapasyal ako ng mag-isa dito. May kasambahay sila Nate na naghanda ng hapunan habang panay ang kwentuhan namin habang naghihintay ng pagkain.
Nang makatapos kaming kumain ng hapunan, naisipan naming maglakad sa tabing dagat.
Tuwang-tuwa akong humakbang sa buhangin dahil masarap iyon sa pakiramdam ng talampakan ko. Malamig din ang simoy ng hangin, nalalasahan ko ang alat sa dila ko kahit hindi naman ako uminom ng tubig-dagat.
Kakaunti ang tao na naglalagi sa dagat, dahil busy halos lahat ng tao sa piyesta na gaganapin. Halos buong isang linggo ang pagdiriwang kaya hindi na ako magtataka kung madaming tao ngayon dito. Pero halos lahat ata ng tao at sa plaza ang punta.
"Bukas ng gabi magsisimula ang palabas sa plaza, gusto mong samahan kita?" aya sa akin ni Nate.
Napatango ako.
Madami ding pagkain na mabibili panigurado.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Nate. Hanggang sa, mapadpad bigla sa harapan namin ang isang babae. Petite ito at maliit ang bilugang mukha. Singkit at maputi. Mukhang kilala nito si Nate dahil tinawag niya si Nate sa pangalan nito.
"Lakad-lakad lang muna ako." paalam ko pa, bago ako tumayo.
Hindi naman tumanggi si Nate, pero binalaan niya akong umuwi agad bago mag alas dose.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko na sila matanaw ni Nate.
Umupo ako malapit sa batuhan at pinulot ang stick na nakalapag doon sa buhangin.
Nagsimula akong sumulat ng; Helios loves me, at kung ano-ano pang kalandian ko sa buhay; na puro si Helios lang naman ang nababanggit ko.
Nang mapagod ako, humilata ako sa buhanginan at tumingin sa langit.
Napakaraming bituin ang nagkalat doon, mga bituin na pinangarap kong makita noong nasa Manila pa ako.
Hindi pa nakatulong na, halos hindi ako lumalabas ng bahay dahil takot akong maki-socialize.
Isang buong linggo din naman ako rito sa Batangas, kaya kailangan kong sulitin bago ako bumalik at magsimulang magmukmok.
Pumikit ako at dinama ang hangin na tumatama sa balat ko.
"Hi,"
Napamulat ako. Malaki ang mga matang nakatingin ako sa lalaking nakatunghay sa akin. Pamilyar ang amoy at ngiti.
"Helios." halos parang paos na sabi ko.
"You're here too." nakangiti niya pa ding sabi.
Napabangon ako at napaupo.
"Mind sitting here with you?" tanong niya.
Tumango ako.
Hindi naman imposibleng hindi kami magkita, pero---akala ko bukas ko pa siya mahahanap kasi bukas ako gagala este--kaming dalawa ni Nate.
Pero as if namang sasama si Nate sa pang s-stalk ko. Malamang baka pauwiin lang ako no'n.
Nang dapat magsasalita ako para tanungin siya kung bakit siya nandito, bigla niya akong tinawag.
"Sinclaire,"
Napamulagat ako.
Paano niya nalaman ang pangalan ko?! Nabanggit ko ba 'yon? Hala! O baka, narinig niya lang kaya gano'n. Or baka, nasuot ko yung office ID ko kanina habang nasa byahe ako! Palagi ko pa namang nasusuot 'yon kahit nasa bahay lang ako.
"You don't really know it, do you?"
Napatanga ako sa kanya.
Ano? Anong ibig niyang sabihin? Ano 'yon? Hala. Bakit siya tumititig sa akin ng ganyan?
Kahit ibuka ang bibig ko hindi ko magawa.
Nanatiling nakatingin ako sa kanya, siya din sa akin.
"Akala ko susundan mo 'ko, para atang baliktad." napakunot pa ang noo niya at tumitig lalo sa akin. "Niloloko labg ata ako ni Chris." dagdag niya pa.
Si Chris? Yung bestfriend niya? Ha? Ano ulit yung una niyang sinabi?
Bakit parang kinakabahan na naman ako? Hala, huwag kang tumingin sa akin. Feeling ko puro heart beat ko na lang yung naririnig ko, at puro titig na lang ako sa pagbuka ng bibig niya.
Parang sasabog ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Uy, nakikinig ka ba?"
Napakurap ako.
"Hindi ko narinig. Ano ulit?"
"Sabi ko, pa-kiss naman."
"Hah!" hindi pa ako nag toothbrush after dinner, lasang ginataan panigurado ang bibig ko!
"Biro lang."
Napahinga ako ng maluwag.
Buti naman.
"Kinalimutan mo na ba ako?" tanong niya pa ulit, bago ako hinila papalapit.
Umiling ako.
One fourth na lang ng ruler ang pagitan namin.
"Paki-kurot nga ako," bulong ko sa kanya.
Baka kasi nananaginip lang ako, kasi kung oo, sana kahit dito sa panaginip maging kami na or mayakap ko lang siya hanggang magising ako.
Naramdaman ko naman ang pagpisil niya sa kaliwang pisngi ko.
Napatawa siya sa reaksyon ko.
Naramdaman ko!
Hindi ako nananaginip!
"Sinclaire, hindi ba dapat nakasunod ka sa akin? Bakit parang ako pa ang sumunod at sumusunod sa'yo?"
"Ha?"
"Huwag ka ng magkaila, nakikita ko ang chats niyo ni Chris. Kahit noon pa lang. Gusto ko lang malaman kung totoo ba na ikaw yung Claire na nakilala ko noon." lumapit pa siya lalo sa akin.
"At saka, para malaman ko na yung buong pangalan ng girlfriend ko na tinaguan ako for two years." ngumisi pa siya.
Nabato ako.
"G-girlfriend?"
"Oo, girlfriend, kasintahan, ka-ibigan, irog, ikaw. Ikaw ang girlfriend ko, tapos hindi mo man lang ako yayakapin matapos mo akong paghintayin?"
"Anong sinasabi mo d'yan?"
"Ano ba naman 'tong girlfriend ko,"
Ang alam ko nga may girlfriend siya, pero hindi naging kami kahit kailan. Kahit landian walang ganap na gano'n. Tapos nakikita ko yung mga pictures niya na may mga kasamang babae na naka-tagged sa kanya.
Akala ko, nasa ibang bansa ang girlfriend niya.
"Halikan na lang kaya kita?"
Napalayo ako.
Napatakip ang kamay sa mukha ko, at napaiyak.
"Niloloko ako ni Helios kahit sa panaginip!" ungot ko pa.
Narinig ko ang tawa niya.
"Hindi pa din ako na-gets ni Sinclaire kahit sa personal!" sigaw niya naman bago napahalakhak.