Chereads / LAKAMBINI NG TONDO / Chapter 4 - Kabanata 2: Maharlikang Palaboy

Chapter 4 - Kabanata 2: Maharlikang Palaboy

Ngayon ko naramdaman ang lahat ng pagod na naranasan namin sa Tondo at sa naging paglalakbay namin. Nasa Urdaneta na kami, sa esatado ng pinsan ng aking ama, si Rajah Magubi. Gusto ko na sanang magpahinga, pero pinaharap pa kami sa Lupon ng Urdaneta.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa Tondo, Dayang-Dayang Suyen," sabi ni Dayang Marilag, ang asawa ni Rajah Magubi. "Ikinalulungkot ko ang inyong sinapit. Bilang malapit na kamag-anak, gusto ka naming tulungan."

Hindi ko naramdaman ang sensiridad ng sinabi nito. Pakiramdam ko kasi ng mga sandaling iyon ay ginigisa kami. Nakapalibot sa amin ang mga may katungkulan sa Urdaneta. Pakiramdaman ko pag-dedesisyunan pa kung tatanggapin kami doon o hindi.

"Kaya lang…"

Pinanghinaan ako ng loob sa dinugtong na iyon ni Dayang Marilag. Kaya lang ano? Ibig ba sabihin hindi kami matutulungan ng Urdaneta? Ibig ba sabihin hindi kami bibigyan ng pansamantalang tirahan ng Urdaneta?

"Kaya lang, Dayang-dayang Suyen," ang punong Lupon ng Urdaneta na si Datu Raon ang nagpatuloy sa sinabi ni Dayang Marilag. "Kapag pinatuloy ka namin, malalagay sa alanganin ang Urdaneta. Intindihin mo na wala kaming sapat na kapangyarihan para banggain ang Tsina."

Gusto kong mapaiyak ng mga sandaling iyon. Kaya lang ay pinigilan ko. Kailangan isang larawan ng matatag na babae ang maipakita sa kanila. Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko ni Onang. Kahit papaano naramdaman ko na kahit pinagsasarhan ako ng pinto ng Urdaneta, meron pa rin akong kasama.

"Mawalang-galang na sa inyo at Rajah Magubi," singit ng mandirigma ng Tondo na kasama nila, si Basod. "Pero pansamantalang tirahan lang ang hinihingi namin sa inyo. Maghahanap din kaagad ng lugar na malilipatan ang Dayang-Dayang Suyen."

"Nandoon na kami," si datu Raon. "Pero mainit pa sa mga mata ng intsik ang anak ni Rajah Maisog. Kahit pansamantala pa 'yan, mahirap ang sumugal. Mahirap isugal ang libong mamamayan ng Urdaneta."

"Hindi naman kailangan ipalam natin sa lahat na nandito ang Prinsesa ng Tondo. Pwede naman nating itago, hanggang makahanap kami ng ligtas ng lugar."

"Maaari ngang itago, pero hindi natin alam kung may mga espiya ang intsik na nandito ngayon sa Urdaneta. Maaaring sa oras na ito, alam na nila na kinakanlong ng Urdaneta ang Prinsesa ng Tondo."

"Pero—

Hindi na naituloy ni Basod ang ibang sasabihin. Hinawakan ko siya sa braso, at nang tumingin siya sa akin, umiling-iling ako. "Hayaan mo na, huwag na nating ipilit pa ang pananatili ko rito."

Tumayo ako at saka yumukod sa Rajah na hanggang sa mga oras na iyon ay tahimik. "Base sa pag-uusap na ito, napagtanto ko na wala akong lugar para rito. Nauunawaan ko ang nasa loob niyo. Kaya naman ngayon din ay magpapaalam na kami. Maraming salamat sa oras na inilaan niyo."

Walang lingon-likod at taas noong tumalikod ako at lumabas sa bulwagan. Hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na makita ako na parang aso na may galis na pinagtatabuyan. Ako ang Prinsesa ng Tondo. Hindi ako kailanman magpapakita ng kahinaan at pagkagapi sa harap ng mga tao na sa mga oras na ito ay tiyak na pinagtatawanan kami sa aming sinapit.

