Chereads / Thieves of Harmony / Chapter 52 - Yiannis, Eleusis

Chapter 52 - Yiannis, Eleusis

Matapos naming mag-usap ni Persephone, ay hindi na muna niya ako inabala. She told me that she'll think about it, at sinabi niya ring pag-isipan ko rin daw.

Nakabusangot ang mukha ko habang sinusundan maglakad ang couple: Circe and Thanatos. Ilang araw ding kaming nagtrain ni Circe, and she praises me always for being a fast learner. Magaling din daw ako, and I sometimes want to brag about how more powerful I am to her.

I haven't told Thanatos or anyone about my identity yet. Si Apollo palang ang nakakaalam, and I believe hindi niya ito sasabihin sa iba unless tanga siya.

"Pasaan ba tayo?" Tanong ko kay Circe pero si Thanatos ang tumingin kaya't umirap ako. Napansin ko kasing nasa Semideus Island kami. Ang lugar kung saan naninirahan ang mga ganap na Semideus. "Circe, pasaan tayo?"

"We're going to the mortal realm. We'll test your ability there," sagot sa'kin ni Circe na hindi man lang ako nilingon. Thanatos, on the other hand, walked slowly para masabayan ako sa paglalakad.

I looked at him, and I saw a playful smirk across his lips. Hindi ko iyon pinansin, at tiningnan ang aking relo at nakitang 6 o'clock na ng gabi. "Anong oras tayo babalik?"

Siniko ako ni Thanatos, "Bakit? May date ka?"

Pinikit ko nang mariin ang mata ko, "Pakialam mo?" Ngumuso siya at inakbayan ako, "You're so grumpy these past few days."

Tumango nalang ako at pilit na ngumiti. He was about to say something pero bigla kong nakita si Castor. "Castor!" Bati ko kaagad sa kaniya.

Lumingon kaagad si Castor kaya't sumenyas ako kay Circe at Thanatos na pa-intay. Gulat ang hitsura ni Castor kaya't marahan kong sinampal ang mukha niya, "Ano namang ginagawa mo rito, Castor?"

Kinamot niya ang ulo niya, at namula ang kaniyang pisngi, "Oh my, don't tell me may babae ka rito?"

Umiling kaagad siya, "Hindi ko po pwede sabihin, eh." Tumango naman ako, I respect his privacy naman. "How about you?" Tanong naman niya pabalik.

"Training," maikli kong sabi bago ko ituro sina Circe at Thanatos. Binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngisi, "With Thanatos, hm?"

Umirap ako, "With Circe, Castor."

Nagkibit-balikat siya bago bumeso sa'kin. Matapos niyang bumeso ay hinawi niya ang buhok kong tinakpan ang tainga ko, at bumulong, "Sama ng tingin sa'kin. Scary."

Lumayo na siya sa'kin at tumawa. He waved his hand before leaving, at ako naman ay umirap lang. Bumalik na ako kina Circe, at kaagad naman akong sinalubong ng tanong.

"What was he doing here?" tanong ni Circe, pero umiling lang ako, "Hindi niya sinabi sa'kin kung bakit. I respected his privacy."

"I think Zeus has plans for the ball. Si Castor, hindi ba't kakambal yan ni Pollux? He's under Zeus' order, huwag kang masyadong lalapit sa kaniya, Melizabeth," sabi naman ni Thanatos.

"Why? Paano mo naman nasabing under siya ni Zeus, e hindi naman siya ang anak ni Zeus?"

"Mas madaliing utuin ang mga mortal. Kanina ko pang napansin si Castor na para bang may hinahanap. I could also see lightning within his eyes, which means he's under Zeus' order. I am able to see that because of my ability. Ikaw, maaaring hindi mo nakita iyon," pagpapaliwanag niya.

Tumango nalang ako, at sinubukang alalahanin kung mayroon ba akong nakitang lightning sa mga mata niya. Pero bigo, wala. Wala akong nakita.

Then I realized one thing, mayroon lang akong abilidad ng Olympians pero sa iba ay wala na katulad ni Thanatos! I can see ghosts because of Hades' soul, not because of Thanatos. That's why hindi ko nakita ang lightning sa mata ni Castor.

Circe looked at me with a raised eyebrow, "Pupunta tayong mortal world ngayong gabi para itest ang mga natutunan mo sa'kin. Manghuhuli ka ng mga kriminal gamit ang mga abilidad mo."

Kaagad naman akong ngumiti at lumingon kay Thanatos, "totoo?"

He smiled at me then patted my head, "Yes, I know you miss your mortal life."

I shrugged before handing out my dagger. "Syempre, at ready na ready na ako."

