Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Geremi Allauigan

🇦🇨FoxyFox
1
Completed
--
NOT RATINGS
3.3k
Views
Synopsis
Si Berting ay lumaki ng walang ama at mulat sa hirap. Ngunit magpaganun pa man ay hindi ito nagpatinag sa hamon ng buhay. Kabataan palang nito ay nasadlak na sa kahirapan ngunit hindi papatumba.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Si Berting

Alas singko palang ng umaga ay gising na ang batang si Berting. Siya ay naghahanda ng almusal nito bago pumasok sa paaralan. Habang si Berting ay naghahanda ng almusal nito ay ang inay naman nito ay nagluluto ng mga ulam na ibebenta sa paaralan ni Berting. Kapwa nagtutulungan ang mag ina upang matugunan ang mga pangangailangan nila sa pang araw-araw.

Ang mga bentang ulam at mga miryenda ay inisasakay sa tricycle ng batang si Berting. Ngunit pag wala itong masakyan dahil sa kawalan ng pamasahes ay binubuhat nito ang mga benta ng alas kwatro ng umaga upang mailagay kaagd sa pwesto nilang mag ina.

Malayo man ang lugar na pupunatahan ni Berting ay buong lakas nitong binuhat ang mga gallon na naglalalaman ng tubig para sa paghugas at juice na tinetempla nito pag maaga. Kung minsan ay ang mga sari-saring chicherya na nakasupot pa sa malaking transparent na plastic.

Buhat, tigil, buhat, tigil, eto ang pamamaraan ni Berting sa pagdadala ng kagamitan sa pwesto. Ngunit siya ay nakadarama din ng kaba dahil sa aga nitong magdala ng mga kagamitan sa gawing likuran ng paaralan nito. Iniiisip nalang ni Berting na kailangan niyang gawin ang mga bagay na ito upang makatulong sa inang mananahi at entrepreneur rin.

Sa pag pasok nito ay deretyong naglinis si Berting. Naglampaso ito at sa paglalampaso nito ay biglang hinawakan ng kaklase nitong si Kevin ang matambok na pwet nito. Ikinagulat ito ni Berting na siya namang ikanatawa ni Kevin at ng barkada nitong si Michael. Ngunit matapos nito ay patuloy paring naglinis si Berting.

Paborito ni Berting ang asignatura ng Ingles ngunit pag dating sa Matematika o anumang may kinalaman sa numero ay medyo kumukunot ang noo nito. Kilalang magaling si Berting sa recitation lalo na sa Araling Panlipunan, feel na feel nitong sumagot. Para bang nakaramdam ito ng kapayapaan ng mundo at nawala ang takot na ipahayag ang pakiramdam nito sa mga isyung palipunan.

Sinabihan nga ito ng mga kaklase niyang si Daphne na, "Berting pwede ba, hinay hinay sa pagsagot. Feel na feel mo naman." Sa bawat araw ay hindi ito tumigil na ipakita ang angking galling. At pagsapit naman ng recess at napakabilis nitong maglakad papunta sa tindahan nila sa likod ng paaralan. Tanging siya lang naman ang makaktulong sa ina nito.

Kargador, tagahugas at tagapunas ng lamesa, eto ang siyang tanging gawain na kinasanayan ni Berting. Minsan ay tumutulong ang mga 1st degree nitong pinsan na kumakain din sa tindahan nila.

Isa sa mga paborito na oras ni Berting ay ang last period nito sa hapon sa Filipino. Tuwing last period kasi ay lagi nitong nasasabi ang damdamin sa Filipino. Sa likod ng upuan ni Berting ay nakahilera ang mga 11 brothers na kilalang palaban, kolokoys at sutil ng batch nito. Isa sa mga hindi makakalimutan ni Berting ay ang biglaang pangkatang gawain. Tuwing pangkatang gawain ay lagi ito ang tinatawag na maging leader o kaya naman ay script writer. May pagkakataon na nakakagrupo ng myembrong 11 brothers na si Kevin si Berting. Ngunit kahit ayaw naman ito ni Berting maging ka grupo dahil wala namang itong iaambag ay tinanggap nalang ito upang matapos agad ang gawain. Dahil para kay Berting mahalaga ang magandang grado upang makapasok sa top 10. Noong unang grado kasi ay nasa 15 ito kaya naman umaasa ito nab aka sakaling tumaas man lang ng konti o tuluyang pumasok na sa top 10 para waging wagi ang Berting.

Pinagsasabay ni Berting ang pag-aaral nito at ang trabaho ngunit hindi ito huminto na pagbutihan. Kahit minsan sa math ay nagmumukha itong kaawa awing kuting ngunit pinoporsigi na magtanung at magpatulong sa mga nakakaalam na mga kaklase. Para kay Berting lahat ay kakompitensya niya, napapansin niya ang bagay na binibigay nito sa mga guro at alam nitong nagpapalakas ang mga ito.

Kaya inisip din nito na hindi sapat ang pag-aaral ng mabuti para sa magandang grado ngunit kailangan ding umeksena.

