Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 185 - Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 10

Chapter 185 - Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 10

Zeus: Lapastangan!!! galit na galit na sinigawan ni Zeus ang anak na si Ares bago inilahad ang mga palad, layon ay utusan ang maso at kidlat na bumalik sa kanyang mga kamay bilang kanyang pag aari.

Nabigo si Zeus na pasunurin ang kidlat at maso, hindi niya inaasahang si Ares na nga ang kinikilalang tagapangalaga nito.

Tahimik naman nakikinig sa bungad ng pinto si Arnie at ang tatlong usyosero sa dramang naga ganap sa loob, ngunit handa si Arnie anumang oras dahil alam niyang may pagla laban na maga ganap doon.

Namumula naman sa galit ang mukha ni Zeus, ikinumpas niya ang kanyang kamay upang mag umpisang umatake sa kanyang anak na si Ares gamit ang kanyang lakas at kapangyarihan.

Isang malakas na buhawi ang biglang lumitaw sa kung saan at inatake ang naka tayong si Ares na buong yabang namang hinintay ang padating na buhawi.

Sinalubong nito ng kidlat at maso ang pag dating ng buhawi.

Boooooooooooooooommmmmm isang napaka lakas na putok at pag alog kasabay ng gumuguhit na kidlat ang namayani sa paligid. Sabay na umilandang si Ares at Zeus habang si Arnie ay hindi man lang natinag sa kanyang kinatatayuan.....

Sa malas ay hindi handa ang tatlong usyosero sa labanang mangyayari, nahagip sila ng malakas na buhawi ang maso naman ay sa tabi nila bumagsak at muntik na silang tamaan habang ang mga kidlat ay doon tumama sa mismong tapat ng kanilang iniingatang bagong tuli,tinupok ng kidlat ang daster na kanilang suot pati na ang balahibo sa kanilang binti habang nagpa gulong gulong ang tatlo sa lupa kasabay ng malakas na sigaw dahil sa sakit.

Prinsipe Borjo, Kabatao, at Kabayuhan: awwwwwwwwwwww ang sabay sabay na sigaw ng tatlo.😫😫😫

Arnie: aba naku!!! okay lang ba kayong tatlo??? ang tanong ni Arnie na mabilis na nilapitan ang tatlo at tinulungang pagpagin ang natupok na harapan ng daster ng mga ito. Dahilan upang lalong mapasigaw ng malakas ang mga ito.

Kabatao, Kabayuhan, Prinsipe Borjo: AWWWWWWWWWWWWWWW ang muli ay sabay na sigaw ng mga ito

Si Zeus naman at Ares ay inot inot na bumangon mula sa pagkaka higa sa lupa ng sila ay parehong umilandang at tumilapon ng may kalayuan.