Chereads / LIBRO / Chapter 80 - KULANG NA BA ANG PAG-IBIG KO SINTA (Tula)

Chapter 80 - KULANG NA BA ANG PAG-IBIG KO SINTA (Tula)

Kulang na ba ang pagibig ko sinta

Kaya naghanap ka na ng iba

Kulang na ba ang pagibig ko sinta

Kaya ba ika'y nanlalamig na, o giliw ko.

Ano bang meron ang iba

Na wala ako

Ano bang nais mo

Na di ko mabigay sa iyo.

Heto ako...kumakayod, nagpapakahirap

Para pamilya'y maitaguyod

Para maibigay ang ating pangangailangan

Ng buong pamilya

Kulang na ba ang pagibig ko sinta

Bakit di mo sinasabi

Bakit,

Di ko maintindihan

Huli na ba ang lahat?

Paano na ako?

Paano na ang pamilyang ating binuo?

Paano na kami, ang tayo?

Kaya mo bang ipagpalit

Ang mga taong tunay

Na sa iyo'y nagmamahal

Sa panandaliang kaligayahan?

Baka naman maaari pang pagusapan

Baka naman maaari pang ibalik

Ang pagsinta't pagiibigan

Baka pa, baka lang, baka sakali lang naman.

Anong maaaring gawin

Para pagsinta't pagiibigan ay maisalba

Pamilya'y mawawasak

Bahay na itinayo'y mawawalan ng ilaw

Oh aking giliw

Oh aking sinta

Oh aking irog

Oh aking mahal

Sagot mo'y aking hinihintay

Tanong nitong puso'y iyong sagutin

Maaari pa bang...

Alang-alang sa pamilyang nabuo.