Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 163 - Chapter 76: Sa Wakas Nakarating Din

Chapter 163 - Chapter 76: Sa Wakas Nakarating Din

Makalipas ang halos dalawang oras na pagla lakbay, sinapit nila ang Entrada ng Olympus.

Nakahinga ng maluwag ang tatlong tikbalang ng makalabas sila sa portal.

Neptuno: Sa wakas!!! Nakarating din!!! Ang hilong hilong bulong ni Neptuno sa sarili. Marahil kahit bayaran siya o bigyan ni Zeus ng malaking kayamanan hinding hindi na siya sasabay pang mag lakbay kay Arnie gamit ang portal.

Prinsipe Borjo:😵😵😵

Kabatao: 😵😵😵

Kabayuhan: 😵😵😵

Arnie: oh??? Bakit ganyan ang ayos ninyo??? ang tanong sa apat ni Arnie ng mapag masdan niya ang itsura ng mga ito.

Namumutla ang mga ito, ang tatlong tikbalang si Borjo, Kabatao, at Kabayuhan ay pare parehong tabingi ang mukha habang ang kanilang mga balahibo sa binti ay muntik ng maubos at puno ng maliliit na sugat ang kanilang mga braso.

Si Neptuno naman ay punit punit ang kanyang kasuotang puti at wala na halos natira. punong puno rin ng suka ang buhok, bigote, at balbas nito. Namumutla rin at halos wala ng kulay ang dating mamula mula nitong pisngi.

Sabay sabay na napakamot sa ulo ang apat, kasabay noon ay may mangilan ngilang bahagi ng suka ang nalaglag mula sa ulo ni Neptuno.

Arnie: ah... di bale na, nandito na rin tayo. Doon na lamang kayo sa loob ng Olympus mag ayos at mag linis ng inyong mga sarili. Ang wika ni Arnie bago nagpati unang lumakad papasok sa loob ng Olympus.

Pagka pasok nila sa loob ng Olympus, namataan sila ni Zeus na noon ay nasa harap ng palasyo at pinupulong ang kanyang mga taga sunod o alagad upang hanapin ang nawawalang kidlat at maso o hammer.

Zeus: Neptuno??? Kapatid ko... ano ang nangyari sa iyo at ganyan ang iyong ayos??? At sino ang iyong mga kasama??? Mga tikbalang at tao??? Bakit mo sila dinala dito sa Olympus??? Ang sunod sunod na tanong ni Zeus sa nakababatang kapatid.