Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Tenses Of Love

🇵🇭xeena_blu
10
Completed
--
NOT RATINGS
27.2k
Views
Synopsis
Isa si Abigail sa nalinlang ng "maling akala". Iyon nga lang, sobrang kakaiba ng kaso niya ng "maling akala". Akala niya ay nakapag-move-on na siya sa ex niya eight years ago--yes eight long years ago--pero hindi pa pala! At ngayon lang niya iyon nalaman nang sa wakas ay magkaroon ito ng bagong girlfriend, eight years after they broke up. Ni sa hinagap ay hindi niya in-expect na parang may kabayong sisipa sa kanyang sikmura nang makita niya ang Facebook post ng kanyang ex kasama ang girlfriend nito. Naitanong na lang niya sa sarili, "'Anyare, Abby?". At dahil hindi katanggap-tanggap ang nararamdaman niyang bitterness na eight years ng sobrang delayed nagparamdam, she had to go on a leave from work. Then she decided to create a new goal. And that is "How To Completely Move-On From Your Ex Eight Years After Your Breakup". Maayos naman ang naging unang steps na naisulat niya roon, kaya lang ay napansin niyang unti-unting nag-iiba ang goal ng ginagawa niyang steps nang dahil sa gym instructor na umalo sa kanya isang araw noong nag-breakdown siya sa gym. Is he just a distraction? Or is Abigail's heart slowly trying to heal and fall in love once more?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

PAUWI na si Abigail galing opisina nang abutan siya ng traffic sa daan habang nagmamaneho. Palibhasa ay alas sais na ng gabi. Uwian na ng mga empleyado sa opisina pati na rin ng mga estudyante. Dahil kakapalit lang ng ilaw ng traffic light sa pula, naisipan ni Abigail na mag-check ng Facebook. Nasa crossing kasi siya banda kaya natitiyak niyang matatagalan pa bago siya makausad muli.

She was absent-mindedly scrolling on her news feeds when a certain feed caught her attention. It was a picture of a couple sweetly clinging to each other. Ang lalaki ang kumukuha ng larawan o selfie habang ang babae naman ay dikit na dikit dito na halos wala na yatang makapasok na hangin sa pagitan ng mga ito. Nakapatong pa talaga ang baba ng babae sa balikat ng katabing lalaki. Parehong napakatamis ng ngiti nilang dalawa. At sa hindi malamang dahilan ay tila may sumipa sa sikmura ni Abigail nang makita ang larawang iyon.

She didn't expect to feel that way dahil siguradong-sigurado siyang naka-move-on na siya sa ex niyang iyon. Yes, the guy on that picture that caught her attention was in fact her ex. Ang ex niyang si Francis na hiniwalayan niya walong taon na ang nakalipas dahil sa praktikal na dahilan.

She was a go-getter while he on the other hand was a free-spirited man. Sa sobrang free-spirited nito ay tila wala itong balak na mag-apply ng trabaho nang maka-graduate ito bilang radtech dahil ayaw nito ng pakiramdam na nakatali ito sa isang kontrata. Masyado itong spoiled sa pamilya nito. Lalo na't nasa abroad nagtatrabaho ang tatlong kapatid nitong babae bilang nurses. May natatanggap pa rin itong allowance mula sa mga ito kahit pa graduate na ito sa koleheyo at may kakayahan na sanang maghanap-buhay. Kaya hindi ito na-pressure na maghanap ng trabaho.

Abigail on the other hand strives for everything because she came from a poor family. Dalawang taong gulang pa lang siya ay sumakabilang-buhay na ang kanyang ama. Apat silang magkakapatid at tanging ang maliit na karenderya ng ina ang bumuhay sa kanila. Dahil sa kahirapan ay napilitan pang maghanap ng trabaho sa murang edad ang tatlo niyang kapatid na lalaki dahil hindi talaga sumasapat ang kita sa munting karenderya ng kanilang ina. Tanging si Abigail ang nakapagtapos sa kanila ng koleheyo. Kaya naman lumaki siyang palaban.

Sa eskwela ay hindi pwedeng hindi masali si Abigail sa Dean's list. Pagka-graduate ay agad din siyang nag-take ng board exam. At habang nag-iintay ng resulta ay nag-apply siya ng trabaho sa call center para may mapagkakitaan na. Wala siyang sinayang na panahon. She was the exact definition of the motto that time is gold.

