Ang huling hibla ng aking swerte para sa araw na ito ay pumutok na parang bula ng masira ang takong ng black pumps na suot ko.
"Pota..." I huffed and sat by the sidewalk gutter. Hinubad ko ang nasirang sapatos at inis na itinapon iyon. Ngunit ng makita kong buo pa naman ang natanggal na takong at maaari pang idikit muli ay naiinis na tumayo ako sa pagkakasalampak sa gutter at pumunta sa kung saan napunta ang sapatos na inihagis ko. I pick up the poor thing only to be surprised by a loud honking of a car.
"Ay kabayong pota!" I exclaimed and looked at the black audi in front of me. Sunod-sunod ang busina nito at nakakarindi iyon. Sinamaan ko ng tingin ang parte kung saan alam kong nakaupo ang driver kahit tinted ang sasakyan ay nag 'middle finger sign' ako para ipakita ang inis ko. Muntik na niya akong masagasaan! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Padabog na naglakad ako pabalik sa sidewalk kung saan ko iniwan ang isa pang sapatos at ang bag ko.
Rinig ko pa ang pagharurot palayo ng sasakyan. Tss! Just another rich jerk.
I was really having a bad day at naiirita na ako kahit sa maliliit na bagay. I woke up on the wrong side of my bed. I lost my phone on my way and I can't find a freaking part-time job. Hindi pa nakatulong ang init ng panahon at ang nararamdaman kong gutom.
I need to get a job. Lalo na ngayong plano na namin ng nakababata kong kapatid na umalis na sa bahay ng Tiya Beth dahil bukod sa nakakahiya nang makitira ay nahahalata naman naming hindi pabor ang mga pinsan at ang tatay ng mga ito na doon kami tumira. Yes they are not hurting us but they're making us feel unwelcome and a burden. Kahit pa kami naman ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay, nakakahiya pa rin dahil sila ang nagpapakain sa amin at libre kaming tumitira sa bahay nila.
Wala na kaming mga magulang kaya kaming dalawang magkapatid na lang ang magkasangga sa buhay. Sasa is three years younger than me. Ngunit kung sa pisikal na anyo ay parang mas bata ako.
"Bwisit!" Bulalas ko saka binitbit ang pares ng sapatos at isinukbit ang Jansport bag na nabili ko sa Divisoria. Konting dagdag pa nga siguro sa bigat ng laman ng bag na 'to ay baka bumigay na ang strap nito na tinahi ko lang dahil minsan nang napigtas.
Masama ang mood na naglakad na ako sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Napasimangot pa ako lalo ng marinig ang pagrereklamo ng tiyan kong wala pang laman mula kaninang umaga. Maaga akong umalis kanina para maghanap ng trabaho at hindi na nakapag almusal pa. Hindi rin ako nakapag tanghalian dahil hindi sapat ang pera ko. Ngayon nga ay naglalakad lang ako dahil wala rin akong pamasahe. Alas dos na ng hapon, gutom na gutom na ang sawa ko sa tiyan. Idagdag pang mukhang wala naman ni isa sa mga in-apply-an ko ang tatanggap sa akin. Third year college pa lang ako at naghahanap ako ng part-time job para matustusan ko ang pag-aaral naming magkapatid. Kailangan ko rin mag-ipon para makabukod na kami.
Busy ako sa pag alala sa mga kamalasan ko habang naglalakad ng may madaanan akong signage na nakaagaw ng atensiyon ko.
"WANTED G.R.O." Basa ko sa nakapaskil. Ngunit hindi naman iyon ang nakaagaw ng pansin ko kung hindi ang signage na nasa tabi noon.
"Wanted: Singer. Seventh Avenue Bar and Restaurant is looking for a male or female singer. Interested applicants may go to *Seventh Avenue's address* for the audition and interview, every Monday and Tuesday, 1:00 pm - 5:00 pm. Just look for Ms. Candy Martinez." Basa ko sa talagang nakaagaw ng pansin ko.
Napangiti ako at kahit papaano ay nagkaroon ng pag-asa na makahanap ng trabaho. I can sing and play the guitar. It was my hobby—singing and writing a song.
Mas napangiti pa ako ng makitang malapit lang doon ang nasabing address ng bar na iyon. Lord, sana ito na!
