Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

7 Last Letters

stoneheart08
--
chs / week
--
NOT RATINGS
30k
Views
Synopsis
Ito ang kwento ng dating tayo. Based on real life events.
VIEW MORE

Chapter 1 - 7 Last Letters

1st

June 7,2019

7 last letters ang pamagat ng istoryang to, a tribute to our story which I think is worth telling. Baka sakali may matutunan yung makakabasa at masalba nila ung relationship nila at ng hindi magaya satin, or baka makarelate sila, or may mapulot na aral.

I have been posting each letter every 7th day of the month for the last seven months. So today is the first letter. My first entry. I hope you keep up. Masaya to promise. Noon ko pa to gustong isulat, noon ko pa gustong ikwento, naghihintay lang ako ng pagkakataon, hinihintay ko kasi kung ano yung wakas. Kung happy ending ba or sad.

Umpisahan ko na? Game?

Bakit 7? Maraming dahilan. Seven. Kasi paborito natin tong numero. Natatandaan mo pa ba?

Pito, kasi favorite number ni God. It is usually seen many times in the Bible. Ikaw nagencourage sakin para mapalapit kay God.

Pito, kasi ayon sa plaka ng puting sasakyang nakita mong nakaparada malapit sa may hospital sa Balitucan: SGN 777.

Sa Ika-pitong araw ng pang-labingisang buwan nung naging tayo. Taong dalawang libo at pito.

At meron pa kong eksaktong pitong buwan mula ngayon bago matapos ang taong ito. Siguro by that time, may mga sagot na sa mga tanong ko. Siguro by that time malinaw na satin ang lahat kung bakit kailangang mangyari ang mga dapat mangyari. Kung bakit naging malabo yung dating malinaw. Kung bakit kinailangan nating sumuko. At sa marami pang tanong na "Bakit?"

Sa ngayon, hayaan mo muna akong magkwento ng tungkol satin. While I still can. While I still can remember.

Hindi ko alam kung anong nararapat na itawag, Coincidence? Siguro. Tadhana? Pwede. Basta ang alam ko, ang dami nating pagkakapareho, kaya una nating tinawag ang isat isa ng "Soulmates."

Sinong mag-aakala diba? Walang nakaisip na tayong dalawa ay magtatagal. Di nga nila akalain, pano ba naman kasi halos lahat ng mga kasabayan nating relationship eh nagsipaghiwalay na. Feeling ko nga non pinagpupustahan nila tayo kung kelan tayo susunod sa kanila, hahaha pero hindi tayo naghiwalay, naging matatag tayo.

Isa, dalawa, tatlo…

Pagkalipas ng sampung taon, asan na nga ba tayo?

Andito na tayo sa dulo.

Kamusta ka? Magdadalawang taon na.

Naaalala ko pa ang lahat, malinaw pa sakin kung san nagsimula, kung pano tayo nagkakilala, kung pano tayo naging magkaibigan, kung pano nahulog ang loob sa isat isa, kung paano naging tayo. Mahirap, mahirap kalimutan, sabi nga sa isang pelikula: minsan traydor ang mga alala.

June 2007. We were college classmates. Block section. No, it wasn't a love at first sight thing, it was the opposite. Inis ako sayo non, nayayabangan ako, ewan ko kung bakit. One time kasi, nakita ka ng friend ko sa kalye at tinawag pero hindi na lumingon, from that day on nayabangan na ko sayo. Pero lahat ng classmate natin bait na bait sayo. Until one day, nagkasama tayo sa provincial duty at nagkataong ikaw lang ung kilala ko, so no choice ako kundi makipagclose kahit na ayaw ko.

At dun na nagsimula ang lahat, Balicutan, Pampanga. Sept. 2007. Sabi mo first time kang nakakita ng babaeng kumakain ng isaw at hindi maarte at kayang makipagsabayan sa mga lalake. That time, kaclose ko na kayo ni allan at jd, at coco, ako lang ung nagiisang babae na nakikipagsabayan sa inyo sa kalokohan. Dun ko nadiscover na mabait ka pala at masayang kasama, matalino at nagkakaparehas mga trip natin.

Naalala ko pa dati nun, nagkwekwentuhan tayo nakakatakot, eh sa sobrang matatakutin ko nagpabantay ako sayo hanggang sa makatulog ako. Kwentuhan lang tayo ng kwentuhan sa taas ng double deck. (*insert fall for you by secondhand serenade. )

Fast forward to November 2007. We were not just a couple, but we were also best friends, palagi tayong magkasama, at palagi pa nga tayong napagkakamalang magkapatid kasi magkamuka daw tayo (ikaw ang Kuya haha).

You know my weaknesses, my strength, what makes me happy, what makes me sad. You were the greatest fan of my life. And ganun din ako sayo. We were each other's first text in the morning, and last text at night even though that time unli-txt and tawag were not so common and expensive para sa katulad pa lang natin na estudyante.

Sabay tayong nangarap, habang kumakain ng kwekwek, fishball, cheese stick, siomai at isaw don sa may likod ng AMS building ng school natin o kaya sa may dambana.

Nagiipon ng bente bente sa baon natin na tinawag kong Efund para pagpatak ng anniversary natin pwede tayong kumain at may pambili tayo ng gift sa isa't isa.

