Lipas na ang katanghalian nang dumating sila ni Matt sa Sta. Clarita. Dumaan na rin sila sa bilihan ng mga pasalubong para ipamahagi sa mga batang nasa ampunan. Sa kasalukuyan, tatlumpung bata ang nasa pangangalaga ng Sta. Clarita. Naglalaro sa edad na 2 hanggang 10 taong gulang ang mga ito. Bawat bata may kaniya-kaniyang kwento. Merong kusang pumapasok sa ampunan dahil iniwan ng ina sa lansangan. Meron namang dinadala mismo ng social worker. Mayroon namang iniiwan mismo ng mga magulang. Mga madre at dedicated volunteers ang mga nangangalaga sa mga ito. Ang iba'y dati nang ampon ng Sta. Clarita ngunit dahil gustong manatili sa Sta. Clarita, piniling mangalaga na lang din sa mga batang nangungulila sa pangangalaga ng tunay na pamilya.
Isa ang nanay ni Via sa mga dedicated volunteers na naging ina ng mga batang nasa Sta. Clarita dahil sa pangarap niyang maging madre. Naipagpatuloy nito ang pangarap nang mamatay ang papa niya nung siya'y tatlong taong gulang. Isa siya sa mga alaga ng Sta. Clarita dahil sa ina niyang naglilingkod dito.
Sinalubong sila ng mga madre nang mai-park ni Matt ang sasakyan. Si Sister Ara, Mariz at Sally
"Salamat nawa at nagbalik ang pinakamagandang anghel ng Sta. Clarita." Magiliw na bati ni Sister Ara. Matanda lang ito kay Via ng tatlong taon. Sa katunayan, isa ito sa mga ampon ng Sta. Clarita noon na nagpatuloy sa paglilingkod. Kasabayan ito ni Via sa paglaki. Ito rin ang matalik niyang kaibigang maituturing.
"Maganda? Siguro. Pero anghel? Malabo," pabirong tanong ni Via.
Natawa ang mga madreng kaharap nila.
"Aba, ang gwapo naman ng kasama mo," biro naman ni Sister Sally ang pinakamagiliw na madre na nakilala niya. Madre itong mituturing pero taliwas sa ideolohiya ng pagkamahihin. Sadyang palangiti ito at magiliw.
"Umayos ka Sister. Naka-abito ka," biro ni Via na lalong ikinatuwa ng tatlo. "Sisters, this is Aguimatt Aragon. Isa siya sa mga major producer ng project ko this time."
"Producer? Katrabaho? Hindi mo ba nobyo?" turan pa rin ni Sally.
"Ah hindi pa sister. Pero baka in the future," sagot naman ni Matt na sumakay sa biruan.
Napataas ang kilay ni Via ngunit napapangiti. "Sawsaw ka din. Mga madre yang kausap mo, hindi e-effect charm mo diyan."
Lalong nagkatawanan naman ang mga madre.
"Mainit dito. Pumasok tayo sa loob at tamang-tama nagmemeryenda na ang mga bata. Saluhan natin," turan ni Sister Mariz.
"May dala kaming pasalubong para sa lahat," ani Via habang naglalakad na papasok sa loob ng ampunan.
Nagpatuloy sa biruan at kumustahan ang tatlong madre at sina Via habang papasok sa pinaka-komedor ng ampunan. Nang makarating sila doon, masayang sinalubong ng mga ampon sina Via at Matt. Pinakilala ni Via ang kasamang si Matt. Kinagiliwan naman ito ng mgamadre at mga batang alaga ng Sta. Clarita. Pinamahagi naman ni Matt at Via ang mga pasalubong na dala nila. Pinagsaluhan ang munting meryenda saka nakipaglaro sa mga batang paslit.
Via was amazed upon seeing Matt being able to get around with kids. In fact, he has few tricks on his sleeves na tila mas paborito na ito ng mga bata kumpara sa kaniya.
"Aba, mukhang aankinin na ni Matt ang trono mo bilang most loved person in the world ng mga bata," turan ni Ara.
"Hmmm... syempre hindi ako papayag. Pero hayaan mo muna siya. I'm glad he enjoys this," aniya habang nakatitig sa kumpulan ng mga batang kalaro ni Matt.
"Sanay na kong iba't iba ang kasama mo kung pupunta ka dito. Pero kadalasan mga katrabaho mo lang, driver o alalay. Sa itsura ni Matt, malayong driver mo lang siya," ani Ara.
"Sa totoo lang, driver ko lang talaga dapat siya. But in a way, he offered friendship as well," sagot ni Via.
"Tila may mabuting pagkakaibigan yan ah, ano yan?" panunuksong turan ni Ara.
