Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mr. Maverick

Jay_Lim_4543
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.5k
Views
Synopsis
Everybody has UTANG (debt), that's a fact. The rule is when you borrow anything especially money you should return it, yes we all agree to that right. Sometimes life throws you a pit so deep you just don't know how you will be able to pick. Here are some ways to get a way with UTANG (debt). I hope you will learn something from it and get on with your life with your head high up! Disclaimer: Huwag tularan, pero kung keri why not!

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Simula

Sabi nila lahat may utang. Di ka raw nabubuhay dito sa mundo kung wala kang utang.

Ipinapanganak ka pa lang utang na loob mo na sa magulang mo ang buhay mo.

So i guess our life is one big UTANG.

I am 37 years old, single, self employed, naninirahan sa isang condo, magisa at nabubuhay sa mga raket, raket. Kahit ano pinapasukan. Benta dyan, benta dito, nangongomisyon sa mga kung ano anong karaketan.

Galing ako sa pamilyang nasa middle class. Anim kaming magkakapatid, pangatlo ako, as they say meron akong "middle child complex" yung bang "black sheep" ng pamilya. As they say sa bawat pamilya may 3 pataas na dami ng anak isa dyan problem child. At inaamin ako yon.

Di ko naman masasabing "problem child" as in, sabihin na lang natin na "madaming gusto" child. Feeling ko kase kulang talaga ako sa attention. Syempre kakapanganak ng Nanay ko every year after lumabas ako parang pagod na pagod na sya after having 2 other sons. Yung bang alam na alam na nya kung paano ako papabayaan at the same time aalagaan. Alam nyo yun, yun bang 1 year ako pag umiiyak ako, sasabihin ng nanay ko "gutom lang yan, bigyan nyo ng chupon yan". Pag nilalagnat ako, sasabihin ng nanay ko "ngipin lang yan tumutubo". Walang katarataranta, very chill lang. Alam na nya lahat ng sagot. Di na sya nagaalala for you.

Yung sumunod the taon, nanganak ulit ang aking nanay. Ayun after three boys biniyayaan sya ng isang girl. Sumunod sakin ay ang aking sister. Syempre dahil frist girl nila super tutok sila bawat kibot kay sister nakatutok. Minsan sinasadya ko magpapansin at umiyak pero sabi ng nanay ko, "Gutom lang yan bigyan ng chupon yan!" "ang cute cute talaga nitong gurl na ito, lagyan ng ribbon yan sa buhok nya." yan ang naging focus nila si baby sister. After a year another boy then another girl and so were complete!

So i guess hindi naman talaga ako problem child feeling ko kulang sa attention at pagmamahal.

Laging may kulang. Pag magusto ako laging hand me downs. Pag sa hapag kainan priority lagi yung panganay kase medyo mataba sya so pag may buong manok choice cut si Kuya kung ano gusto nya eto naman pangalawa kong kapatid parang anino ng panganay kung ano meron si panganay siya din copy paste. Pag turn ko na to pick my piece sa manok eh "ladies first" daw. matuto daw ako maging gentleman. So ok skip. hanggang umabot na sa bunso syempre bunso yon diba give way na. Pag dating sa akin ang choice ko na lang sa piece ng manok kung hindi leeg, yung ulo. Choice pa yun ha di pwede dalawa. kesa yung di ko mapipili sa panganay na lang daw kase nga mataba daw yun matagal mabusog.

Minsan when we were about six years old naalala ko mag fi-fiesta carnival sa SM Cubao on Christmas Day, November 30 pa lang Bonifacio Day yun inannounce ni Father dear . So wow super excited kami lahat. Can you imagine almost a month before ang announcement so the excitement is real. Everyday wow looking forward to December 25. Eto na yung bunso kong kapatid nag ka chicken pox December 24. So December 25 came maiiwan si bunso eh walang magbabantay akalain nyo ako talaga napili ng magasawa para magbantay kay bunso, di kase naiiwan sa yaya magisa yung bata. Ako daw kase si Kuya top daw sa class and yung pangalawa nga as i said anino nya yun pag di go yung isa di rin go sya ganon. Then syempre ladie first nga diba. So no choice ako talaga maiwan. Madali naman daw bumalik sa New Year pag galing na si bunso ako naman daw kasama. Wow diba.

Dumating ang New Year... Di na natuloy ang fiesta Carnival take two ko. Parang di na lang napagusapan. Mag torotot daw ako at tumalon para tumangkad. Yun ang eksena. Only happy thoughts daw.

Ang dami ko kwento na ramdam na ramdam ko how it is to be the middle child how deprived i am. Deprived talaga?!

From my younger years i really knew kelangan kumayod, i wanted to make sure na pag laki ko ang ang bongga. I will have a whole chicken whenever i want to. Pupunta ako sa StarCity (dahil sarado na fiesta carnival) paulit ulit anytime i want.