Chapter 67 - YEAR 2020!

Marami bang nasorpresa sa pagpasok ng taon na 'to? NASORPRESA BA KAYO??? Marahil sa iba, para isa itong isang bangungot o parang isang panaginip na pinipilit takasan agad. Marami ng namatay at marami pa ang namamatay. Paulit ulit-ulit itong mangyayari habang may oras at panahon. Dito rin masusubok ang katatagan ng mga tao! Kung hanggang kailan tayo susubukin ng panahon para muling maging malakas. At muling maging handa para sa mga darating pang pagsubok sa hinaharap. Tanging panahon lang din ang makakahilom ng mga sugat ngayon.

Bilang tao at bilang ako, wala naman akong pakialam sa mga buhay ninyo. Mas gugustuhin ko pang maging makasarili para sa kapakanan ng pamilya ko at maging ako. Dahil alam ko sa sarili ko, ito naman talaga ang umiiral at dapat umiiral talaga. Ang pagkakaroon ng balanse ng mundo! Pero hindi eh! Hindi ako hinubog ng panahon para maging isang ganito. May damdamin ako at gusto kong iparating sa inyo ito. May simpatsya ako sa mga nangyayari sa pagilid ko at marahil sa pamamagitan ng pagsusulat, maipapabatid ko ang nilalaman ng damdamin ko.

Bago pa lang matapos ang taon, marami ng naganap. And'yan na ang pagkakaroon ng malawakang bush fire na naminsala sa kalawakan ng kagubatan ng Australia. Maraming mga puno't halaman ang nasalanta at nasira doon. Marami rin mga hayop ang mga nangamatay at nawalan ng tirahan. Noon pa man din ay nangyayari na ito at umiiral na.

Ang malalakas na paglindol sa bawat sulok ng mundo na puminsala din sa maraming kabuhayan at buhay ng mga tao. Walang makakapigil d'yan kahit na si Mr. Quiboloy pa o kahit pa ang Diyos Ama sa langit. Dahil ang bawat paglindol ay kusang humihinto at tumitigil din. "At ang tanging magagawa na lang natin ay magdasal tayo sa Diyos at iligtas N'ya tayo sa mga ganitong pangyayari." Patunay din lamang ito ng muling paggalaw ng mga lupa at muling pagbabagong anyo rin ng mundo. Kung iisipin mong mabuti, noon pa man gumagalaw na ang mga kontenente! Walang pa ang sibilisasyon ng mga tao, umiiral na din ito at nagaganap na. Ang "Pangea" noon na tinatawag o ang "Super Continent" na noong mga unang panahon na ang bawat kontenente sa atin ay mistulang magkakadikit o kabit-kabit pa lang. Sa paglipas ng mahabang proseso ng ebolusyon ng mundo ay unti-unti itong naghihiwalay o kumakalas sa bawat isa. Wala pa rin ang Pilipinas sa mapa ng mundo sa mga panahong iyon. Kung tutuusin din, isa lamang tayong bulcanic island. Sa pagputok at malalakas na pagsabog noon ng mga bulkan, nagkakaroon ng mga isla. At sa paglipas muli ng mahabang proseso ng pagbabago ng mundo, nagkaroon ng munting Pilipinas na ngayon ay naging tirahan na natin mga pilipino at ng ibang mga lahi na rin.

Noon pa man ay nakaranas na din ako ng matinding paglindol. Mga early 90's, hinding-hindi ko rin ito makakalimutan sa tanang buhay ko. Nasa Labas-Bakod pa kami noon ng biglang lumindol ng malakas ng isang hapon. Nasa labas ako ng bahay namin noon at naglalaro! Nagulat na lang ako ng biglang yumanig ng malakas ang lupa at tila ba ito ay sumasayaw. Sa takot noon ni mama, napasigaw s'ya at dali-dali n'ya akong tinakbo sa labas ng bahay namin upang ako'y kunin. Hanggang ngayon, rinig na rinig ko pa rin ang kanyang pagsigaw noon. " Ang aking anak! Ang aking na anak!". Wika ni mama! At bigla-bigla din ay tumigil na lang ito. Marami noon ang napinsala sa lindol na 'yon lalo na sa parteng Norte. May building pa nga na nagcollapse noon at may mga natrap na mga tao sa loob n'yon. Sa amin naman ay masurwerteng walang nasaktan. Hindi man lamang ako noon nakaramdam ng takot mula sa aking damdamin. Nagulat na lang ako ng nagsisigaw sa'kin si mama sa labas ng bahay namin.