"Magtigil ka! Minsan talaga iniisip ko bakit ba nagmadre ka. Daig mo pa ang tsismosa sa pagiging malisyosa," ani Via.
Tinawanan lang ni Ara ang sinabi ni Via.
"Maiba ako, ang totoo may sadya ako kaya ako napasugod dito." Napalinga-linga siya sa paligid na tila may hinahanap. "Kanina ko pa hinahanap si Belle. Andito pa ba siya?"
Seryosong mukha ang sinalubong sa kaniya ni Ara. Hindi ito nakasagot.
******
DAHANG-DAHANG BINUKSAN NI VIA ang pinto ng silid ni Belle kasunod nang mahihinang katok.
"Belle," mahinang tawag niya. "gising ka ba?"
Nakatalikod na nakahiga ang batang hinahanap ni Via. Ngunit bahagya itong lumingon sa kaniya nang marinig nito ang pagtawag niya.
"Ate Via, andito po pala kayo," malumay na bati ng batang paslit. Muli itong tumalikod matapos siyang sulyapan.
Lumapit si Via at umupo sa gilid ng kama.
"Hindi ka daw kumain sabi ni Sister Ara. Hindi ka lumalabas ng silid mo. Pwede ko ba malaman anong problema?"
Unti-unting bumangon si Belle. Mabigat ang katawang umupo at humarap sa kaniya. Nginitian niya ito upang kahit papano'y i-uplift ang puso nito. Nahabag siya sa malungkot na aura ng bata. Sa edad nitong 9 na taon tila napakabigat na nang dinadala nito. Inabot niya ang palad ng bata.
"Comm'on, tell me. What's wrong?" aniya.
"Wala lang po akong gana," malungkot na sabi nito.
"You know what, kapag pinagpatuloy mo yang pagsimangot, papanget ka," pilit na biro ni Via sa bata. "9 years old ka pa lang pero magkakaron ka ng wrinkles tsaka pimples. Gusto mo ba yun?"
Napangiti naman ang bata. Tila walang muwang pa ito sa dillemang binanggit niya. Hindi pa wari ng kamusmusan nito ang importansiya ng kagandahan. Ang pag-ngiti nito ay pagkatuwa sa pakengkoy na expression niya.
"Sayang ang natural na ganda mo kung palagi kang malungkot," patuloy niya. Nagkatunog ang ngiti nito. Maliliit na hagikhik.
"May mga pasalubong akong dala, magtatampo ako kung hindi mo matitikman yun," turan pa rin ni Via.
"Sorry po sa pagsimangot ko. Nakakalungkot lang po talaga. Umalis na po kasi si Stassa. May umampon na po sa kaniya," pagkuwa'y pag-amin ng bata.
"O? Anong nakakalungkot dun? Di ba dapat maging masaya tayo para kay Stassa?"
"Alam ko po yun. Nakakalungkot lang pong naiiwan," napayukong turan ni Belle.
"Hmmm... nalulungkot ka ba dahil ayaw mong umalis si Stassa o dahil na-iinggit ka sa kaniya?"
"Naku, hindi po! Hindi po ako naiinggit kay Stassa. Mas maawa po ako sa kaniya lalo kapag wala pong nag-ampon kay Stassa."
Napangiti si Via. Alam niya, gaya ng natutunan niya nung naroroon pa siya sa Sta. Clarita, hindi ma-iinggit ang mga batang nasa ampunan para sa mga kaibigan. Pamilya ang turingan nila sa isa't-isa. Gayunpaman, pansamantalang pamilya.
"Tama! Isa pa, alam naman nating nangako ang Mama mo kukunin ka niya balang araw, hindi lang niya nasabi kung kailan."
Bawat batang inampon ng Sta. Clarita ay may kwentong hindi ikinakaila ng mga tagapangalaga. Naging matapat ang institusyon sa paglalahad ng kwento ng nakaraan ng mga batang paslit.
Ngumiwi si Belle. "Antagal po kasi eh. Nakakainip."
Ngumiti si Via. Lumapit sa bata at umakbay dito. "Wag ka mainip. Tsaka isa pa, meron akong hihilingin sana sayo kaya ako nandito," ani Via na may makahulugang tingin kay Belle. Napaangat din ng tingin ang bata sa kaniya, nagsalubong ang kilay nito...
********
"WHAT?! You want me to what?" Matt exclaimed, when Via explained to her what she planned.
"Ok. I know it's a little way beyond the contract. But, I think ikaw lang makakatulong sakin ngayon," ani Via.
"You're asking me to foster a child?! Do you think kaya ko yun?" ani Matt.
"Honestly, no. But, you have the resources. And that's just for the meantime, hanggang sa matapos lang yung project," Pamimilit ni Via.