Napagkasunduan nila ni Francis noon na mag-abroad kapag may sapat na silang experience sa ospital. Pero dalawang taon na itong graduate, dahil matanda ito ng dalawang taon sa kanya, at lumabas na lang ang resulta ng board exam ni Abigail ay hindi pa rin ito nagtatrabaho. Nag-apply ito sa isang ospital pero dalawang buwan pa lang itong nagti-training ay bigla itong tumigil. Huli na nang malaman iyon ni Abigail dahil sinadya nitong ilihim iyon sa kanya. Alam kasi nitong hindi niya ito papayagang tumigil sakaling nagpaalam muna ito sa kanya.

That was her last straw. Pagod na pagod na siya kaka-encourage dito. Kulang ang sabihing halos siya na ang nagpaplano para sa sarili nitong buhay dahil kung ito lang ang masusunod ay tila wala itong balak na ibang gawin kundi ang mamuhay nang malaya sa responsibilidad. And so she ended everything between them. She ended their almost five years relationship. Dahil mahaba ang pinagsamahan nila ay hindi na nakapagtatakang iniyakan niya ito ng ilang gabi. Pero dahil sa galit niya ay mabilis siyang nakapag-move-on dito. Or so she thought…

Dahil bakit ngayong nakita niyang may iba na itong kasama ay parang may sumipang kabayo sa kanyang sikmura? Was she really able to move-on from him? O baka kaya kampante lang siya noon dahil magmula nang maghiwalay sila ay wala naman itong naging ibang girlfriend.

Malakas na busina ang pumukaw kay Abigail mula sa malalim na pag-iisip. Nagbuga siya ng hangin saka muling iminaniobra ang kanyang kotse.

DAHIL gustong iwaksi ni Abigail sa kanyang isipan ang larawan ng kanyang ex kasama ang bago nitong girlfriend, nagdesisyon siyang bumisita sa gym kung saan nag-enroll siya ng one month subscription. Sabado kaya wala siyang trabaho bilang Marketing Analyst sa digital marketing agency na kanyang pinapasukan.

Nakailang ikot na siya sa running mat na nakapalibot sa gym pero hindi pa rin mawaglit-waglit sa kanyang isipan ang lintik na larawang iyon! Abigail decided to do circuit training. Baka sakaling iyon ang makatulong sa kanya. She looked for a gym instructor para may mag-guide sa kanya sa mga kailangan niyang gawin. It's not that she doesn't know what to do, kaya lang ay wala siyang tiwala sa sariling kakayanan nang mga sandaling iyon dahil wala talaga siya sa kanyang sarili.

"Excuse me? Can you please help me do some circuit training?" Aniya sa nakatalikod na lalaki. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito pagharap ng lalaki. Pero dahil suot naman nito ang t-shirt na uniform ng mga staff doon, nagkibit-balikat na lang siya. Hindi pa man ito nakakasagot ay tumalikod na siya at nauna nang pumunta sa pwesto kung saan maaaring gawin ang circuit training.

"How many lapses do you want to complete and in how many minutes, Miss?" Anang baritonong boses nito. Nasa likuran ito ni Abigail.

"Three to four lapses in thirty minutes." Wala pa rin sa sariling sagot niya. Naghihintay na lang siya ng sasabihin nito.

"Okay. Let's do the seven minute circuits of four. For the first circuit, do twenty repetitions of squats, ten burpees, twenty tricep dips, and fifteen straight-leg sit-ups. Miss, did you hear what I said?" Anito nang ilang sandali matapos nitong magbigay ng instruction ay hindi pa rin siya tumutugon.

"S-sorry. Yeah, I got it." Napapakagat-labing tugon ni Abigail pagkaraan. Sabi na nga ba niya, hindi niya mapagkakatiwalaang gumawa ng tama ang sarili nang mga sandaling iyon.

"Okay, you may start now." Wika ulit ng gym instructor.

Ginawa nga ni Abigail ang lahat nang sinabi nito. Sa bawat sandaling natatapos niya ang repitition ng mga pinapagawa nito ay nagbibigay naman ito ng instruction para magpalit siya ng gagawin. At ipinagpasalamat iyon ni Abigail dahil talagang lumulutang ang isip niya kahit pa sobrang nakakapagod ang mga ipinapagawa nito at kahit pa habol-habol na niya ang kanyang hininga.