Lumipas pa ang maraming buwan, hinding-hindi ko rin noon makakalimutan ang pagsabog ng bulkang pinatubo. Isa ito sa pinakamakas na pagsabog sa kasaysayan ng mundo ng 20th century. Marami rin ang nagulantang sa hatid nitong pagsabog at mga pinsala. Maraming tao ang mga namatay noon at nawalan ng kabuhayan. At talagang nagbago noon ang pustura ng lugar sa paligid ng bulkan. Ang mga bahay doon ay natabunan ng lahar o mga rumaragasang mga lava at putik mula sa pagsabog ng bulkan. Tumaas din ang elevation ng lupa mula sa dati nitong itsura ng mangyari 'yon. At ang bulkan Pinatubo ay muling nagbago at gumanda sa paglipas ng maraming taon.

Maging sa'min din ay umabot ang mga ash fall. Tandang-tanda ko pa rin noon na maraming mga ash o alikabok mula sa binuga ng bulkan ang nagkalat sa mga bubungan ng bawat bahay sa'min, maging sa paligid ng aming lugar noon. Binalaan din ako noon ni mama na huwag ko daw paglaruan ang mga buhanging iyon, dahil daw nakakalason ito sa kalusugan. Sumunod naman ako noon sa kanyang sinabi, kaya tanging pagtingin at pagtitig na lang ang nagawa ko dito.

Sa paglipas ng napakaraming taon, muli ko itong naranasan o maging tayo man. Sa buwan ng enero, sa ika-labing dalawang araw nito ay nagparamdam ang noo'y na natutulog na Taal Volcano. Sa kalagitnaan pa lang ng araw, ramdam na ramdam na ang bagsik nito. Mas lalong naging matindi pa noong pahapon na at maggagabi na. Pauwi na kami noon sa Lipa City mula sa Sta. Rosa, Laguna sa bahay ng aking mga magulang ng bumulaga sa'min sa byahe ang makapal na ash fall ng bulkan na humahampas sa mga wind shield ng mga sasakyan sa SLEX. Isang hindi normal na karanasan 'yon para sa'kin. Marami noong nahirapan magdrive mula sa mga alabok na humahalo sa hangin. Ang ibang lugar malapit sa bulkan ay nag zero visibility pa nga at may mga ilang nadisgrasya pa. Maswerteng nakauwi naman kami ng ligtas ng aking pamilya. Salamat sa Diyos!

Pinanuod ko pa rin noon ng gabing makauwi kami sa labas ng bahay ang tanaw na tanaw ng pagsabog ng bulkan. Kamangha-mangha para sa'kin ang mga nagtataasang usok nito na bumubulalas sa himpapawid na may kasama pang mga pagkulog at pagkidlat. Kamangha-mangha talaga ang nagagawa ng kalikasan para sa mundo. Ang pagiging balanse n'ya sa lahat ng bagay ay nagbibigay ng bagong mukha sa mundo maging sa mga tao man.

Maraming tao ang mga nagtulungan at nagbayanihan ng pumutok ang bulkang Taal noong enero. Maraming ahensya ng lipunan, mapa-government o private sector man ang nagtulong-tulong upang tumulong sa mga nasalanta ng bulkang Taal. Kahit mga simpleng mamamayan man ay tumulong din. Saksi ako sa ginawa ng mga tao. At bilang ehemplo na din sa kanila ang ginawa ni Badz o ni Mark Trogo. "Tattoo for a cause" ang naging kanyang tema ng paraan ng pagtulong. Sa iyong ipapatattoo na desenyo ng bulkan, kapalit nito ang mga relief goods na kanyang iipunin para ipabahagi sa mga nasalanta ng bulkan. Maging kami ni Edna ay nag-ambag sa kanya ng kaunting tulong para din pandagdag sa mga nasalanta. Kahanga-hanga ang kanyang ginawa para sa akin! Alam ko at alam n'ya din na maliit lang na tulong ito o isang simpleng paraan lang ng pagtulong para sa mga nangangailangan. Pero hindi ba saan ba nagmumula ang mga malalaking pagtulong, hindi ba sa maliliit muna nag-uumpisa. O, sa isang simpleng gawa lang. Saludo ako sa mga taong tumulong, sa lahat sa inyo. Maraming maraming salamat!!!

