Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

CRAYONS and MONOCHROME

🇵🇭xxandii
--
chs / week
--
NOT RATINGS
16.1k
Views
Synopsis
Hindi magsisimula ang kuwento ko sa isang "noong nakita ko siya", dahil sa totoo lang, nagsimula ito noong nakakita na ako ng kulay.
VIEW MORE

Chapter 1 - A day in black and white

Halos limang minuto na ang nagdaan pagkagising, pero nakatingin na naman ako sa kisame ng kwarto ko; iniisip ang mga kung anu-anong bagay na palaging bumabagabag sakin tulad ng ano nga ba ang 'kulay' ng mga kulay? Ga'no kaya ka pula ang pula? Na, pag tungtong ko ng highschool, do'n ko lang pala malalaman na 'di limitado sa green ang kulay ng mga dahon, nakakatawa sa iba, oo, pero sa kalagayan ko, imposible talaga 'to para maging isang 'common knowledge'. Paano, ang common kasi sa mga paningin ko ay parang kung ano ang tawag ng mga 'normal' sa mga makalumang pelikula – Black and White.

Natatawa ako sa sarili ko everytime na ang mga tao, agad-agad ang description sa isang black and white na palabas, ay 'for oldies'-makaluma.

Basta black and white, malamang, para sa kanila, makaluma na. Yun ang trip nila e. Hayaan na lang. Kalimutan na lang. Pero 'di ko inaasahang ipapaalala sa'kin 'to ulit nang may pina-panood akong pelikula sa mga estudyante kong mga bata kahapon. 'Di naman ako naba-bother, sadyang napapaisip lang ako kung may mag-iiba ba sa akin, sa buhay ko, kung matino ang mga mata ko? Kaya ba matured akong kumilos at mag-isip ay dahil 'for-oldies' ang paningin ko? For oldies na paningin equals for-oldies na ugali. In other words, Oo, naba-bother ako. Sobra. Mahirap kasi ang maging iba sa paningin ng iba. Lalo naman sigurong mas mahirap na iba ang panigin mo kaysa sa paningin ng iba. Teka ang gulo.

Pangalawang taon ko na ring nagtuturo ngayon sa isang private elementary school kasama ang best friend ko, na kapwa ko teacher. Naisip ko kasi, bilang activity sa mga bago kong hahawakang students, ipapanood ko sa kanila ang isa sa mga bumuo sa childhood ko: The Wizard of Oz, y'ung 1939 version na pinagbidahan ni Judy Garland. Wala pa rin kasing tatalo sa original version, alam mo 'yon?

"Kids, we will watch an old movie today. And for your activity later, you will pass a drawing of your favorite scene of the movie. You know, this movie taught me a lot of things when I was your age. I hope this goes the same with you." sabi ko na may tonong handang makipaglaro at ma-engganyo.

"Okay teacher!" sagot nila na mukha namang excited sa mga mangyayari.

Sabay kong nanonood ang mga estudyante ko at para bang bumalik din ako sa sariling kong kabataan. Pasulyap sulyap din ako minsan at tinitignan ang mga inosenteng reaksiyon ng mga batang 'to. Nakakatuwa.

Maya maya, sa isang eksena kung saan si Dorothy, y'ung bidang character sa pelikula, ay nakarating na sa Oz; biglang nagtaas ng kamay ang isang student ko na parang may gustong ipalinaw sa mga nakikita niya at nalilito. Naalala ko, no'ng una ko namang napanood 'to, 'di naman ako nahirapan intindihin kung ano ang nangyayari sa pelikula. Specifically, sa parte na y'un. Malinaw pa sa tubig ulan, lumabas si Dorothy sa farmhouse nila, at nakita niya na siya ay napadpad na sa ibang lugar. Klaro. Pero mabuti na rin siguro 'yan, at least may curiousity ang batang 'to.

"Yes Ethan?"

"Teacher, I thought we're watching an old movie?"

"Oh, yes we are. This movie was released way back, even before I was born. Why did you ask?"

"Because teacher, it's now in colors." sagot naman ng isa ko pang studyante.

