Masigla, bumangon, eto ang umagang sa tuwina ay umaasang may nakahaing pagkain.
Subalit gaya ng mga nagdaang umaga, masasalat sa mukha ng aking mahal na Ina, na wala siyang pambili ng pagkain.. o dili kaya'y konting barya na pambaon ko man lamang pagpasok sa paaralan.
Humihingi ng konting barya sa kamag-anakan, na ang deklarasyon ay wala rin naman.
Malungkot ang tatlong kilometrong paglalakad papasok ng paaralan.
Ang aking Ina na nakahanap ng paraan magkaroon ng konting puhunan, pinaglako ako ng banana que at tinapay, pagkagaling ko sa paaralan. Bitbit ang basket at nilibot halos buong caloocan.
Masayang inabot sa Ina ang bente pesos na pinagbentahan, bukas ng umaga ay meron na kaming konting almusal.
Ang mga hapon na paglalako nang saging at tinapay.. ang umagaw sa aking KABATAAN na MAKAPAGLARO sa gitna ng initan.
Umusad ang mga araw, sa gitna nang kahirapan, nakapagtapos sa sekondaryang paaralan.
Ako'y humiling na sana'y makapasok sa kilalang Unibersidad.
Ang umagang yaon ang hinding hindi ko malilimutan... Ang luha ng Ina, na pilit kinukubli.. Pinagkaitan nang tulong upang ako'y makapasok sa ninanais na paaralan. Masakit isipin na kung Sino pa ang kamag-anak na may kakayahang Pinansiyal, ay siya pang may Kakulangan ng Pang-unawa sa Kahulugan ng EDUKASYON.
"WALA NANGA KAYONG MAKAIN!" PAARAL KAPA NG PAARAL!" yan ang mga wikang aking narinig patungkol sa aking Ina na nais lamang bigyang katuparan ang aking kahilingan.
Sa murang edad, aking naisipan na mangibang bayan.
Ang pagtungtong sa Unibersidad ay pansamantalang kinalimutan, upang makatulong sa pamilya na aking minamahal.
Masaya sa pakiramdam na makita ang mga ngiti nang aking mga kapatid at magulang, ang pag-abot nang aking konting nakayanan galing sa bansang pinuntahan.
Sumunod na yugto.. Ako ay nagmahal, nagkaroon ng Anak, at nasaktan.
Upang makausad, aking iniwanan ang anak na tangi Kong Mahal.
At ninais muli na makatulong sa mga kapatid na nais mag-aral. Muling bumalik sa ibang bansa na nakapag-bigay nang konting kaalwanan sa buhay.
Ninais rin na maisakatuparan ang pagtuntong sa Unibersidad. Bagama't hindi natupad, ang dalawang taon sa kolehiyo ay napagkuhanan ng kaalaman.
Sa pangalawang pagkakataon, Umibig, Nagka-anak, at muling Nasaktan..
Ngunit patuloy pa ring LUMABAN sa buhay..
Paano nga ba maging Masaya at Kuntento sa ating Buhay? Ang magkaroon nang Kayamanang Pinansiyal? o.. Magkaroon nang Tapat na Kasama sa Buhay?