Nang makalayo-layo kami, saka humalagpos ang mga luha sa aking mata. Ang hirap pala na mamuhay na wala si Ama at Ina. Ang hirap pala na mamuhay na wala sa matibay na bakod ng Tondo. Ngayong gabi, hindi ko alam kung saan na kami pupulutin ngayon. Ni hindi ko alam kung may bukas pa ba akong makikita.

lang araw na kaming naglalakbay, pero mapahanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang masisilungan. Nakakalungkot, dahil kung sino pa yung inaasahan mong tutulong sa'yo, siya pa yung tatalikod sa'yo. Ilang kaalyadong estado ng Tondo ang napuntahan namin, pero lahat sarado ang pinto para sa amin.

Ang totoo, hindi namin alam kung saan kami patungo. Gusto ko nang sumuko. Naiisip ko na sana kasama na ako nina ama at ina na namatay. Pero sina Onang at Basod, patuloy na pinapalakas ng mga ito ang aking loob.

Palipat-lipat kami ng tinutuluyan. Sa takot na baka matunton kami ng mga Intsik. Katulad na lang ngayon, may narinig kaming usap-usapan sa pamilihan ng Camarines na may taga-Tondo daw na nakatakas at hinahabol ng mga intsik. Kahit bayad na ang upa namin para sa isang linggo, napilitan kaming lisanin ang lugar.

Patungo kaming timog. Kahit delekado dahil gabi na, hindi kami nagpapigil. Hinahabol kami ng mga Intsik. At malapit na nila kaming maabutan. Papalabas na kami ng kakahuyan, nang may grupo na tumambang sa daanan namin. May mga sulo silang hawak at nakatutok sa amin ang kanilang espada.

"Sino kayo?" tanong nang parang lider nila.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Magpapakilala ba ako bilang Prinsesa ng Tondo? O baka kapag ginawa ko yun ay makokompromiso ang kaligtasan namin.

"Magsalita ka!" Hinawakan nito ang aking baba.

Napabunot ng espada si Basod at itinutok iyon sa Lider. Pero limang espada naman ang agad na nakatutk sa leeg ni Basod.

"Basod, ibaba mo ang sandata mo," sabi ko.

Nang ibaba ni Basod ang sandata niya, napangisi sa akin ang Lider. "Ma-awtoridad ang salita mo bata. Isa kang maharlika, hindi ba? At saan naman kayo kayo galing para maglakbay sa kadiliman ng gabi? May tinatakasan?"

"Wala kaming tinatakasan," sabi ko.

"Pero kahina-hinala ang paglalakbay niyo. Lalo na dumaan pa kayo sa loob ng kakahuyan."

"Nagmamadali kami. May karamdaman ang ina ko at kailangan niya ng gamot na dala namin," pagsisinungaling ko.

"Talaga?" may pagdududang sabi niya. Sinenyasan niya ang mga kasama niya at saka hinalughog ang mga dala-dala namin.

"Ano ba? Gamit namin 'yan, huwag niyong pakialaman," sigaw ni Onang.

"Amo, may mga ginto dito," ani ng isang humalughog. Tiningan ng lider ang tinutukoy ng lalaki at nakumpirma nga nito ang gintong dala nila.

"Ninakaw niyo 'to, ano?" akusa sa kanya ng Lider.

"Pag-aari namin ang lahat ng iyan."

"At bakit naman may dala ang isang batang katulad mo ng ganyan kadami na ginto? Isa lang sagot diyan, iyon ay dahil ninakaw niyo yan. Kaya rin pala kayo nagmamadali."

"Wala kaming ninanakaw. Lahat ng dala namin ay pag-aari namin."

"Huwag ka sa akin magpaliwanag. Kumpiskahin lahat ng gamit na 'yan. At dakpin ang tatlong iyan."

Hindi na ako nakapalag ng dalawang malakas na kamay ang nagtali sa kamay ko. Ganoon din ang ginawa kina Onang at Basod. Wala kaming ideya kung nasaang lugar na ba kami. At wala kaming ideya kung anong mangyayari sa amin ngayon.