Chereads / Pagitan / Chapter 1 - Desisyon

Pagitan

🇵🇭Elina_Kamil
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Desisyon

"...Ito na ang ating sandali. Ito na ang panibagong simula. Ito na ang bagong daan na ating tatahakin. Mga kaibigan ko, kaklase, mga kabatch ko ito na 'yon, ang pinakahihintay nating sandali. Sa paglabas natin ngayon sa eskwelahang ito nasa ibang mundo na tayo. Sa lahat ng mga hirap at sarap. Sa pagitan ng ating mga pangarap nawa'y tayong lahat ay magtagumpay gaya ng tagumpay ng ating pagtatapos ng kolehiyo. Muli maraming salamat sa lahat. Maging matagumpay sana tayong lahat. Para sa panibagong bukas!" Naaalala ko pa ang naging speech na iyon ng aming Cum Laude. Sobrang lakas noon ng naging palakpakan ng mga magtatapos, mga kamag-anak nila, pati ng mga guro at mga bisita. Hindi ko pa rin nalilimutan ang parteng iyon na sana magtagumpay kaming lahat sa mga landasin namin sa buhay. Ngayong aking binabalikan naiisip ko kung nasaan na nga ba ako sa aking buhay.

"Nasaan na nga ba ako?" bulong ko sa harap ng monitor ng aking kompyuter sa opisina kung saan kasalukuyan akong nagtatrabaho. Na tanging ang umaandap-andap na cursor ng mouse sa aking tinatayp ang buhay na bagay sa loob ng monitor. Tapos na nga pala ang buhay estudyante. Tanging parte na lang ng mga imahinasyon ang masasayang araw.

Inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng aking cubicle. Pagkatapos ay inihaba ko ang aking leeg at ang buong tahimik na opisina naman namin ang nilibot ko ng tingin.

Wala ng tao, sabi ko sa sarili. Kasalukuyang nag-o-overtime ako ng mga paperworks na na-pending ng na-pending dahil sa mga dagdag na trabahong bigay ng aking boss. Minsan hindi ko na rin alam kung anong mga uunahin sa aking mga ginagawa. Madalas naiisip ko na lang na umalis at magpakalayo-layo.

Masaya ako kapag konting sumasakit ang aking ulo at ipagpapaalam ko agad na aabsent ako. Dahil sa ganoong panahon lamang ako talagang nakakapahinga. Minsan nga parang gusto na rin akong papasukin ng Linggo mameet lang nila ang mga kota nila. Ngunit papaano naman ang kota ko? Hindi na ako makakota dahil sila ang kotang-kota sa pagbibigay ng mga trabaho nila sa akin.

Unfair. Madalas naiisip ko iyan. Lalo na tuwing kameeting namin ang mga higher ups tapos si boss lang lagi ang nagkecredit ng lahat ng magaganda. Tapos kaming subordinates ang nagkecredit ng masasama. Nakakatamad kapag ganoon. Ikaw na ang gumawa pero iba ang nagpala. Dapat kaming lahat ang na-very good noon. Ang nangyari, kami ng mga kasamahan ko ang sinabon.

Noon ko naitanong na, "Nasaan na iyong sinasabing 'Sagot kita.'?" Nakaka-walang gana tuloy.

Binuksan ko ang aking drawer at doon kinuha ang sobre na ilang araw ko ring pinag-iisipang ipasa. Naisip ko na magandang timing ngayon. Wala lahat. Ipapatong ko lamang sa desk ng aking supervisor.

Pinatay ko ang aking kompyuter at iniayos na ang aking mga gamit. Bitbit ang sobre nagtungo ako sa mesa ng aking boss at inilapag iyon.

Bahala na sila sa Lunes. Wala na akong pake. Basta ayoko ng mabuhay para sa kanila.

At ng makalabas ako ng opisina at building namin, parang natanggal na ang mabigat na nakapatong sa aking mga balikat. Nagliwanag ang lahat. Hindi ko alam kung kelan ulit naging ganito kaliwanag sa akin ang gabi.

"Ngayon na lang ulit," sabi ko sa sarili. "Ngayon na lang."

Sa magaang pakiramdam nakarating ako ng bahay. Nakatulog ng sobrang himbing. At hindi na inalala kung nakakain na ba ako ng hapunan o ano.