Kinabukasan, tumambad sa'kin ang makapal na alikabok na bahagi ng bulkan sa labas ng bahay. Inabot ako ng dalawang oras para malinis ang mga ito. Nagawa rin namin ni Edna na lumabas ng bahay para bumili ng kailangan sa bahay at nakita ko ang pinsala ng kabuang pagsabog ng bulkan.

Sa mga balita, tumambad ang mga sitwasyon ng mga labis na nasalanta ng pagsabog. Kung iisipin, kalunos lunos ang inabot nila dahil halos karamihan sa kanila ay nawalan na ng mga tirahan at kabuhayan. Patuloy pa rin sa pagiging alert level 4 ang bulkan noon at delikado pa rin ito para sa mga tao. At maaring pwede pang sumabog muli. Maraming napapunta sa mga evacuation center dito para doon pansamantalang tumigil at manatili. At hindi naman nagkulang ang gobyerno natin sa pagtulong sa kanila dahil sa pagiging easy access ng bayan ng Batangas para sa mga kalapit na probinsya at mga lugar sa paligid nito. Bumaha rin noon ng mga tulong mula sa malalaki at maliliit na mga tao. Mga pulitiko, mga artista, mga musikero, mga entertainer, mga negosyante, mga mayayaman na tao, mga iba't-ibang sangay ng gobyerno kasama na ang mga kapulisan at kasundaluhan, mga magbubukid na nagbigay ng kanilang mga aning mga gulay at pananim, mga manggagawa, mga mamamayan, mga teacher at mga estudyante na nagbigay din ng kanilang mga serbisyo, mga riders at kung sinu-sino pa. Maging mga simpleng tao din na nagnanais na makatulong sa mga nasalanta ng bulkan na nagbigay din ng mga tulong nila. Ang mga taong bukas palad na nagpatuloy din sa kanilang mga tahanan para sa mga taong nasalanta o mga "bakwit" ay labis-labis ko din hinangaan. Hindi ba masarap isipin 'yon at masarap sariwain ang mga 'yon! Dakila sa sinuman ang mga ginawa n'yong lahat.

Mula sa lakas ng kalikasan ay sinusubok ang katatagan nating mga tao! Ang kanilang mga bagsik ay nagpapatunay din ng mga positibong mabubuting mga gawi nating mga tao. Bubulusok sila (magma) mula sa kailaliman ng mundo at muling patuloy pa rin susubukin ang mga tao. Gagalaw sila (lindol) mula sa kailaliman ng lupa at patuloy pa ring paulit-ulit na gagalaw at yayanig sa paglipas ng maraming taon upang balaan tayong mga tao na magmahalan at patuloy na magtulungan sa gitna ng mga kapighatian.

Minsan man o madalas, kinakailangang pahintulutan ito ng Punong May Kapal. Kailangan nating danasin ang mga ito para matauhan tayo at muling paulit-ulit na matuto mula sa ating mga pagkakamali. Hindi ito sumpa at pasakit sa'tin ng Diyos!!! Talagang nagaganap o normal na nagaganap ang mga ganitong bagay. Ang mga sakripisyo ng bawat buhay, ang mga buhay na mga nasayang at nawala ay bahagi lamang ng masalimot na takbo ng buhay ng tao dito sa mundo. Walang makakapigil nito at patuloy itong iiral. At muli, habang may ORAS at PANAHON.

May isa pang gumulantang na mabigat na isang balita ang gumising sa'tin. Ang pagkamatay ni Kobe Bryant na isang legendary basketball player, kasama ang kanyang anak na si Gigi at ilan pang mga sakay ng helicopter. Isang nakakakilabot na trahedya ang tumapos sa kanilang mga buhay ng mag-crashed ang kanilang sinasakyang helicopter ng araw na iyon bago pa man matapos ang buwan ng january. Sabi nga sa kanta ng bandang Radiohead, "gravity is always wins!"