Dali-dali akong naglakad patungo sa kabilang direksiyon. I have to join the auditions. This is my last straw for this day.
Wala pang sampung minuto ay narating ko na ang Seventh Avenue. I didn't expect an elegant place like this. Akala ko ay pipitsuging restaurant bar lang ang pupuntahan ko. Lumapit ako sa guard na naka tayo sa harap ng sarado pang establisyimento.
"Excuse me po Kuya Guard. Mag-audition po sana ako, nandiyan po ba si Ms. Candy Martinez?" Tanong ko sa guard na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti ito sa akin ngunit ng bumaba ang tingin nito sa mga paa ko ay napangiwi ito. Nakapaa kasi ako at bitbit lang ang sirang sapatos.
"Sa loob Miss, nasa stage si Ma'am Candy." Anito at hiningi ang id ko bago ako pinapasok. Akala ko ay hindi ako papapasukin dahil sa itsura ko eh. Mabuti na lang at mabait naman si Manong Guard.
Pagpasok ko sa loob ay di ko napigilan ang hangaan ang magandang interior ng restobar na iyon. Sosyalin ang dating nito para sa akin dahil bihira namam akong pumunta sa mga ganitong lugar. Hindi ko afford at wala akong interes. Pagpasok sa loob ay malamig dahil sa air-condition. Kombinasyon ng black, gray, at wood ang naroon. Mula sa mga sofa, tables, bar counter.
Agad ko namang nakita ang stage at naroon nga ang isang babae na pinapanood ang pagkanta ng isang babaeng nago-audition.
Naglakad ako palapit doon at hindi naman ako napansin ng iba pang naroon. Marami-rami din kasi ang mga nandoon. May lumapit sa akin na isang babae at mukhang staff ito doon. Tinanong nito ang pangalan ko at inilista iyon. May apat pang mauunang kumanta bago ako. Naupo muna ako sa tabi ng isa sa mga nago-audition at nginitian ko ito ng lumingon siya sa akin.
Pinanood ko ang mga nauna sa akin. Lahat ng mga ito ay may minus one na baon. Nakagat ko ang labi dahil wala akong dalang ganoon. Mukhang acapella na lang talaga ang gagawin ko. Hindi naman kasi ako nakapaghanda, biglaan ang pagpunta ko dito.
"Moira Monique Gonzales." Tawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo. Huminga ako ng malalim at umakyat sa stage. Hindi ko na alintana ang bulungan ng iba pang kasabayan ko ng mapansin ng mga ito na nakayapak ako. Yeah I know, I look weird.
"Miss Moira Monique, bakit nakapaa ka?" The beautiful girl in the middle asked me. Ito malamang si Ms. Candy Martinez dahil ito ang nagiinterview.
"Nasira po kasi yung sapatos ko. Pasensiya na po." Honest na sagot ko.
"It's okay. Hindi naman paa mo ang kailangan ko. I need to hear your voice. So, anong kakantahin mo?" Ms. Candy smiled at me. Gosh! Maganda na nga sa panlabas, maganda pa sa ugali.
"Okay lang po ba kung acapella?" I asked hesitantly.
"As long as you'll sing."
Ngunit nagbago ang isip ko ng mamataan ang isang gitara sa gilid ng stage. Mukhang para sa banda iyon.
"Ayy pwede ko po bang mahiram yung gitara?" Wala nang hiya hiya kong tanong.
Natawa ng bahagya si Ms. Candy at saka tumango.
Kinuha ko ang gitara at itinono iyon. May staff na lumapit sa akin at tinulungan akong iset-up ang gitara. Nang okay na ang lahat ay nagsimula na akong mag strum.
Then I started singing with my eyes closed.
"Strumming my pain with his fingers
Singing my life with his words
Killing me softly with his song
Killing me softly with his song
Telling my whole life with his words
Killing me softly with his song"
The moment I opened my eyes, I found a pair of gorgeous deep set eyes. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nakipagtitigan pa ako sa estranghero habang tumutugtog at kumakanta. There's something in his eyes that is urging me to look at him intently. His stare is alluring me.
"I heard he sang a good song, I heard he had a style
And so I came to see him, to listen for a while
And there he was, this young boy, a stranger to my eyes"
Right there and then, something was awakened.