Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 166 - Chapter 77: Napipintong Digmaan???

Chapter 166 - Chapter 77: Napipintong Digmaan???

CMalungkot na nag tungo sa loob ng palasyo si Zeus, nag aalala siya na kung hindi makita agad ang kanyang nawawalang kidlat at hammer ay di maiwasan ang Napipintong digmaan ng mga bathala. Maaari ring ma-gamit ang nawawalang kidlat at hammer ng kung sino mang kumuha dito, sa kasamaan.

Batid niyang may ilan sa mga bathala ang nais na makuha ang kanyang trono at posisyon bilang taga pamahala ng Olympus.

Malaki ang naging hirap niya bago napasa kanya ang trono at pamamahala, maraming buhay ng kanyang mga kapatid ang nawala at nasakripisyo bago niya nagawang talunin at paslangin ang kanyang ama.

Si Zeus ay ika-anim na anak ni Cronus at Rhea Bathala at pinuno ng mga Titans.

Natakot ang kanyang ama na si Cronus na Bathala at pinuno ng mga Titans, na baka isa sa kanyang mga anak ang pumaslang sa kanya at umagaw ng trono gaya ng ginawa nito sa kanyang ama. Kung kayat kinakain niya ang kanyang anak pagka silang pa lamang nito.

Ang asawa ni Cronus na si Rhea ay gumawa ng paraan upang hindi na makain ni Cronus ang kanyang ika-anim na anak, si Zeus. Binigyan niya si Cronus ng malaking tipak ng bato na kanyang binalot sa lampin ng kanyang sanggol upang siyang ipakain kay Cronus.

Itinago ni Rhea si Zeus kay Cronus hanggang sa ito ay lumaki at maging isang malakas na bathala. Kinalaunan, nilabanan ni Zeus ang kanyang ama at pinaslang ito na naging dahilan upang siya ang hiranging bagong pinuno ng mga bathala.

Ngayon nangangamba si Zeus na isa sa kanyang mga anak ang nagha hangad na siya ay paslangin o mag pasimuno ng kaguluhan at digmaan.

Kinakailangang mahanap niya kung sino ang nag nakaw ng kanyang kidlat at maso sa lalong madaling panahon.

Sa loob ng palasyo ng Olympus, sinalubong siya ng mga tagapag lingkod. Ibinalita ng mga ito na naihatid na nila ang mortal at mga tikbalang sa kani kanilang silid. Sinabi rin nila na maging si Neptuno ay naihatid na ng mga ito sa kanyang silid upang mag pahinga.

Tagapag Lingkod: Bathalang Zeus, dinulutan na po namin ng soup ang iyong kapatid na si Neptuno upang mabilis siyang maka bawi ng lakas....

Zeus: ah... mabuti naman kung ganon... Ang mga panauhin??? Ang mortal at mga tikbalang??? Wala ba silang nabanggit na anuman??? ang pag uusisa nito sa mga tagapag lingkod.

Tagapag Lingkod: Wala po bathalang Zeus, namamahinga na po sa kanilang silid ang mga tikbalang. Tila po pagod na pagod din sila at nanghi hina gaya ni bathalang Neptuno.

Zeus: oh??? eh.... ang mortal??? nagpa pahinga na rin???

Tagapag lingkod: hindi po bathalang Zeus, gising na gising pa po siya at tila may hinihintay.....

Zeus: May hinihintay??? hindi kaya may kung anong pina plano ang mortal na iyon laban sa akin, kung kaya't nandirito siya sa Olympus??? ang nangangambang bulong ni Zeus.

Lingid sa kaalaman ng kanilang mga panauhin, ang kanilang mga silid ay may salamin kung saan napapanood at nalalaman ng mga tagapag lingkod ang kanilang bawat kilos o galaw.

Sa pahintulot ni Zeus ay malaya nilang nakita ang mga kilos ng panauhin maging ang pagpa palit ng anyo nila Borjo bilang anyong tao.

Humanga sila sa angking kakisigan ni Borjo,ganon din ng dalawang kasama nito. Si Kabatao, at Kabayuhan.