Maraming tao sa buong mundo ang nakisimpatsya at nakidalamhati sa kanyang pagpanaw. Para sa marami, isa s'yang dakilang tao at isang alamat. Maraming nasaktan sa balitang iyon, maging ako man ay lubusang nanghinayang at nalungkot sa kanyang sinapit. Minsan din kasi akong naging tagahanga n'ya at bumilib sa kanyang paglalaro sa loob ng basketball court.

Nakailang pasyal din s'ya dito sa Pilipinas para maghatid ng saya at inspirasyon sa mga taong humahanga sa kanya. Masuwerte sila at nakita s'ya ng personal, nakamayan at nakausap. Naging malapit din talaga s'ya sa mga pilipino.

Marami rin ang nabigyan ni Kobe ng inspirasyon at natulungan n'yang maging succesfull sa buhay sa iba't-ibang larangan ng propesyon sa buhay. At talagang naging magiting s'ya sa mata ng mga tao, maging sa mata ng Diyos man. Ang kanyang "Mamba Mentality" ay patuloy pa ring umiiral magpa-hanggang ngayon. Thank you Kobe!!!

Marahil, nakatakda na rin ang kanyang kamatayan para muling ipapaalala sa ating lahat na ang buhay ay sadyang maigsi lang o "Life is short!". At wala itong pinipiling tao, maging mga sikat man o ordinaryong tao man. Muling itinuro din sa'tin ni Kobe ang kahalagahan ng pamilya! Ang bawat oras na kapiling natin ang ating pamilya ay dapat nating pahalagahan. Ang paglalaan ng sapat na oras o quality time para sa asawa, mga anak, mga magulang, mga kaibigan at sa iba pang tao ay muling sumasapol sa'tin mula sa pagkawala ni Kobe.

At ang pinakamatindi sa lahat ng mga nangyayari ngayon ay ang pagkalat ng nakakahawang sakit o pandemic disease sa buong mundo. Ang "Novel Coronavirus disease" (COVID-19). Mabilis itong kumulat sa ilang buwan lang na lumipas bago pa matapos ang taong 2019 mula sa Wuhan, China kung saan ito nag-umpisa. At ngayong marso pa lang halos buong mundo na ang naging apektado ng pandemic disease na ito. Talagang nakakabahala ito at napaka delikado para sa ating mga tao.

Marami na ang naging infected at patuloy pa rin tumataas ang mga bilang ng mga infected at mga namamatay sa sakit na ito. Habang ang iba naman ay mga nakarecover dito. At tila ba hanggang ngayon, wala pa rin silang mahanap na mabisang panlunas para dito. Nagkukumahog ngayon ang mundo para masolusyunan ito. At hangga't maari, mapigilan pa ang pagkalat at pagdami ng bilang ng mga taong nagkakaroon nito ngayon sa buong mundo. Tila yata naalarma ang buong mundo ngayon! Kagimbal-gimbal talaga!!!

Nabubuhay tayo ngayon sa modernong bibliya, bilang mga nilalaman ng aklat na ito. Marami kang makikitang kabayanihan ng mga tao para sa pagtulong upang malutas ito at magamot ang mga nagkaron nito. Ang mga dakilang doctor at mga nurses na isinapanganib ang kanilang mga buhay para lang gamutin at tulungan ang mga pasyente ng coronavirus disease ay talagang kahanga-hanga. Kung may pagkakataon man ako, mas gugustuhin ko pang magboluntaryo para makatulong sa mga taong naging infected nito. Hindi ko rin iniisip na mamamatay ako sa ganitong klase ng sakit. Hindi ito ang papatay sa'kin!

