Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 144 - Chapter 71 ; Masayang Pamamasyal

Chapter 144 - Chapter 71 ; Masayang Pamamasyal

Sakay ng malaking kabibe na hila nila Borjo Kabatao at Kabayuhan, animo nakasakay sa karwaheng hila ng tatlong kabayo na namasyal sa karagatan ng Carrebean si Arnie. Naka de - kwatro pa siya sa pag kakaupo na tila isang artista na pumaparada para sa isang film. festival.

Nadaanan nila ang cruise ship na pinang galingan ni Arnie, nagtatakang tiningnan ng tatlo ang cruise ship na halos hindi mag kamayaw ang mga taong sakay sa pag a upload ng video at pictures sa kanilang social media account upang ipakita ang umanoy resulta ng inakala nilang pag lindol sa dagat.

Kabatao : Arnie..... saan mo ba gusto pumunta at mamasyal??? ang naalalang itanong ni Kabatao matapos pag masdan ang cruise ship na kanilang nadaanan.

Arnie : hindi ba't sinabi mong ipapasyal ninyo ako? sige lang...... ituloy nyo lang ang pag langoy. ang nakangiting sagot ni Arnie na prenteng naka upo at nag uumpisa na namang kumain....

Nag patuloy naman sa banayad na paglangoy ang tatlo, nakasalubong pa nila ang isang patrol ship na marahil ay rumesponde sa panawagan ng cruise ship.

Halos lumuwa ang mga mata ng sakay ng patrol ship na nakakita sa kanila, dali daling kinuha ng mga ito ang kani kanilang camera at kinunan ng larawan at video ang kumakain na si Arnie sakay ng malaking kabibe.

ini upload ng mga ito ang mga larawan at video sa social media. Ang Title????

GODDESS OF THE OCEAN........

Sa kabilang dako, sa mundo ng mga tikbalang nag aalalang nagka tinginan ang mag asawang hari at reyna ng mga tikbalang ng malaman ang biglang paglalaho ng tatlo, sila Borjo Kabatao at Kabayuhan sa ginintuang hardin.

Hindi nila mawari kung sino sa mga kalaban ng kanilang lipi ang maaaring kumuha sa kanilang anak na si Borjo, ganon din sa dalawang alipores nito. Wala pa naman ngayon si Arnie, kung kaya't hindi nila magagawang humingi ng payo at tulong mula sa binibining itinakda.....

Malalim na nag iisip si Haring Boras ng nag mamadaling lumapit ang isa sa mga kawani ng palasyo, hawak sa kamay ang cellphones at tila tuwang tuwa.