When her child actress backed off from the contract, hindi alam ni Via kung sino ang kukuning ipapalit dito. And she just had this stupid idea na kunin si Belle as her replacement. Hindi kaila sa mga tagapangalaga ng Sta. Clarita that Belle has an actress blood ayun na rin sa sulat na iniwan rito. Artista daw ang nanay ni Belle ngunit wala itong iniwan na pangalan. Ayun pa sa sulat, wag na wag ipapaampon si Belle at kukunin ito ng ina. Besides, nasa mukha ng bata ang dugo ng may talento sa pag-arte. Alam niyang kunting training lang, makukuha din ng bata ang pag-arte. Besides, nang sinabi niya rito ang balak niya, halata sa mata nito ang excitement. Ibinida pa nitong magaling itong umarte at umiyak.
At first, she don't know how is she going to do this. But when Matt knock on the conference room this morning, a crazy idea popped in her head. Matt will be Belle's foster family for the meantime. He may not be the actual who'll take care of her but he's rich. He can hire someone or something.
She thought first na sa kaniya na lang magstistay si Belle, but since kilala siya ng mga madre alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
She doesn't know how to tell it to Matt kanina, but upon seeing Belle's dillema kani-kanina lang, she had this so much urge na iparamdam ditong handa niyang tulungan ito. And when she saw her lightened eyes, she couldn't just tear it apart.
"But what made you think na papayag ang mga madre? And why not you?" tanong ni Matt sa magulong plano niya.
Bumuntong hininga siya. "Why not me muna. Kasi matagal ko ng gustong mag-foster but the sisters won't allow me. It's something about I'm all over the place and myself is alagain pa tas ako mag-aalaga pa. But if it's you, I think they won't say no."
"But I have no experience in any child or whatsoever. Bachelor remember?"
"W-well, y-yeah," Via stammered as she acknowledge the fact that Matt is a bachelor. "But---" Nawalan siya ng sasabihin.
Sa katanuyan, alam niyang wala naman talaga siyang accurate na matibay na irarason. It's just that she wanted Belle to be part of her project so bad. And when she saw the child's face lighten up na when she said na gagawin niya itong artista had her desired it even more. Pero pano ba niya ilulusot?
"You're crazy," natatawang turan ni Matt. Hindi naman talaga siya tumatanggi sa gusto ni Via. But her reasoning is way off believable. First and foremost, kailangan nila sigiraduhin ang welfare ng bata. Hindi iyon parang tuta na hihiramin muna and ibabalik kapag tapos na yung tuwa. It could affect the child psychologically.
The idea that a child from an orphanage would debut as an actress under Via's project was a huge deal. For sure hahatak pa ito ng maraming sponsors. And it would be a very good back story. But the child would be put in major hot seat. And the child may not know that kasi ang murang isip nito nasa idea lang na magiging artista ito. And Via was just overwhelming to the feeling na makapagpasaya ng isang bata mula sa ampunang kinalakhan nito.
"Matt, please help me on this," she end up pleading dahil alam niyang wala na siyang pwedeng irason pa.
Napailing-iling si Matt at napahilot sa ulo. Napapangiti sa kaweirduhan ng dalaga. Habang tumatagal, he's beginning to see the different sides of Via. She was formal, fierce and strict sa harap ng trabaho. She's soft, sensitive and passionate kanina nang bumabyahe sila. She's playful, full of life, straight forward sa harap ng mga kaibigan niya. And now, she's child-like pleading. And he can't say no, honestly!
"It's a crazy idea but I like it, honestly," amin ni Matt.
"Yes!" masayang turan ni Via.
"Hindi pa ko tapos," awat ni Matt sa excitement niya. "We will not do this now. We have to prepare some things. We will do it right," turan ni Matt. Bahagyang bumagsak ang balikat ni Via. But Matt is right. If she wants to do it, she needs to do it right.
"It's good enough for me to know that you're helping," masiglang turan ni Via. "You know what? I'm beginning to like you," out of nowhere na sabi ng dalaga.
Matt was caught off guard but Via said it as platonic as it is. It wasn't as affectionate as it sounded to him. Tila nagbanggit lang ito ng mainit na panahon.
"What?" ani Via nang mapansin ang tila pagkabigla ni Matt.
"Nothing," sagot ni Matt na diretso ang tingin sa dalaga. "I'm just beginning to like you, too." Matt wanted to sound like the way Via said it but to him it's more of a confession of what he really feels. Too bad, hindi ata iyon nahalata ng dalaga.
Ngumiti si Via. "I'm sure you'll like me, I'm likeable," turan nito platonically. "Tara na, gagabihin tayo pabalik ng Manila," anito na umangkla pa sa kaniya to pull him para magpaalam sa mga madre.
Napapailing na lang si Matt sa kamanhiran ng dalaga.