Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 147 - Chapter 71 : Masayang Pamamasyal 3 :

Chapter 147 - Chapter 71 : Masayang Pamamasyal 3 :

Aliw na aliw naman si Arnie na panay ang pose habang kinukunan ng video ng mga diver na nag sisunod. Abot din ang subo at ngasab nito sa pagkain habang nakasakay sa malaking kabibe.

Yamot namang binilisan nila Borjo ang pag langoy. Naiwan ang mga nanghihinayang na diver na hindi na nagawang makasunod pa.

Lumipas ang ilang oras, patuloy pa rin sa matyagang pag hila sa kabibe ang tatlong "sea horse " kahit nakadarama na ng pagod.

Hindi nila magawang istorbohin si Arnie, na noon ay nakatulog na sa kabusugan.

Tumutulo pa ang laway nito at malakas na nag hihilik, dahilan upang mabulabog at mag pulasan ang mga nahihimbing ng balyena at pating.

Makalipas ang halos isa pang oras, madilim na ang buong paligid sa ilalim ng karagatan. Nag kikislapan na rin sa langit ang mga bituin at maliwanag na maliwanag naman ang bilog na bilog na buwan .

Naalimpungatan si Arnie mula sa mahimbing na pag kakatulog, iniunat niya ang kanyang mga braso, kasabay ng isang mahabang pag utot.....

Arnie : ho....... hum....... naka tulog pala ako??? poooooooooooooooooooot........

ang mahabang pag pitada ng puwit ni Arnie, tanda na gising na nga ito.

Kabayuhan : Arnie........ hindi pa ba tayo babalik sa Atlantis? ang pagod at hindi maipinta ang mukhang tanong ni Kabayuhan. Halos maduwal ito sa baho ng utot ni Arnie, ngunit hindi nito magawang mag takip ng ilong dahil isa siyang sea horse, wala siyang mga paa at mga kamay....

Arnie : ah??? hindi pa ba tayo nag balik ng Atlantis? ang nagulat namang sagot ni Arnie.

Kabayuhan : " paano kaming babalik natulog siyang walang pasabi kung babalik na ba o hindi pa sa Atlantis " ang kunot noong bulong sa sarili ni Kabayuhan.

Prinsipe Borjo : 😬😬😬

Kabatao : 😬😬😬

Kabayuhan : Hindi pa ,nandito pa tayo sa pusod ng dagat sa karagatan ng Carrebean, hindi pa tayo nakabalik ng Atlantis. Hindi rin namin alam kung paano bumalik doon.

Related Books

Popular novel hashtag