Sa kabilang banda naman, karamihan sa mga tao ang nagpapanic buying. Marahil normal naman ito sa mga ganitong krisis. May mga ilang tao nga lang na mapang-abuso at mga mapagsamantala. Nagkakaubusan ng mga alcohol sa mga pamilihan at mga ilang botika. Ang iba naman mga nag-away-away na sa mga simpleng tissue lamang. Malalaman lang talaga ng mga tao ang kahalagahan ng mga bagay-bagay kapag ito'y nawala na. May nabasa pa ako sa isang facebook post na, "baka naman mapapadalhan mo ako bukas ng bulto-bultong alcohol para idispatsya." ( happy pa s'ya) Natatawa na lang ako sa kanila. Sa mga ganitong senaryo, tanging pera at pagkita pa rin ang kanilang nasa isip. Sabagay sa panahon ngayon, anu pa nga bang mas mahalaga di'ba. "Money is ticker than blood" na ang labanan ngayon. Negosyante nga naman! 🤔(Sabagay hindi ko rin naman sila masisisi.)

"Sumagi tuloy sa isipan ko ang isang kwento ni Father na naging bahagi ng kanyang sermon noon ng umatend kami sa misa sa isang simbahan."

Sa isang bulubundukin lugar sa Pilipinas, may mga naninirahan doon na mga katutubo. Tanging pagtatanim lamang ang kanilang kinabubuhay doon. At masaya at kontento na sila sa payak na takbo ng kanilang pamumuhay doon. Halos lahat din sa kanila ay hindi nakapag-aral sa eskwelahan. Hanggang sa isang araw ay may napadpad na mga turista sa kanilang lugar upang mag-hiking sa mataas na bahagi ng bundok. Tinulungan ng mga katutubo ang mga turista sa pag-akyat sa kanilang kabundukan. At sa gitna ng kanilang paglalakbay, nakakita ang mga turista ng isang puno na hitik sa mga bunga. Dali-dali nila nitong inakyat at kinuha ang mga bunga ng puno habang nakatingin lang sa kanila ang mga katutubo. Sinabi pa ng mga ito sa katutubo na, "Oh, anu pang ginagawa n'yo d'yan? Halika kayo at ubusin natin ang mga bunga nito." Ngunit, nalungkot ang mga katutubo para sa kanila. At ng makababa ang mga ito mula sa puno. Sinabi sa kanila ng mga katutubo na, "Kami po, kung kumukuha ng mga bunga sa puno na 'yan ay sapat lang sa aming pangangailan. Para sa gayon, may matira pa sa mga taong mapapadpad dito. At may makukuha pa silang mga bunga at makakain."

Sa kabilang banda naman. Ang trapik sa EDSA ay tila ba wala ng lunas at katapusan. Marami ng sumuko dito at sinukuan na ito. Ngunit sa pangyayaring ito tila ba nasolusyunan ang matinding traffic dito. Nabawasan ng malaking porsyento ang mga sasakyang nagpapatrapik dito. Ngayon, kahit magpagulong-gulong ka sa EDSA ay walang aawat sa'yo. Maging sa ibang bahagi ng Metro Manila, at maging sa iba pang bahagi ng Pilipinas. At maging sa ilan panig pa ng mundo.

Nabawasan ang mga air pollution. At tila ba nakatulong ito sa inang kalikasanan. Ang mga matataong mga pasyalan ay nahibasan ng mga tao. Ang mga programa sa t.v tulad ng "Showtime" at "Eat Bulaga", maging ng iba pa ay pansamantalang nahinto. Ang mga sporting event sa bawat panig ng mundo ay pansamatalang nakanselado din. Ang mga concerts ng mga musician, mga artist, mga singer ay nakanselado din. Literal na tumigil ang mundo. (AT TUMIGIL ANG MUNDO, NU'NG AKO'Y INIWAN MO...)

Ang mga normal na mga ginagawa mula sa dating mga gawi ay pansamantalang natigil din. Ang pagpasok ng mga bata sa eskwela ay pinatigil muna. Ang pagsisimba tuwing linggo ay tinigil din pansamantala. Ang mga simpleng kamayan at pagbebeso-beso ay pinagbawal muna. Ang pagpunta din sa mga matataong lugar ay pinagbabawal din ngayon. At kung anu-anu pa. Habang ang mga ibang negosyo ay mga nagsipag hina. At maging lahat-lahat pa. Lahat ay talagang apektado ng KRISIS na ito. Huli na para magsisishan pa tayo, sa halip ay magtulungan na lang tayo.