Bakit hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang katotohanang nakahanap na ng bagong pag-ibig ang kanyang ex? Nakapag-boyfriend na rin naman siya apat na taon makalipas ang kanilang hiwalayan. Kaya natiyak niyang nakapag-move-on na siya rito. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon? Bakit nagsusulputan ang mga alaala ng higit apat na taon nilang pinagsamahan simula kagabi nang makita niya ang larawan kasama ang bago nitong girlfriend? Higit sa lahat, bakit parang…nasasaktan siya?

"Miss?"

Napaigtad si Abigail nang may humawak sa balikat niya nang may halong diin. Nilingon niya ito nang may pagtatanong sa kanyang mga mata.

"Hey… Geez! You're crying…" Nagulat na wika nito atsaka marahang pinahid ng daliri ang luhang hindi niya namalayang naglakbay na pala sa kanyang mga pisngi.

She was crying?

"Pwede mo namang sabihin sa'kin kung hindi mo na kaya ang ginagawa mo. Or you could've asked for a few more seconds of rest. Hindi naman kita pagbabawalang gawin iyon. Hindi mo kailangang umiyak." Anang gym instructor na inakalang ang hirap na dala nang pinapagawa nitong exercises ang dahilan ng kanyang pagluha.

His comforting words along with his fingers still wiping her cheeks to erase the trace of teardrops made Abigail sob. Itinakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha atsaka hinayaan na niya ang sariling ibuhos ang nararamdaman mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Umaalog ang mga balikat na iniiyak niya ang lahat ng emosyong kinimkim magmula pa kagabi. Nang hatakin siya nito at ikulong sa matitipuno nitong mga braso ay mas lalo pa siyang napahagulhol.

Indeed, she was in pain. She was hurting. Hindi pa pala siya handa na makita si Francis na may iba nang minamahal. Akala niya lang pala ay naka-move-on na siya rito. Iyon pala ay naging kampante lang siya dahil sa loob ng walong taon magmula nang maghiwalay sila ay wala naman itong ibang naging girlfriend. Pero ngayong may iba na itong pinapahalagahan kagaya nang pagpapahalaga nito noon sa kanya, sobrang sakit ang nararamdaman ni Abigail.

Gusto niyang magsisi sa naging desisyon. Sa pakikipaghiwalay dito. Kahit naman hindi ito ganoon ka-responsable noon kung kinabukasan ang pag-uusapan, hindi naman ito nagkulang sa pagmamahal sa kanya. She never felt insecure when she was with him, dahil tanging sa kanya lang nakatutok ang mga mata at atensiyon nito kahit pa may ibang magagandang babae sa paligid nito. Samantalang siya ay panay ang paghanga sa ibang lalaking nakapaligid sa kanya noon. Men who were a complete opposite of his character. Men who were a go-getter like her.

Ganito rin kaya ang naramdaman nito noon sa tuwing napapansin nitong may iba siyang lalaking hinahangaan? Siguro ay sobra rin itong nasaktan kagaya nang nararamdaman niya ngayong may iba ng babaeng pinakamaganda sa mga paningin nito.

Ang sakit-sakit pala. Hindi na mailarawan ni Abigail ang nararamdaman basta't sobra siyang nasasaktan. Ayaw tanggapin ng puso't isipan niya na may iba ng babaeng nakakuha ng buong atensiyon nito. Na may iba ng babaeng magiging sentro ng mundo nito.

"S-sana a-ako na lang u-ulit…" Aniya sa pagitan nang paghikbi. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa kanyang isipan noon na masasabi niya ang sikat na linyang iyon ni Bea Alonzo sa palabas na One More Chance kasama si John Lloyd Cruz na iniidolo niya.

Speaking of which, alam na alam din ni Francis kung gaano siya kaadik kay John Lloyd. Pinagtatawanan pa nga siya nito noon sa tuwing umiiyak siya sa bawat palabas nito kapag pinapanood nila iyon sa sinehan. Bumuhos na naman ang mga luha ni Abigail nang maalala ang bagay na iyon. Mamamatay na yata siya sa sakit na nararamdaman nang mga sandaling iyon. Kung bakit kasi tila ayaw tumigil sa pagsusulputan ang mga alaala ng kanilang pinagsamahan?

Maya-maya ay naramdaman ni Abigail ang paghimas-himas ng gym instructor sa kanyang buhok para aluin siya. Saka lang siya natauhan. She was in this gym instructor's mercy for Pete's sake!

'Ang pathetic mo, Abigail!' Hiyaw niya sa sarili.