"What do you mean, Annie?" tanong ko muli.

"A while ago po kasi teacher, it's for oldies, pero now po it's colorful like my crayons po." sabay taas ng crayon box niya.

"For oldies? "bulong ko sa sarili ko. Mukhang ako ang may kailangang linawin.

"Opo teacher, kaya it's confusing po" sagot ni Annie

"Kids, just continue watching and I'll just clarify something outside." dagdag ko.

"Yes teacher!"

Dali-dali akong tumakbo palabas ng klase ko para hanapin si Paulo, best friend at co-teacher ko. Sinuwerte naman ako, at padaan rin siya sa hallway kung saan nakapwesto ang homeroom ko. May kagat pang siopao sa bunganga ang hayop.

"Teacher Paulo! Tulong nga dito." sigaw ko na mukhang kakatapos lang mag-almusal.

"O, napano ka 'tol? May batang nanghipo sa'yo? Ganito 'yan i-demanda mo yung parents. Siopao gusto mo?"

"Gago, hindi p'wede 'yun, ako pa-madedemanda diyan. Ilayo mo sa aking yan. Teka! About dun sa Wizard of Oz, may tanong kasi 'yung mga bata."

"O ano nga?" pangungulit nito.

"Dun kasi sa part na lumabas na ng farmhouse si Dorothy, yung nasa Oz na siya, nalito daw yung mga bata, nung una daw 'for oldies', tapos maya maya parang 'di naman daw." pagka sabi ko n'on, mukhang alam na ni Paulo kung ano ang tinutukoy ko.

"'Di ko ma-gets ano gustong i-point ng mga bata e." pagkukunwari kong tanong sa kanya.

"Ahh, ganito kasi 'yan 'tol, sa umpisa kasi, grayscale 'yung mga eksena sa movie; medyo mukhang black and white, parang makaluma, pero sa part na tinukoy mo, nagka-kulay na siya, tulad ng sinabi nila. E alam mo naman –bata, pag black and white pang matanda para sa kanila. Weird nila no? Hahaha!" paliwanag niya na tunog kaawa-awa ang sitwasyon ko at binawi sa isang corny na joke.

"Gago."

Bata pa lang kami, alam na ni Paulo ang kondisyon kong 'to. Iilang beses na akong napahamak, napahiya at nalungkot dahil dito. At andun siya palagi para ibaling lahat ng yun sa ngiti. Kaso puro kalokohan naman alam nun. Sakit lang ng ulo inaabot ko.

"Ba't ka nag-sosorry? Wala yun 'tol. Ayos lang sa'kin. Halika nga dito ikaw mag-explain sa mga bata." pakiusap ko.

"I'm on it chief." sabat ni Paulo na naka salute pa.

Sa tinagal tagal na ng pinagsamahan namin ni Paulo, nasanay na rin ako sa mga maka-outer space at corny niyang mga hirit. Magkapatid na nga turingan namin sa isa't isa. Since, nu'ng araw na lumipat sila ng bahay na tapat s'amin, nag-click kami instantly, seryoso ako, clown siya. Tama nga, kailangan may isang kurimaw sa mag-kakaibigan. Halata namang 'di ako yun.

Sabagay, 'di naman kasalanan ng mga bata na wala akong ideya ano ang mga kulay. Kung meron man, pamilya lang ng puti at itim ang nakikita ko. Bulag ako, pero 'di gaano. Bulag ako sa kulay, aside from that, maayos at wasto naman ang katawan ko.

Ata? Ewan.

Sa kondisyong ito, limitado lang ang kayang makita ng mga mata ko. 'Di ko na – enjoy simula bata ako: ang mga ulap sa isang maliwanag na panahon; Ang mga parol na kislap at kutitap lang ang nagbibigay katangian sa kanila, ang naninilaw raw na pustiso ng lola ko, ang kulay ng medyo maduming kanal, kulay ng sipon ni Paulo, at kung ano pa. 'Di ko naman hinayaang malimitihan din nito ang potensyal ko bilang tao, bilang ako, 'diba? 'Di ako nagpadala sa bigat ng kawalan ng kulay sa buhay. Literal na kulay: asul, berde, pula, lahat.

