Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Punit na Pahina

🇵🇭Prinsxepe
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.7k
Views
Synopsis
This is a compilation of my short horror stories. Some stories are connected and some stories are not.
VIEW MORE

Chapter 1 - Sungka ni Mang Celso

Dapit-hapon na nang mapagdesisyunan namin ng mga kaibigan ko na sina Mico, Jollo, Trina, at Frederic na maglaro ng sungka sa treehouse namin na nasa gitna ng kagubatan. Habang tinatahak ang daan papunta doon ay tahimik lamang kami dahil kailangan naming magingat sa paglalakad. Masyadong mabato kasi dito at maraming nagkalat na patibong na panghuli sa mga hayop. Baka kasi maapakan namin ang mga iyon at mapahamak pa kami ng wala sa oras at baka walang tumulong sa amin.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang mapatigil ako dahil parang nakarinig ako ng pagkaluskos sa hindi kalayuan. Napahinto rin ang mga kasama ko at nagtatakang napatingin sakin. Tinatanong nila ako kung anong nangyari pero hindi ko sila sinagot. Minabuti kong magmasid-masid sa paligid dahil parang may sumusunod sa paglalakad namin kanina pa.

"Clark, ano ba! Sumagot ka naman! Ano bang nangyayari?" iritang sabi sakin ni Jollo habang yinuyugyog ako. Tinanggal ko naman ang mga kamay niya at tinignan ko silang apat.

"May sumusunod sa atin. Nararamdaman ko," sabi ko at muling lumingon sa likod ko baka sakaling matiyempuhan ko ang taong iyon. Pero wala talaga. Mukhang naisahan niya ako at nakapagtago siya agad sa kung saan.

"Wag ka ngang praning. Kung ano-ano na naman siguro pinanuod mo kaya ka ganyan ngayon, no?" Inirapan ako ni Trina pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa paglalakad. Sumunod naman sa kanya ang tatlo kaya wala na akong nagawa pa kungdi ang sumunod nalang rin at kalimutan nalang ang bagay na iyon.

"Guys," sabi ni Frederic habang naglalakad ng patalikod dahil nakaharap siya samin.

"Since matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapunta dito sa probinsya namin sa Aklan para maglaro nito, gusto ko na magenjoy tayong lahat mamaya," aniya at ngumiti ng tipid.

"May nakausap nga pala ako kanina na lalaki malapit doon sa bahay namin at ang sabi niya, may isang bahay raw rito na punong-puno ng laruang sungka. Pinagiisipan ko kasi kung doon ba tayo maglalaro o kung doon nalang sa treehouse? What do you think?" Binigyan niya kami isa-isa ng tingin kaya nagkatinginan naman kaming apat.

"Wait," sabi ni Trina at pinatigil niya kami sa paglalakad.

"Sino sa inyo ang favor na sa treehouse tayo maglalaro?" tanong niya pero walang nagtaas ng kamay.

"So, I think may bago na tayong place kung saan maglalaro ng sungka. Frederic, sigurado ka bang maraming laruang sungka doon? Naiwan ko kasi sa bahay niyo yung dala ko e." Tumango lang si Frederic sa sinabi niya.

"That's good. Ano, tara na? Saan ba kasi iyon?" sabi ni Trina habang nagmamasid-masid sa paligid at hinahanap kung saan ang bahay na tinutukoy ni Frederic kanina. Nagsimula na siyang maglakad kaya napasunod nalang kami.

Kanya-kanya kaming lima ng hanap sa paligid para sa bahay na iyon. Umiba na nga kami ng daan dahil ang sabi ni Frederic ay hindi doon sa dinadaanan namin dati ang daan papunta sa bahay na iyon. Hindi rin nabanggit sa kanya nung lalaking nakausap niya ang itsura ng bahay kaya pahirapan samin ang paghahanap. Basta ang palatandaan lang daw sa bahay na iyon ay may signage na nakalagay kung saan nakapangalan ito sa dating nakatira doon na si Mang Celso.

Ayon sa kwento sa kanya, itong si Mang Celso raw ay isang bata na mahilig maglaro ng sungka. Nakahiligan niyang maglaro nito hanggang sa magbinata at magkaasawa na siya. Hanggang sa isang araw ay namatay raw ang pamilya nito at ang bali-balita, pinatay ito ni Mang Celso. Wala naman silang katibayan na iyon nga ang totoong pumatay kaya hindi namin pinaniwalaang lima ang kwentong iyon. Naging basehan lang iyon ng mga taong nakatira malapit dito dahil bigla nalang nawala si Mang Celso matapos ang nangyari. Ang bahay kung saan sila nakatira rati ay naging abandonado na. Bukod sa wala nang nakatira doon ay wala ring nangangahas na pumasok doon dahil nakakakilabot daw talaga.

