Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 120 - Chapter 64 : Pagsasanib ng Liwanag 10

Chapter 120 - Chapter 64 : Pagsasanib ng Liwanag 10

Tinangka pang hipan ni Arnie ang buhok at mga basang kasuotan ng lahat

sa kagustuhang tulungan ang mga ito, ngunit agad itong pinigilan ng prinsipe

Borjo sa pag aalalang baka kung saan na naman sila tumilapon.

Ang mga tikbalang at enkantadong Usa naman na sumabit sa mga sanga ng

puno ay isa isa ng naka baba.

Haring Boras : A........ Arnie...... Kumusta na ang pakiramdam mo???

wala ka bang kakaibang nararamdaman sa iyong sarili? Ang maagap na tanong ni

haring Boras kay Arnie makalipas ang ilang segundo.

Arnie : ah!!! Haring Boras!!! Ang galing ninyo!!! Tama kayo.... May nararamdaman

nga akong kakaiba?!?

Haring Boras : ano iyon??? Ang agad na tanong ng hari habang ang lahat ay matamang

naghihintay sa isasagot ni Arnie habang ang tubig sa kanilang basang kasuotan ay tumutulo

at malayang dumaloy pabalik sa talon.

Arnie : ahhhh mmmmm nagugutom na ho ako!!! sabay hagod pa nito sa kanyang tiyan, na

sagot ni Arnie na ikinatigalgal naman ng lahat...

Pero........

Pakiramdam ko ho ay parang lalong lumakas ang taglay kong kapangyarihan, parang may mga

nabuksang pinto sa aking katawan na dinadaluyan ng isang napaka lakas at kakaibang enerhiya

Siguro ay iyon ang dahilan kung kaya't nagugutom na ako? Pag bibigay kaywiran pa nito sa

sarili, bago pumihit at nauna ng naglakad pabalik ng palasyo. Walang pakundangang iniwan

ang lahat na noon ay naka nga nga pa rin at hindi pa nakabawi sa kanilang narinig na una niyang

sinabi....

Arnie : ah??? Ano pa ang hinihintay ninyo? Tayo ng umuwi sa palasyo!!! Ang pag aaya nito ng

malingunan ang mga kasama na nanatiling nakatayo na tila mga tuyong tuod.

Pagkatapos noon ay agad ng tumalima ang mga ito upang sumunod sa

pag lalakad kay Arnie, ngunit...........

Laking gulat ng mga ito ng biglang lumipad sa ere si Arnie at tumatawang

nag hamon ng karera sa kanilang lahat.......

Ha ha ha unahan tayong makarating sa palasyo........ ang mahuling

makarating..... ......

May pendong sa ulo!!!! he he he