At least sure ako, na itim ang blackboard.

Kaya, sa tuwing na-papaisip ako kung anong…

*Toot…Toot…Toot…Toot…*

Unti-unti kong narealize na kanina pa pala ako nag de-daydream, nag-iisip, at 'di ko namalayan na late na pala ako.

"Ano'ng oras na?" Tumingin ako sa phone ko na nag-alarm.

"7:30 a.m."

"Ugh. Oras na. Kailangan mo nang tumayo. May pasok ka pa Ren." pagpipilit ko sa sarili.

Agad na akong tumayo at humarap sa salamin, na nasa likod ng nakasarado ko pang pinto, at tinignan ang poster na nakasabit dito, na araw-araw ko nang nakagawiang gawin. Daily ritual kumbaga. Well, 'di naman talaga daily.

Ito ay kasing laki lang ng isang long bond paper pero matibay na karton 'to. Para siyang kalendaryo pero instead na mga araw o dates, e, mga life quotes ang nakadikit. Nakasulat sa instruction nito sa bandang itaas ng poster, simple lang naman; Ipi-pikit ko lang ang mata ko, sabay turo ng hintuturo sa kung anumang parte ng poster na'yon. Kung ano ang maturo o madikit sa hintuturo ko, 'yon ang magiging life quote ko sa araw na 'yon.

Life quote, in terms na p'wedeng d'un umikot ang buhay o 'yung pilosopiya mo pansamantala. At pagka-napili na ang life quote na 'yon, dapat itong tanggalin, at i-peel, kasi sticker lang naman siyang nakadikit sa poster, and life goes on.

Nakita ko lang ito sa isang bookstore n'ung minsang bumibili ako ng materials para sa mga teaching materials ko. Halagang 22 pesos lang naman kaya binili ko na rin, wala namang mawawala.

Ngayon, halos dalawa't kalahating buwan ko na itong ginagamit, kahit nakalaan lang siya para sa isang buwan. Trentang life quotes; isa para sa bawat araw ng isang tipikal na buwan. Napasobra sa dalawang buwan kasi, medyo… medyo tinatamad akong gumamit minsan. Kesyo late na ako. Kesyo 'di ko lang ramdam. At kung ano pang katamaran ko.

Nung unang beses nga, pagkadilat ko, wala na pala sa poster 'yung daliri ko kaya kung anong pinaka malapit na quote , e 'yun ang ginamit ko. Wala namang nakakakita e.

'The only constant thing in life, is change.'

- Chinese Philosopher

Ito lang ang nag-iisang quote na natatandaan ko sa lahat ng mga ginawa kong pag pikit-pili, sa mga lumipas na pagkakataon. Maliban d'un, wala na. Ni 'di ko nga rin matandaan kung may effect nga ba y'ung quote na 'yon sa buhay ko nung araw na 'yon. Nakalimutan ko. Nag-sayang lang ba ako ng 22 pesos? Pambili rin ng overpriced na siomai sa school canteen 'yun. Masarap pa naman.

Maliban din dun 'di ko na matandaan masyado ang mga napili kong life quotes. Maybe I just didn't give much care? Pero this time,'di na ako magdadalawang isip sa araw na'to. Last quote na rin naman ng poster na'to. Tatamarin pa ba ako? Naisipan ko na rin na h'wag pumikit dahil wala na rin sense kung pipikit pa. Sino ba niloloko ko.

'Be a rainbow, in someone else's cloud.'

- Maya Angelou

Wow. Deep. As usual, hayahay lang nararamdaman ko sa nabunot ko. Siguro dapat 'yung siomai na lang binili ko. Pero kahit papano, nakaramdam naman ako ng sense of accomplishment. Achievement na rin, ata. Pero sa wakas, natapos din ang isang poster nato. Wala ng obligasyon para dito. Kung uulitin ko 'to, 'di ako sigurado. Para kasing nag-aksaya lang naman akong ng oras at pera dito e. Pero ito ang sigurado- malalate na ako.