"Ito na ba yon?" tanong ko nang mapatingin sa signage na nakita ko. Lumapit pa ako upang basahin ang nakasulat doon at tama nga ako. Ito na ang bahay ni Mang Celso.

"Mukhang ito na nga. Nahanap mo Clark," sabi sakin ni Trina habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi naman ito gaano malaki at gaano kaliit. Saktong sakto lang tumira rito ang isang pamilya. Mag-asawa at isang anak.

"Sure ba kayong safe tayo diyan sa loob? Baka naman mapahamak tayo sa ginagawa natin?" tanong ni Jollo. Narinig niya kasi ang kwento ni Frederic kanina habang naglalakad kami kaya natatakot siya. Matatakutin pa naman ang isang ito.

"Hindi naman totoo ang kwentong iyon. Tsaka isa pa, kaya siguro nawawala si Mang Celso dito nung araw na yon dahil pinatay rin siya pero tinapon ang katawan niya sa malayong lugar na walang makakakita," sabi ni Frederic at nauna nang pumasok sa loob ng naturang bahay.

"Hindi ka ba talaga papasok? Ayaw mo naman sigurong maiwan dito magisa diba?" tanong ni Micco. Tumango lang si Jollo at sumunod na rin ito kay Frederic sa loob.

"Tara na?" tanong ko kina Micco at Trina. Tumango lang sila at pumasok na nga kaming tatlo sa loob.

Pagkapasok palang namin ay kinabahan na ako nang biglang sumara ang pinto. Nataranta kaming lima at sinubukang muling buksan iyon pero wala na kaming nagawa. Nakalock na ito at ngayon, nakakulong na kami dito sa loob. Ang ibig sabihin lang nito, hindi lang kaming lima ang nandito. May isa pang tao na nandito at sana... mali ang naiisip ko. Hindi naman siguro siya ang nandito dahil patay na siya diba? Patay na si Mang Celso?

"Kamusta mga bata?"

Isang lalaki ang nakita naming lumabas mula sa kung saan. Hindi namin nakita kung saan siya dumaan pero parang kabisado niya ang buong bahay na ito. Sa palagay ko, mukhang siya na nga iyon. Walang duda. Isang lalaki na matanda, mabalbas at matangkad. Kayumanggi ang kulay ng balat at maraming peklat sa braso niya.

Saan naman kaya niya nakuha ang mga peklat niyang iyon?

"Sino ang nagsabi sa inyong pwede kayong pumasok dito sa bahay ko?" Malaki ang boses ni Mang Celso at nakakakilabot. Mukhang nasa panganib kaming lima ngayon habang nasa loob kami ng bahay niya.

"Y-yung lalaki po sa bayan. S-siya po ang may sabi," sabi ni Frederic habang nanginginig ang mga tuhod niya. Tinawanan lamang siya ni Mang Celso.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Frederic.

"Kasi ako yung kausap mo. Niloko ko lang kayo. Mga uto-uto." Tumawa pa ito ulit at kitang-kita namin ang mga nabubulok niyang ngipin.

"Ngayon, sinong gustong maglaro ng sungka?" tanong niya at biglang nagiba ang aura niya. Kung nakakatakot na siya kanina, mas dumoble pa ito ngayon.

"Ah, walang sasagot!" Hinampas niya gamit ang kamay niya ang mesa kaya napatakip kami sa mga tenga namin dahil sa lakas ng ingay na dinulot nun.

"Tama na po! Pakawalan niyo nalang po kami at aalis kami dito sa bulok na bahay na ito!" sabi ni Trina. Napatakip naman siya bigla sa bibig niya nang makitang nainsulto si Mang Celso dahil sa panlalait niya sa bahay nito.

"Ikaw na babae ka!"

Galit na galit ito. Hinila nito si Trina sa buhok at inihiga sa mesa. Napasigaw ang iba sa amin nang makita ang ginawa ni Mang Celso kay Trina. Isa-isa niyang tinanggalan ng ngipin si trina at inipon niya iyon sa isang mangkok na maliit. Nang maubos ang ngipin ni Trina ay sinaksak niya ito sa dibdib at parang kalat na binagsak sa sahig.

