Chereads / LIBRO / Chapter 11 - Kaalamang di Mataruk

Chapter 11 - Kaalamang di Mataruk

Ang buhay ng tao'y tila babasaging bote,

Kapag nagpatak ay di na maibabalik pa,

Ngunit mayroong pagkakataong nagkakalamat lang ito o bahagyang basag,

Subalit hindi na ito babalik pa sa tunay nitong postura.

Subalit ang Diyos ay di tulad ng tao na mahahalintulad sa babasaging bote,

Sya'y walang hanggang nabibuhay magpakailan pa man,

At walang sino man sa mundong ito ang makakataruk ng kanyang isipan at kaluwalhatian,

Ngunit alam nya ang nasakaibuturan ng puso mabuti man o masama.

Kaya nyang bumawi at magbigay buhay,

Walang sino mang makakapagtago sa kanya,

Magtago ka man sa kadulundulunan, kadilimdiliman ng mundong ito, o sa kaibuturan man nang dagat

Makikita't makikita ka nya.

Sapagkat ang dulo ay sa kanya'y malapit,

Ang madilim ay sa kanya'y maliwanag,

At ang malalim ay sa kanya'y mababaw.