Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang magsimula ang school year. Nasa mini forest si Carrie at nakaupo sa paborito niyang kiosk sa ilalim ng pinakamalaking puno ng mahogany na nasa bandang likod ng Diamond Hall.
Dito siya madalas tumambay tuwing may free time siya at kung hindi nagyayayang lumabas ang mga kaibigan niya. Wala kasing masyadong pumupunta dito kaya naman nagkakaroon siya ng peace of mind kapag nandito siya.
Recess nila ngayon kaya naisipan niyang manatili muna dito at basahin ang bago niyang libro. Katatapos lang niyang basahin ang unang chapter. Ngayon lang siya nagkaroon ng panahon na magbasa ulit dahil naging busy siya nang maging isa siya sa Student Council Volunteer Aides o SCVA.
Volunteer Aides ang tawag sa mga estudyanteng hindi officers ng Student Council pero tumutulong sa pagpapatupad ng mga adhikain nito. Noong summer ay inaya siya ni Ali na maging volunteer kasi gumraduate na noong Marso ng taong 'yon ang halos lahat ng miyembro nila. Dahil nakikita niyang masyado nang nagiging busy ang kaibigan niya sa pagiging SC President nito, pumayag siya.
Wala din naman kasi siyang ginagawa noong summer. Hindi kasi siya nakauwi sa kanila dahil wala namang tao sa bahay nila ng mga panahong 'yon. Ang mga magulang niya kasi kasama ang kanyang bunsong kapatid na si Lester ay pumunta sa lamay ng namayapang kamag-anak ng kanyang ina sa Mindanao.
May klase pa kasi silang dalawa ng ate niya nang matanggap nila ang balita kaya hindi sila nakasama. Hindi umuwi buong summer ang tatlo dahil minabuti muna nilang manatili roon upang makasama ng kanilang ina ang pamilya niya.
Simula ng maging Volunteer Aide siya ay wala na siyang panahong pumunta sa library at magbasa. Wala kasi siyang sinasalihang kahit na anong school organizations dati kaya kapag may free time siya ay sa library o sa mini forest ang punta niya. May kanya-kanyang club na sinasalihan ang mga kaibigan niya kaya madalas ay siya lang ang naiiwang mag-isa sa kanilang dorm room.
Masaya naman siya sa pagiging VA. Naging bagong mga kaibigan niya ang mga kasamahan sa SCVA at ang mga officers ng Student Council. She felt like she has finally opened her heart to the world.
Hindi naman pala nakakatakot makipaghalubilo sa mga school mates niya. Mababait naman pala ang karamihan sa mga ito. Masyado lang siguro siyang naging conscious at paranoid dahil sa naranasan niyang pambu-bully noong first year pa siya dahil nga sa estado niya sa buhay. Pero natigil naman ang mga pambu-bully sa kanya when she proved to everyone that she is worthy of being here.
She was about to resume reading nang may marinig siyang umiiyak. Noong una, natakot siya kasi siya lang naman ang naroroon. Itinuon niya ang atensyon sa paligid. Then she noticed two people standing at the back of the Jewel Hall, a girl and a boy.
Hindi niya makita ang mga mukha nito dahil natatabunan ng mga halaman sa tabi nila. Binuksan niya ulit ang libro pero walang pumapasok sa isip niya. Itiniklop niya ulit ang libro at tinitigang maigi ang dalawang taong nakita niya. Ayaw man niyang maki-usyoso pero talagang nako-curious siya.
'Di na siya nakatiis. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dahan-dahang naglakad papunta sa direksyon ng dalawa. Maingat siyang tumatapak sa mga tuyong dahon upang hindi nila marinig ang mga hakbang niya. Nang nasa saktong distansiya na siya na sapat lamang upang marinig niya ang mga ito ay nagtago siya sa ilalim ng isa pang puno ng mahogany.
Mukha lang ng babae ang nakikita niya. Alam niyang sophomore ito dahil sa suot nitong ID sling. Bawat year level kasi ay iba-iba ang kulay ng ID sling: Green for the first years, Blue for the second years, Yellow for the third years, and Red for the fourth years.
Dahil nakatalikod sa kanya ang lalaki, ang pulang sling lang na nakasabit sa leeg nito ang nakikita niya. Mukhang pamilyar sa kanya ang lalaki.
'Baka classmate ko?' naisip niya.
Nagsalita ang lalaki. "Please stop crying. I'm really sorry but—"
'Pamilyar din ang boses niya,' nasabi ulit ni Carrie sa sarili.
"No. It's okay. Don't be sorry for me. Alam ko namang may gusto ka ng iba. 'Yon din ang sinabi sa akin ng mga kakilala kong nag-confess na din sa 'yo, kasi you also told them that you like someone else. Maybe I just want to try my luck. At least ngayon parang natanggalan na ako ng tinik sa lalamunan," sabi ng babae habang pinupunasan ang mga luha niya. "Thank you for listening and for the time, Kyle."
'Kyle? Wait...'
Parang nabato siya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Nagpa-panic attack ang puso niya. Hanggang sa nakaalis na ang babae ay nakatayo pa rin siya doon.