"Ngayon, makakapaglaro na tayo." Ngumiti ito at lumapit sa amin habang hawak ang sungka.

"Sinong mauuna?" Nagtaas ng kamay si Jollo kaya siya ang nakipaglaro sa matandang iyon. Habang kami nina Micco at Frederic ay nanatili lang sa gilid habang pinapanuod sila na maglaro.

Wala kaming magawa. Hindi kami makahingi ng tulong. Subukan man naming sumigaw pero alam ko namang walang tutulong samin dahil sobrang layo namin sa bayan. Walang magliligtas sa amin dito ngayon kungdi ang mga sarili lang rin namin.

"Talo ka!" Tumawa ng malademonyo si Mang Celso kaya napatayo si Jollo mula sa pagkakaupo niya.

Paatras siya ng paatras. Nang sandaling lapitan siya ni Mang Celso ay tumakbo siya ngunit agad rin siyang naabutan nito. Mabilis siyang sinaksak ni Mang Celso sa dibdib at nilaslasan sa leeg. Matapos nun ay tinanggalan rin siya ng ngipin gaya ng ginawa nito kay Trina.

"Ikaw naman ngayon," sabi ni Mang Celso at tinuro si Micco.

Noong una ay nagdadalawang isip siya kung lalapit siya pero nang sabihin ko sa kanya na kailangan niyang matalo ang matanda ay pumayag na siya para makatakas kaming dalawa dito. Nagsimula na silang maglaro at nakikita ko ang inis sa mukha ni Mang Celso dahil tila natatalo siya ni Micco. Pero nagkamali ako. Dahil si Micco pala ang talo sa nilalaro nila.

"Paano ba yan? Panalo ako?"

Nagulat ako nang biglang saksakin ni Mang Celso ang lalamunan ni Micco. Habang nakatarak ang kutsilyo sa lalamunan ng kaibiga ko ay abala siya habang isa-isang kinukuha ang mga ngipin nito. Nang matapos ay nilagay niya ito sa mangkok.

"Ikaw." Tinuro niya si Frederic.

"Ayaw kitang makalaro," sabi ni Mang Celso at agad na sinugod si Frederic at pinaulanan ng saksak sa tiyan. Nang lagutan ito ng hininga ay binagsak niya ito malapit sa katawan ni Trina.

Tumingin siya ng diretso sa akin.

"Ayaw mo bang patayin nalang kita? Hindi mo naman ako matatalo kahit na anong gawin mo," aniya at nginisian ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Mauna ka na." Tuwang-tuwa pa siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Napatingin ako sa mga ngipin na nandito. Nakakadiri. Ngipin ng mga kaibigan ko ang ginagamit niya sa paglalaro ng sungka niya. Nandidiri man, kinuha ko pa rin ang isang kumpol at nilagyan isa-isa ang mga may laman. Salamat naman dahil natigil ako doon sa may laman.

"Ako ang tatalo sa'yo. Humanda ka," nakangisi kong sabi sa kanya habang nakatingin ng matalim. Hindi yata alam ng gurang na ito na magaling ako sa paglalaro nito.

Nagpatuloy pa ang paglalaro namin. Hanggang sa makamit ko na ang tagumpay ko. Natalo ko siya. Natalo ko siya sa paglalaro ng sungka. Nangiinis na tinignan ko siya at napatayo ako bigla nang magiba ang mood niya. Tumahimik siya bigla at naging tulala.

"N-natalo a-ako," aniya at animo'y iiyak na sa kinauupuan niya. Nagulat nalang ako nang damputin niya ang kutsilyo sa tabi niya at saksakin niya ang gilid ng ulo niya na siyang kinamatay niya.

Tapos na.

Makakalabas na rin ako sa lugar na ito.

"Yung susi!" sabi ko nang maalalang nakalock nga pala ang pintuan.

Dali-dali akong lumapit kay Mang Celso upang kunin ang susing nakasabit sa shorts niya. Nang makuha ito ay tumayo ako agad at lumapit sa pinto at sinubukang buksan iyon. Nagtagumpay naman ako. Pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inasahan ang bubulaga sakin. Isang babae na walang ngipin habang may hawak na sungka at nakakakilabot na nakangiti sakin.

"Tara, laro tayo!"

"Aaaahhhh!!!!"