Nangarap tayong kumain sa Itallianni's, Tokyo cafe, Zarks, kasi palagi na lang tayo non sa Mcdonalds, pag medyo nakaluwag luwag minsan Tokyo Tokyo beef misono at favorite nating red tea nila. :) Pag naman nagpadala si lola mo ng pambaon, Greenwich overload pizza ang gustong gusto nating iorder. Pag sa school naman, laman tayo ng BK…tortang talong plus sabaw solb na.

We struggled together. Hindi naging madali. But I supported you, kahit ako lang yung naniniwala sayo nun, I stayed by your side because I know about your family's struggle, kahit di mo sinasabi, I know and I feel. Tahimik ka lang, sinasaloob mo lang. Hindi mo pinapahalata.

Kasama natin ang isa't isa, kasamang mabigo, masaktan, tumawa…maghirap.

Speaking of maghirap. Natatandaan mo pa ba nung walang wala tayo na kahit pambili ng paperclip hindi natin mabili sa Pandayan bookshop? Yung monthsary natin na sa lugawan sa may gilid ng Malinta lng natin sinelabrate kasabay ng mga alikabok at dumi sa gilid ng kalsada? Nagvovolunteer tayo sa may San Lorenzo Ruiz Womens Hospital. Syete pesos na lugaw tig-isa tayo tapos hati sa tokwang may suka at maanghang na sili, solb na. Hahaha di ko malilimutan yun.

Ang tibay tibay natin non, lahat halos ng classmates natin na naging mgjowa nagkahiwalay na pero nagugulat sila satin nun kasi ang tagal tagal na daw natin. Ultimo sumpa ng TCAP at nursing board exam nalampasan natin, pinatunayan nating hindi totoo ung kasabihan na mghihiwalay daw or isa lang ang papasa pag mag-jowa.. ang galing galing natin. I'm so proud of us. Hello?! Sabay tayo gumraduate, nagboard exam at pumasa. Wala lang, ang saya lang natin nun, kahit na wala tayong pera, kahit na hirap na hirap tayo kung pano itatawid ang bawat monthsary at anniversary. We have nothing but yet we still have each other and somehow that was okay.

Magkasama tayo lage pati sa first job hunting natin, kung san san tayo nakakapunta magpasa lang ng resume, Ortigas, Makati, Edsa pati malalayong hospital. We were so positive, fresh graduate eh feeling kayang harapin ang mundo.

Una akong nagkawork satin.. naalala mo pa ba, Ako lage nagpupush sayo mag-apply, binibigyan kita nun lage ng P500 nahihiya ka tanggapin kaya sinasabi ko binabawas ko sa efund natin pero ang totoo wala na tayong pera nun sa Efund natin.

Naalala mo nahulugan ka ng P500 sa SM Manila, habang hinihintay mo ko sa meeting namin? Halos mangiyak ngiyak ka na non kasi gutom ka na pero hinintay mo ko. Naalala ko pa non, lage mo pa ko hatid sundo sa may Edsa LRT kahit na minsan sabi ko kaya ko naman, pero hindi ka pumapayag kasi gabi na, tapos minsan sa monumento LRT na lang sa tapat ng jollibee pagbaba ko meron na kong sundae float kasi favorite ko un.

Actually makita lang kita nawawala na lahat ng pagod ko.

Pati Christmas party namin first time sasayaw yung mga bagong empleyado, " Make your papa proud." Sabi mo. Hahaha kasi tawag ko sayo papa____. Hahaha natatawa ako pag lage mo sinasabi yung linyang "Alam mo naman ang papa mo…" Usually pag may nagawa kang nakakaimpress or napuri kita na ang galing galing mo.

Hanggang sa magkaron ka na ng work sa Watsons. Tapos meron din sa Phil. Cancer research, tapos sa networking… ang dami.. ang dami dami nating pinasukang trabaho at ang dami dami ring nating pinagdaanan na akala ko hindi natin makakayanan, but we did. Nalampasan ung 4-year-itch, na sabi mo every year naman itch satin.

Sabay tayong nangarap, sabi natin mag-aabroad tayo para makapagipon para sa future. Saudi, Dubai. Qatar, mostly middle east ang opening. Naalala mo pasado ka ng Prometrics? Sobrang proud ako sayo nun. 1 take ka lang. Palage kitang ineencourage, todo support ako sayo, sobrang the best yung team natin dalawa kasi swak na swak yung mga utak natin, in short, we compliment each other.

America is so hard to reach, although eto talaga target ng karamihan. Kaso magastos din, at dahil maliit lang naman ang mga sweldo natin at sobrang daming nurses na puro freeze hiring na lang sa lahat ng applyan, sobrang imposible para satin to get there since wala naman tayong solid hospital experience. Pero hindi naman tayo nawawalan ng hope. Lage tayo bumibili ng Manila Bulletin tuwing after sunday church natin.

Pero gaya ng dati, hindi pa rin naging madali para satin ang lahat kahit nagwowork na tayo. Denied ang visa application ko sa Sweden. Hindi madali para sa lalaking nurse ang matanggap sa Middle East dahil mas prefer nila ang female nurses. Sa UK naman, need ng maraming pangshow money. Haaay halos mawalan na ko ng pag-asa nun, but because our relationship was God-centered and we were a praying couple, a sudden twist of fate came. Minsan, kung ano pa yung hindi mo inaasahan, yun pa yung nangyayari noh?!

A new door opened. Something na sa hinagap walang makakaisip na mangyari. Ang galing talaga ni God.

*to be continued