Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 184 - Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 9

Chapter 184 - Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 9

Dahan dahag humakbang si Arnie at lumapit sa malaking pinto ng tila maliit na palasyo sa laking bahay. Bigla niyang itinulak pabukas ang pinto na ikina gulat ng bathalang nasa loob.

Ikaw??? anong ginagawa mo dito??? ang galit na sigaw nito kay Arnie habang hawak sa kamay ang maso.

Arnie: ah..... eh... wala naman, napadaan lang. Bakit??? Masama ba??? ang tila nakaka insultong tanong ni Arnie.

Abat!!! umalis ka dito!!! kung ayaw mong mapa hamak at matulad sa iba!!! ang malakas na sigaw nito.

Si bathalang Zeus naman na narinig ang kaguluhan sa loob ay hinawi ang tatlong naka daster upang maka pasok, hangad ay awatin ang galit na bathalang nasa loob.

Zeus: Padaan nga!!! ang sabi pa ni Zeus na nag mamadaling maka pasok ngunit nag aalalang baka matamaan niya ang maselang parte na bagong tuli ng tatlong naka daster na naka harang sa kanyang daraanan.

Nan laki ang mga mata ni Zeus ng maka pasok sa loob at makita ang bathalang hawak ang kanyang maso sa isang kamay habang sa isang kamay nito ay kinokontrol nito ang kidlat.

Ares??? diyata at ikaw pala ang kumuha ng aking maso at kidlat??? Nasaan ang mga naunang mandirigma na inutusan kong mag hanap??? ano ang ginawa mo sa kanila??? Ang galit at sunod sunod na tanong nito sa anak na si Ares.

Ares: Ama kong bathala, kasama ka pala ng mortal na ito... mukhang may itina tagong galing ang mortal na ito ah??? nagawa ka niyang tulungan na makita ang maso at kidlat.

Zeus: tama na ang maraming satsat!!! isang kalapastanganan ang ginawa mong pagna nakaw sa kidlat at maso!!! Nararapat kang parusahan!!!

Ares: hahahaha ang malakas na tawa ni Ares na tumingin ng deretso sa mga mata ng ama.

Maka kaya mo kaya AMA??? alalahanin mong nasa akin na ang kidlat at maso ako na rin ang kinikilala ng mga ito bilang tagapangalaga.

Zeus: Lapastangan!!! galit na galit na sinigawan ni Zeus ang anak na si Ares bago inilahad ang mga palad, layon ay utusan ang maso at kidlat na bumalik sa kanyang mga kamay bilang kanyang pag aari.