Noon pa man ay nangyayari na ang mga ito magmula pa noong A.D hanggang sa mga naunang siglo sa kasaysayan ng mundo. Paulit-ulit lang itong nangyayari sa mga nagdaan na mga panahon. Ang mga mapaminsalang mga epidemya at pandemya na kumitil at nagpatigil sa mundo noon ay dating mga nanahan din.

Ang "The great plague of Europe o The Black death" na tinatawag noong 14th century ay kumitil sa buhay ng mahigit 200 milyong katao noon at 40 to 60 percent ng populasyon ng Europa ang nalagas nito. Inabot pa ng napakahabang panahon bago tuluyang nakarecover ang Europa at ilang parte ng mundo na naging apektado nito. Talagang kagimbal-gimbal ang nangyari noon. Dumating din sa puntong wala ng maglilibing sa mga namatay na mga tao doon dahil nagmistulang naubos na ang mga tao sa mga ilang lugar doon. "Ni isa man para maglibing sa mga bangkay nila ay mga naubos na rin."

Ang mga "Aztec Empire" o ang "New World" noong 16th century ay lumaganap din ang epidemya. Ang small fox na dala ng mga espanyol noon na kumitil at nagpasakit sa milyon-milyon nilang mga mamamayan o mga aztecs.

The Great Plague of London noong 17th century. The Third Cholera Pandemic noong 19th century. Typhus Fever during 20th century. The Asian Flu Pandemic noong 20th century din. Sa pagsapit ng 21st century, Naabutan ko noon ang SARS coronavirus na sumikat din at namuksa noong 2002-2003 na nagmula din sa China. "Naalala ko pa noon na ginamit ng mga kabataan sa liga sa Anastacia Village sa bayan ng Marikina ang "SARS" bilang pangalan ng team nila." Ang h1 n1 influenza virus o ang "swine flu" na nagmula sa Mexico taong 2009 na pumuksa rin ng maraming buhay. Ang MERS-coV ng middle east taong 2012 at mga nagdaang taon na nagpahirap din. Ang Ebola virus disease ng Africa na kumitil din ng marami pang buhay taong 2014. Ang HIV o aids na hanggang ngayon ay wala pa ring nadidiskubreng gamot o cure para dito na patuloy paring pumipinsala sa milyong-milyong tao sa mundo. Maging ang sikat na bokalista ng bandang "Queen" na si Freedie Mercury ay ito ang naging sanhi ng kanyang kamatayan taong 1991. At ngayong naman ang NCOV o COVID-19, na nagmula pa rin sa China taong december 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Panahon pa lang nila Moises at Hesus laganap na ang mga epidemya at pandemya sa mundo. Sa panahon ni Hesus, marami s'yang pinagaling na may mga malalala at nakakahawang mga sakit. Niyakap n'ya ang mga ito at hindi pinandirihan bagkus binigyan n'ya ang mga ito ng panibagong pag-asa upang mabuhay muli. Bumuhay din s'ya ng mga patay, nagpalakad sa mga pilay, nagpakita sa mga bulag, nagpagaling at nagpauwi sa mga may sira ang ulo, nagpalayas ng mga demonyo sa kaisipan ng mga tao. (sanib) Bilang si Hesus noon sa nakaraan ay napakahirap talagang maging katulad n'ya. Walang makakapantay sa kanya sa mga ginawa n'ya para sa mga tao noon maging sa'tin sa kasalukuyan ngayon. Ngunit, kaya naman natin marahil ang maging gaya n'ya sa ibang paraan lalo na sa mga panahon ngayon. Hindi ba???!!! 🙏

Ang mga linya sa paborito kong pelikulang "Chocolat" ay tumatagos sa kaibuturan ng aking pagkatao.

"I think we can't go 'round measuring are goodness by what we don't do, what we deny ourselves, what we resist, and who we exclude. I think we've got to measure goodness by what we embrace, what we create, and who we include."

"HUWAG KAYONG MATAKOT!!! HUWAG KANG MATAKOT!!!" [wika ni Hesus]