'Kyle?! OMG. OMG!!! Ang tanga mo, Carrie! Ba't hindi mo nakilala! Kailangan ko nang umalis dito!'
Paalis na sana siya nang pagtalikod niya ay biglang nahulog sa harapan niya ang isang bunga ng mahogany. Napasigaw siya dahil sa gulat at nabitawan ang hawak niyang libro.
When she realized what happened, mas lalo pa siyang kinabahan.
'Patay. 'Wag kang lilingon. 'Wag kang lilingon Carrie!'
Dali-dali niyang pinulot ang libro at patakbong umalis. Naramdaman lang niya ang pagod nang makarating na siya sa classroom nila.
"Rii? What happened to you? Nakita kita sa labas. Ba't tumatakbo ka kanina? May humahabol ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni Ali sa kanya.
Kadarating lang nito sa classroom nila. Nagpaalam ito sa kanya kanina na pupunta lang ito sa Student Council room. Tulad niya ay humihingal din itong dumating sa silid. Pareho silang nasa Honors' Section.
"Kasi... Kasi—"
"Class, please take your seats. We're about to start," narinig nilang sabi ni Ms. de Silva, their Trigonometry teacher.
Magkatabi silang dalawa ni Ali ng upuan sa bandang harapan ng silid. Naupo na sila tulad ng sinabi ng kanilang guro.
"Tell me about it later," sabi ni Ali sa kanya nang makaupo na sila.
Mga labinlimang minuto na mula nang magsimula ang klase nang may marinig silang mga yabag ng mga paa sa bandang likuran ng classroom.
"Mr. Fuentabella," tawag ni Ms. de Silva sa kadarating pa lang nilang kaklase. "What a surprise. You're late, which is very unusual because as far as I am concerned, nobody comes late in this class. Care to explain yourself?"
Dahil nasa Honors' Section sila, inaasahan ng lahat na sila ay maging mabubuting ehemplo sa iba pang mga estudyante sa paaralan. Kaya naman minsan, nakaka-pressure din ang maging kabilang dito.
"I apologize, Ms. de Silva. I came from the Student Council room. I did not notice the time. I'm so sorry, Ma'am," pagpapaliwanag nito.
"Ms. President," tumingin ito kay Ali. "Is Mr. Vice-President telling the truth?"
"Yes, Ma'am. I saw him enter the SC room when I left. I made him do some errands during the break which took time. I'm really sorry, too, Ma'am," paliwanag ni Ali.
"Okay. You may now take your seat, Mr. Fuentabella. Just make sure that you won't be repeating this again."
"Yes, Ma'am. Thank you very much," sabi nito at pumunta sa isang silya sa may bandang likuran kung saan ito nakaupo.
Alam ni Carrie ang totoong dahilan kung bakit ito na-late. Ipinagdarasal na lang niya na sana hindi siya nito nakilala dahil nakatalikod naman siya kanina. Sana nga, dahil kung nakilala nga siya nito ay magmumukha siyang tsismosa. At ayaw na ayaw niyang mangyari 'yon.
Pagkatapos ng klase nila sa Trigonometry ay lumabas na sila ni Ali para kumain ng lunch. Sinundo nila ang apat pa nilang kaibigan sa katabing classroom. 'Tapos ay sabay-sabay na silang bumaba mula sa ikalimang palapag ng Opal Hall.
Nang makarating silang anim sa cafeteria, pumila agad sila upang um-order ng pagkain. Upon reaching the counter, they presented their purple cards.
Purple cards are used for purchases inside the campus instead of cash and can be used in the cafeteria, bookstore, vending machines and many more. It works like a debit card.
Naupo silang anim sa isang bakanteng mesa malapit sa counter. Habang kumakain sila ay tinanong siya ni Ali.
"So, anong nangyari sa 'yo kanina? Why are you running?"
"Ah, 'yon ba. Eh..."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Sasabihin ba niyang naki-usyoso siya sa buhay ng may buhay sa mini forest?
Habang nag-iisip siya kung ano ang isasagot niya sa tanong nito ay may biglang dumaan malapit sa table nila: tatlong babaeng sophomores.
"Hoy. Alam niyo ba? Nag-confess na daw si Karen kay Kyle kaninang recess," sabi ng isa sa kanila.
"Talaga?" sabi ng isa niyang kasama na naka-ponytail ang buhok.
"Oo. Usap-usapan nga din 'yan sa classroom namin, eh. Rejected din siya," sabi ng pangatlo nilang kasama.
Nang medyo nakalayo-layo na ang tatlo ay biglang nagsalita si Raii.
"Karen? 'Yong model sa Sweets Mag?"
"I think so," sagot sa kanya ni Jan. "Three confessions in two weeks. Grabe, kaka-umpisa pa lang ng school year, may mga nabasted na naman."
"Actually, lima na silang lahat," sabat ni Ali.
"What?!" sabay-sabay na sabi nilang lahat maliban kay Carrie.
"May dalawa pang iba na pa-sekretong pumunta sa SC room last week."
Sanay na ang lahat sa campus sa mga usapang confessions sa kanilang campus idol na si Kyle Fuentabella. He is the only child of Mr. Raul Fuentabella and the only grandson of Don Jaime Fuentabella, the owner of the school.
