Chereads / "Wag Kang Judgemental" / Chapter 2 - Nasan kana Honey?

Chapter 2 - Nasan kana Honey?

Facebook Messenger

Mommy: (mother) Happy birthday swetheart, we love you so dearly, so sad that we cannot able to attend your birthday, sunod na kasi kayo ni Jason dito sa Canada. Well, anyway kelan niyo ba kami bibigyan ng Apo? We missed you. Love, love. Mami@Dadi

Marvin: (brother) HBD ate, sana magkaanak na kayo ni bayaw Jason, ang tanda mo na.. itong asawa ko buntis na, naunahan kapa, may matres kaba talaga?? awww.. Labyu ate, bonding kami ni bayaw pag-uwi namin ng pinas ha.

Jane: (best friend) Happy happy birthday bes, treat mo ako later ha? love u a lot ate. Hugs and kisses.

"Kung mga ate itong mga ito, wagas..tsk! Judgemental lang ganun? "

Scroll up and down si Steph sa cellphone nya, time check (7:15 pm) na, wala parin si Jason. Kanina pa ito nakabihis, suot ang paborito niyang bulaklaking bestida na humapit na magandang kurba ng kanyang katawan, na para bang nang-aakit, high heels na sandal, na tinernuhan pa ng nakalugay at super straight at shiny na mahaba at itim niyang buhok at ang mala-porselana nitong balat. Sa edad niyang trenta'y singko ay mapagkakamalan mo lang siyang dalaga na nagtataon ng bente tres.

Napaka-ganda niya sa suot niyang iyon at alam niya na maiibigan iyon ni Jason kapag nakita siya, lumipas pa ang ilang oras at wala paring Jason na dumadating.

Time check: (8:30 pm)

Tinawagan nito ang asawa sa hawak niyang cellphone. "The subscriber cannot be reach, please try again later. "

"Nasan kana honey?" nag-aalalang sambit nito sa sarili. Magkahalong pag-aalala at pagkainis ang nararamdaman niya, Naiinis siya dahil mukhang hindi na matutuloy ang paglabas nila ni Jason para mag-celebrate ng birthday niya at nag-aalala siya dahil nakapatay ang cellphone ng asawa at hindi niya ito makontak.

Tahimik siyang nagtungo sa kusina kinuha ang bote ng red wine, itinaas nya ang bote at saka nagsabing "Happy birthday to me!" binuksan niya ito at tinungga ng diretso na para bang isang batikang manginginom, sabay harap sa may salamin.

"Oh edi wow! ikaw na bakla, mag-isa ka na naman." paturo nitong sermon sa sarili at mangiyak-ngiyak. "Heto na naman tayo eh, lagi na lang."

Alas dose pasado na ng makauwi si Jason, bitbit ang box ng cake at dahan dahan itong lumapit sa asawa na nuo'y nakatulog na sa paghihintay sa kanya, hinalikan niya ito sa noo. "Honey" bulong nito.

Unti-unting nagmulat si Steph ng kanyang mata, bumalikwas ito at umupo. Tahimik at nakikinig lamang sa sasabihin ng kanyang asawa, halata ang pagtatampo nito sa pagkalukot ng kanyang mukha.

"Sorry honey, marami kasing trabaho sa work, babawi ako. Promise. " bahagya itong dumukot sa bulsa at inilabas ang maliit na kahon, binuksan nito ang kahon at inilabas ang laman nito, isang kumikinang na gintong singsing. Isinuot niya ito gitnang daliri ng asawa, bumagay ito sa makinis nitong kamay.

Dahil narin sa ginawa ng kanyang asawa ay naisip niyang patawarin nalang ito para maicelebrate ang birthday niya kahit late na.

Mahal niya si Jason at hindi niya ito kanyang tiisin kahit ganun pa katindi ang pagkainis niya dito.

"Sige, I forgive you" nakanguso nitong sagot sabay irap ng mata.

"Ok honey, tell me what makes you happy and I'll give it to you". masuyong sagot ni Jason sa asawa.

"Diba sabi ko sayo nuon, gusto ko magtrabaho para hindi ako naboboring dito sa bahay?" diretsong sagot nito.

"Hindi mo na kelangan mag work honey, kaya kitang buhayin kahit ako lang ang nagwowork" ani ni jason.

"No, hon.. Gusto ko mag work, please? I beg you.."

"Sige, mukhang hindi na kita mapipigilan, pero kapag hindi mo na kaya, itigil mo na. "

Bumalik ang saya sa mukha ni Steph, sa wakas makakapagtrabaho na siya ulit.