Marahan niya itong itinulak sa dibdib para kumawala sa pagkakayakap nito. Tumalikod siya atsaka pinunasan ng likod ng kanyang mga kamay ang mukha niyang hilam na hilam na sa luha.

"I'm sorry for suddenly breaking down in front of you. And…thank you. Thank you sa pag-alo sa'kin kahit 'di mo naman ako personal na kilala. I'll leave a good feedback about you sa management. Ano nga pala'ng pangalan mo?" She said after she regained her composure.

"You don't need to do that, Miss. Sapat na sa'kin na makitang okay ka na ngayon after crying a bucket." Pabirong sabi nito. Siguro ay para pagaanin ang kanyang damdamin.

Gumaan ang loob ni Abigail sa lalaki. Mukha kasing sincere itong tao. Hindi iyong tipong nagti-take-advantage lang sa isang babaeng damsel in distress ang drama kagaya na lamang niya.

Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang mukha at kabuuan nito. Hindi ito kasing-gwapo ni Piolo Pascual pero malakas ang sex appeal nito. Maganda kasi ang tindig nito sa height na humigit kumulang anim na talampakan. He was towering her, sa height niyang five-two. At syempre pa, hindi rin matatawaran ang katawan nitong hindi na kataka-takang maganda ang pagkakahubog dahil isa nga itong gym instructor, 'di ba? Pinaghalong James Yap at Enchong Dee ang mukha nito. Hindi ganoong itsura ang tipo ni Abigail pero hindi niya ide-deny na nagugwapuhan siya sa isang ito. Kung bakit ay hindi niya alam.

Maybe she was just trying to distract herself from the pain that she was feeling. Alam ni Abigail na hindi tamang ibaling sa iba ang atensiyon para lang makalimot pero hindi naman siguro sukdulan kung gagawin niya iyon kahit ngayon lang. Kahit isang araw lang. Kahit sa sandaling ito lang.

"Miss?" Untag nito sa lumilipad niyang diwa.

"May s-sinasabi ka?" Nahihiyang tugon niya.

"Sabi ko, ipagpapatuloy pa rin ba natin `yung circuit training mo o hindi na?"

Umiling si Sharon. "Hindi na. Thank you na lang." Akmang tatalikod na siya nang maalalang hindi pa pala niya nahihingi ang pangalan nito. "Oh wait! What's your name again?"

Bahagya itong ngumiti saka siya sinagot. "David."

"David—?"

"David Barcelona."

"Nice meeting you, David. I'm Abigail by the way." Pakikipagkamay niya rito kapagkuwan. Tinanggap naman nito iyon. He held her hand firmly which brought warmth to her senses and soothed her troubled soul.

"S-sige." Binawi na ni Abigail ang kanyang kamay dahil mukhang wala itong balak na bitawan iyon.

"See you around, David." Paalam niya rito saka tinungo na ang shower area.

Mabilis siyang nag-shower at nagbihis. Pagkatapos ay dumaan siya sa front desk para bigyan ng magandang feedback si David Barcelona kagaya nang ipinangako niya rito.

"Yes, Ma'am? What may I help you with?" Magiliw na anang receptionist sa kanya paglapit niya roon.

"I just wanted to leave a feedback for one of your gym instructors here."

"Sure, Ma'am. We'd gladly take your feedback po. Would you want to write it in paper or—"

"Hindi na. Basta, pakisabi na lang sa manager n'yo na hindi siya nagkamaling tanggapin si David Barcelona bilang gym instructor. He's very kind and supportive." Hindi na lamang in-elaborate ni Abigail na emotional support ang ibinigay nito sa kanya. Hindi naman kasi nakaka-proud ang bigla-bigla niyang pagbi-breakdown kanina.

"Sino po ulit, Ma'am?" Tila naguguluhang tanong nito.

"Si David Barcelona."

"Eh, Ma'am… Hindi po namin—"

"Thank you very much for your feedback, Miss Abigail. I really appreciate it." Sansala ng pamilyar na baritonong tinig sa receptionist na kausap ni Abigail. Pag-angat niya ng tingin ay naroon na pala si David sa kanyang tabi.

"Y-you're welcome." Naiilang na tugon ni Abigail. "Sige, I have to go." Paalam niya sa mga ito pagkaraan. Hindi na niya napagtuunan ng pansin ang naguguluhan pa ring mukha ng receptionist na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni David.