Gulat na gulat na nilapitan at inusisa ni Zeus ang kapatid, muntik niya na itong hindi makilala dahil sa ayos nito na daig pa ang gusgusing palaboy. Punit punit ang kasuotan nito at nanlilimahid sa sukang nakakulapol sa buhok, bigote at balbas. Namumutla rin ito na tila hindi pina - kain ng ilang araw.
Neptuno: Hayyy sa wakas nakarating din kami, Kuya Zeus maari bang mamaya mo na lang ako tanungin??? Pabayaan mo muna akong makapasok sa loob upang makapag linis at makapag pahinga. Nahi hilo pa ako. Ang maagap na sagot ni Neptuno kay, Zeus.
Maagap namang inalalayan ni Zeus ang nakaba batang kapatid, tinawag niya ang isang taga pag lingkod upang mag handa ng silid para sa mga bisita, at mag handa ng pag kain.
Sukat sa narinig na salitang pagkain ay namilog ang mga mata ni Arnie. Hinarap nito ang mag kapatid at tumulong sa pag alalay kay Neptuno.
Arnie: Bathalang Zeus, bayaan mong tulungan kita sa pag akay sa iyong kapatid na si Neptuno. Ang agad na pagpi prisinta ni, Arnie.
Zeus: Ah, mabuti pa nga..... ang sagot naman ni Zeus na kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha dahil sa maasim na amoy ni Neptuno...
Nang makarating sa loob sinalubong sila ng mga taga pag lingkod at tinulungan si Neptuno pa pasok sa isang silid upang maligo at mag palit ng damit.
Si Arnie naman at ang tatlong tikbalang ay naiwan sa bulwagan. Bakas pa rin sa mukha nila Borjo, Kabayuhan at, Kabatao ang hirap na dinanas sa kanilang pag la lakbay.
Ilang sandali pa ang lumipas, may apat na taga pag lingkod ang lumapit sa kanila at binigyan ang tatlong tikbalang ng damit na pwede nilang isuot upang matakpan ang mga balat nilang naahit ang mga balahibo.
Tinanggap ng tatlo ang damit at sinamahan sila ng mga taga pag lingkod sa kani kanilang magiging silid bilang panauhin ng Olympus.
Si Arnie naman ay sinamahan ng isa sa mga taga pag lingkod sa silid na kanyang tutuluyan habang naro-roon sila sa Olympus.
Nag ta- takang napalingon si Arnie sa bahagi ng kusina ng palasyo kung saan nang-ga-galing ang masarap na amoy ng pag kain.
Sa loob ng silid, inabutan si Arnie ng damit na pamalit ng taga pag lingkod, bagamat malinis at maayos ang damit na suot ni Arnie, naisip ng taga pag lingkod na kakailanganin din nitong maligo at mag palit ng kasuotan.
Matapos iabot kay Arnie ang damit, itinuro nito ang paliguan (bathroom) upang maka pa ligo si Arnie at maka pag palit ng kasuotan.
Mag ta-tanong pa sana si Arnie kung anong oras sila du-dulog sa hapag kainan, ngunit mabilis ng tumalikod at umalis ang taga pag lingkod upang mag balik sa bulwagan.
Arnie: eh??? umalis agad??? sayang... itatanong ko pa naman sana kung anong oras kami ka kain..... Ang napa pa kamot sa ulong bulong ni Arnie sa sarili.
Ang tatlong tikbalang sila Borjo, Kabayuhan, at Kabatao ay nag bago ng anyo at nag anyong tao matapos lumabas ang taga pag lingkod na nag hatid sa kanila sa kani kanilang silid.
Naligo sila at isinuot ang damit na ibinigay ng mga taga pag lingkod. Matapos mag palit ng kanilang kasuotan ay mina-buti ng tatlo na mag pahinga muna upang mabawi ang kanilang lakas.
Hihintayin na lamang nilang tawagin sila ng taga pag lingkod bago sila lumabas ng kanilang silid.
Si Neptuno naman ay nang- hi-hinang nahiga sa malaki at malambot na higaan matapos paliguan at bihisan ng mga taga pag lingkod.Ang ilan sa mga ito ay salitang pina paypayan si Neptuno na namumutla pa rin.
Dinalhan siya ng mga ito ng soup upang maka bawi ng lakas at mawala ang pamumutla sanhi ng hilo at matinding pag-su-suka.
Sa labas ng palasyo ng Olympus naroon pa rin si Zeus at itinuloy ang pag pu pulong sa mga mandirigma ng Olympus na mag ha hanap sa nawawalang kidlat at hammer.
Kasalukuyan niyang pinupulong ang lahat ng lumapit ang isa sa kanyang mga anak.