Dumating ang araw nga na inaabangan ni Berting, ito ay ang paghingi ng Guro nito ng nais na magboluntaryo sa paggawa ng mga boxes nito na dedekorasyunan. Walang kumibo sa klase at pinakiramdaman ito ni Berting at doon nga nakakita ng pagkakataon si Berting upang umeksena. Alam ni Berting na di ito kamahalan at kailangan lamang nitong maging matyaga at resourceful sa gawaing ito upang matapos ito agad. Kaya nga naman agad nitong kinuha ang mga kartong nakalagay sa lamesa ng guro nito sa Filipino.

Nagdaan ang mga araw at naubusan ng gasul ang mag ina. Naging dahilan ito para mangahoy si Berting sa Oval kung saan lugar para sa ehersiso at palaro. Namumuo man ang hiya kay Berting nab aka makita nito ang mga kaklase nito ay binitbit nito ang bolo, at sako habang hila ang karitela patungo sa oval. Pulot dito, pulot duon ng mga tuyong sanga. At ang mga naglalakihang sanga ng punong kahoy na nakalagay sa may gilid ng daan ay pinupulot nito. Hanggang sa tumigil ang isang sasakyan. At sa layo ay namukhaan ni Berting na si Daphne ang palabas sa kotse. Si Daphne na bruha, inglesera at prangka at higit sa lahat ay manglalait. Kaya naman itinigil ni Berting ang gawain nito at itinago ng kaunti ang sako sa likuran nito kahit kitang-kita naman ang mga ito. Tinanung ni Daphne si Berting, "Anung ginagawa mo?" sinagot naman ni Berting ng para bang nahihiya pa at sa mahina nitong boses na, kumukuha ng kahaoy", gusto mang itanggi ang gawain ngunit sa hulit ay inamin rin sa sarili na wala na itong magagawa kundi ang umamin. Inaasahan ni Berting na pagtatawanan ito ng kaklase ngunit ikinagulat nito ang pagiging normal ng itsura ni Daphne. Sa pagkakataong ito ay walang sinabing bagay si Daphne na nakapanglalait at nakakadurug ng pagkatao. Noong minsan kasi ng kaumagahan ay natatandaan ni Berting na ito ay tinawag niya na Homosexual, ngunit hindi alam ni Berting ang kahulugan nito, pero batid nito na masama ang sinabi nito sakanya. Magpaganun pa man ay patuloy itong naglilinis at hindi pinansin ang pagtatawanan nila Dahpne at ang pinsan nitong si Irish.

Hindi nagtagal ang pag-uusap ng dalawa sapagkat isnama lamang si Daphne ng kanyang ama na mag driving lesson sa oval.Pag-alis ni Dahpne ay patuloy na nangahoy ang Berting …. Kinaladkad nito ang sako papunta sa tahanan… Medyo nahihiya ito na makita sa daan na nangangaladkad ng sakong may kahoy pero nasa isip ni Berting ay wala silang pagluto at magagalit ang nanay nito pag walang inuwi. Kaya naman pinilit nitong maiuwi ang punong sako at inilagay sa bakanteng kulungan ng baboy ang mga kahoy na naipon…

Walang sabado na hindi ganito ang gawain ni Berting. Tanging pagsisimba at pag-aaral nalang ang kanyang pinagkakaabalahan.Bahay, simbahan, paaralan, may okasyon man tulad ng birthday ng eskwelahan at swimming o anumang outing na pang eskwelahan ay hindi pinapayagan si Berting. Sa katotohanan nga ay lagi itong hindi updated sa mga gawain ng mga kaklase. Pinapayagan lamang ito na lumabas pag may Church activities ngunit pag camping na ay ayaw mawalay ng ina sa anak kaya naman may punto ring hindi ito pinapayagan.

Ang mga bagay naman na gawain ni Berting ang siyang nagbigay sakanya ng lakas. Dahil sa kakabanat ng buto nito ay di naglaong naging malakas ang pangangatawan ni Beting. Hindi man siya gaanung lumalabas ay busog naman ito sa pagmamahal, pagkain at mga kagamitan. Ikinakatakot ng inay nito na maaring mapano ito kaya ganun nalang maghigpit. Bagay na hindi maintindihan ng mga kaklase nito. Minsan nga ng niyaya si Berting na sumamasa camping ay naging rason nito ang pag-aalaga ng baboy. Bagay na ikinalungkot ng mga churchmate nito. Ganun pa man ay wala ring nagawa ang mga ito.

Madalas magmukmok si Berting sa bahay nila, nagiging kapakipakinabang lamang ang oras nito kapag may inuutos ang ina dito. Nakikipanood nalang ito sa kapitbahay pag wala na itong ginagawa. Minsan nasa bahay ito ng pinsan nitong si Chris o kaya naman ay kila Arnel. Pag tapos na ang pinapanood ay dun lamang umuuwi ito.

Mahirap lamang ang buhay nila Berting ngunit binusog ito ng pagmamahal ng ina nito. Hindi kailanaman man naramdaman ni Berting ang kakulangan ng ama sa buhay nito hanggang sa pagsapit ng Ikaapat na taon nito sa High School.