Campus crush ito dahil maliban sa good-looking ito ay matalino pa. He is the Top 2 of their batch. Half-Filipino, half-Greek ito. Kulay abo ang mga mata nito na nakuha nito sa kanyang ina.
Isa si Carrie sa mga silent fans niya. Mag-aapat na taon niya na itong lihim na hinahangaan. Walang nakakaalam nito maliban sa mga kaibigan niya.
"Hoy, ikaw Rii ha? 'Wag kang gumaya sa kanila. Tama na 'yong tingin lang. Nakakasira ng dangal ang mabasted," paalala sa kanya ni Nikki.
"Opo, Ma'am Nikki." she replied.
As if naman magkakaroon siya ng lakas ng loob na mag-confess. Tama na para sa kanya ang humanga dito ng palihim.
At saka may problema pa siyang kakaharapin. Papalapit kasi sa mesa nila ang taong ayaw na ayaw niyang makita, kasama ang mga alipores nito.
"Hi, Ms. Carrie Mendoza," nakangising bati ni Blake, her suitor. "And friends," dagdag nito.
"Ano na naman ba ang kailangan mo? Umalis ka na muna at nang makakain kami ng maayos," pagsusungit niya dito.
"Oh, come on, Little Mermaid," Little Mermaid ang tawag nito sa kanya nang malaman nito na sa tabing-dagat siya nakatira. "Here comes your Prince. And don't worry, you won't become a sea foam because I won't let you go like what the Prince in the story did."
"I would rather choose becoming a sea foam than go out with you," pambabara niya dito.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan ang mga kasama nito.
"Shut up. Or do you want me to have my brother do the work of sealing your mouths forever," sabi nito sa mga kasama na nagpatigil sa pagtawa ng mga ito.
Blake Zaragoza, like Jan, came from a family of politicians. His brother is the current mayor of the city. Kaya parang kung sino itong umasta. Mabuti na lang at magkaiba sila ng section, kung hindi ay magiging impyerno ang buhay niya.
Napansin nito ang binabasa niyang libro kanina. Nakalapag ito sa table. Balak niya kasing ipagpatuloy ang pagbabasa nito pagkatapos niyang mag-lunch kaya dinala niya ito sa cafeteria. Kinuha ito ni Blake.
"What's this? Oh, I forgot. You're some book geek. A big turn-on," sabi nito at itinaas ang libro sa ere.
"Mr. Zaragoza, give it back," utos ni Ali na napatayo na mula sa pagkakaupo nito.
Tumigil na rin sa pagkain ang mga kaibigan niya.
Mas lalo pa nitong itinaas ang kamay. Alam nitong hindi niya ito maaabot dahil sa mas matangkad ito sa kanya. Blake is the school Basketball Team's Captain.
Campus crush din si Blake at pumapangalawa kay Kyle. Hindi matanggap ni Blake na pangalawa lang siya kaya nililigawan niya halos lahat ng popular girls sa school. Hindi naman isa sa mga "popular girls" si Carrie pero ewan ba sa taong ito kung bakit siya ang napiling pagdiskitahan.
Minsan nga ay naisip ng mga kaibigan niya na baka ito ang nagpapadala sa kanya ng package taon-taon. Pero sa porma pa lang nito ay parang hindi nga ito nagbabasa ni isang pahina ng school books nila. Ang magbasa pa kaya ng series.
"Give it back," utos niya dito.
"No. I won't return it unless you say na sasama ka sa 'kin. A dinner. Tonight. At a high-class restaurant in town. Alam kong hindi ka pa nakakapunta sa mga ganoong lugar. You see, Carrie, I can give you anything you want. I can even get you out of that little barong-barong kung saan ka nakatira. Just say that you'll go out with me."
Sumusobra na talaga 'tong taong 'to, bulong niya sa sarili habang iniisip kung paano ito gugulpihin ng hindi nai-expel.
"She said give it back," narinig niyang sabi ng isang tao sa likod niya.
"Oh, if it isn't our beloved Vice-President! 'Wag kang makikialam dito. Ano, ipagmamalaki mong scholar niyo siya? I can give her more than what you can give."
Nilapitan ito ni Kyle at pwersahang kinuha ang libro mula sa kamay nito. Magkasintangkad lang sila kaya madali lang nitong nagawa iyon.
"Since you won't cooperate, I'll just get it from you," sabi ni Kyle matapos makuha ang libro. "And please stop insulting her. If you don't want your parents and elder brother to know about this, stay away from here. Now, leave."
Magsasalita pa sana ito nang inawat ito ng mga kaibigan.
"Hindi pa ako tapos Carrie," sabi nito sa kanya.
"And you. Humanda ka sa 'kin. Hindi ko 'to palalampasin, tandaan mo 'yan," dagdag nito habang dinuduro-duro si Kyle. At umalis na sila sa cafeteria.
Nilapitan ni Kyle si Carrie at ibinigay nito ang libro sa kanya. Natulala lang siya sa harapan nito. Then he asked,
"Carrie, are you okay?"