Nagtungo kami sa portal papuntang mortal realm. Ang portal ay may golden scriptures na isang spell na magdadala sa tao papunta sa mortal realm. Nag-ilaw ang mga scripture at nang mawala ang liwanag, nag-iba na kaagad ang kapaligiran.

Nawala na rin kaagad si Thanatos at Circe sa tabi ko. Sino ba ang kriminal?

Wala man tao, kaagad akong dumikit sa pader. Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Wala naman akong maramdamang presensya?

Hinawakan ko nang mahigpit ang dagger ko at nagsimulang maglakad patungo sa labas ng eskinita. Napatigil naman ako nang may marinig na kaluskos sa likod, pero hindi ko naramdaman ang presensya.

Hinawakan ko ang girdle ko, huy girdle palakasin mo naman ako.

Nagulat ako nang may tumulak sa'kin sa pader at kinorner ako. Huh? Pero wala talaga akong naramdamang presensya noong una! Is this Thanatos or Circe's servant? Pinapanood ba nila ako ngayon?

"Shh, huwag kang maingay, Melizabeth," wika sa'kin ng taong sinasakal ako ngayon. Sinipa ko ang tao, ngunit malakas siya kaya't hindi ko magamit pa ang lakas ko.

Sinubukan kong gumawa ng apoy sa paligid pero hindi ako makagawa! What the underworld is wrong with me?

"You can't use your powers here, Melizabeth. Your abilities are null as long as you are in my zone. Gusto ko lang makipag-usap kaya't kung maaari ay huminahon ka," sabi niya at bahagyang lumuwag ang hawak.

Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon upang hablutin ang kamay niya at saka ko inikot at sinakal din siya. Nakapulupot ang aking braso sa kaniyang leeg. Tinutukan ko rin siya ng dagger at hiniwa ko ang bandang tainga niya upang tingnan kung mortal ba siya o hindi.

Mortal. Isip ko kaagad nang mapansing kulay pula ang tumulong dugo sa kaniya. Kumunot ang noo ko, paano naman siya nagkaroon ng abilidad?

"Sino ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Isa akong miyembro ng kulto ng Eleusia. Ang pangalan ko'y Yiannis," sagot naman niya na naging dahilan ng paglaki ng aking mga mata. Kaya naman pala mayroon siyang abilidad.

"Anong kailangan ng isang Eleusinian sa'kin?"

"Kailangan kitang makausap sapagkat ikaw ang huling Eleusinian Mystery," sagot niya kaya't pinakawalan ko siya.

"Kung gayon, makakausap mo ako nang ayos kung hindi mo inu-null ang kapangyarihan ko," banta ko. Pinakawalan ko siya at naramdaman ko namang bumalik ang kakayahan ko.

Tinapunan ko siya nang malamig na tingin habang hawak pa rin ang dagger.

"Muli, ako po si Yiannis. Nautusan ako ni Ginang Emetria na kamustahin ka. Lahat ng Eleusinians ngayon ay nagkanya-kanya na, at nais naming iparating sa iyo na isa sa mga kasamahan mo ay isang Eleusinian. Pinagbabawal ni Ginang Emetria ang pagbabanggit ng pangalan, kaya't iyan lamang ang impormasyon kong ibinigay sa iyo," mahabang pagpapaliwanag ni Yiannis.

Si Yiannis ay mayroong berdeng mga mata at makapal na kilay, but other parts of him were covered of cloth.

Nagtaas ako ng isang kilay, "Bakit mo sinasabi sa'kin yan?"

"Kami ay kakampi mo Melizabeth. Pare-parehas tayong mga mortal na mayroong kapangyarihan, nais ipaalala sa iyo ni Ginang Emetria na kami ang bumuo sa iyo," sagot niyang muli.

Nagtaka naman ako, "Bakit? May gusto ba siyang ipagawa?" Tss. As if naman gagawin ko nga kung meron.

Umiling siya, "sa ngayon ay wala. Pinapasabi rin niya na kilala ka niya, at alam niya ang kahinaan mo. Kailangan mo pa ring i-ensayo ang mga kakayahan mo."

"Why is she telling me this? Gusto niyang salbahin ko ang mundo, hindi ba?"

I felt his face twitch kahit na hind ko nakikita ang buong mukha niya, dahan-dahan siyang tumango.

"Gusto lang niyang makilala mo kaming mga Eleusinians. Hindi magtatagal, opisyal kang ipapakilala sa lahat ng Eleusinian. Kaya't pinapaalalahan ka namin Melizabeth... huwag na huwag kang masyadong mahuhumaling."

Naningkit ang mata ko, ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Eleusis. Iyan ang pangalan ng kasamahan mo sa pagiging Semideus. Tandaan mo 'yan, Melizabeth. Tandaan mo," wika niya bago niya pitikin sa ulo.

Naramdaman ko namang unti-unti akong nilamon ng kadiliman.