Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 100 - CHAPTER 62 : PAG - IIMBESTIGA 4 :

Chapter 100 - CHAPTER 62 : PAG - IIMBESTIGA 4 :

Naka hinga ng maluwag si prinsipe Borjo at mga kasama ng marinig ang malakas na sagot ni Arnie....

Nagpa pasalamat sila at hindi napahamak o nasaktan ang dalagang itinakda, marahil ay mauubos ang lahat ng kanilang balahibo sa katawan kung malalaman ng hari na nahulog ito sa loob ng bunganga ng bulkan...

Samantala sa loob ng bunganga ng bulkan....

Tumayo si Arnie mula sa pagkaka - upo sa malaking pulang bagay na tila itlog at walang anumang nag lakad sa kumukulong lava.....

Sinipat sipat nito ang pulang bagay, at sinusuri kung ano iyon...

ARNIE : hmmmmmmmmm ano kaya ito??? at bahagya pa niyang tinapik tapik ang tila itlog na malaking pulang bagay...

Tila naman natuwa na tumugon ang bagay na parang itlog, kumislap ito at lalong namula na para bang nahihiya pa sa ginawang pagtapik dito ni Arnie.....

Hmmmmm???? kuryosong sinipat na mabuti ni Arnie ang tila itlog na pula ng mapansin niyang medyo gumalaw ito.....

Itlog ka ba??? ang kuryosong tanong ni Arnie dito, tila naman nakaka intindi itong gumalaw muli ng banayad bilang pag sang - ayon.....

ARNIE : aha!!! kung itlog ka??? bakit ka narito???? niluluto mo ba ang sarili mo??? ang sunod sunod na muling pagta tanong ni Arnie, na umiral na naman ang pagka TANGA.....

PULANG ITLOG : 😨😨😨😨

May ilang saglit na nanatiling tahimik ang pulang itlog, tila hindi rin alam kung paano sasagutin ang napaka hirap na mga tanong ni Arnie.....

ARNIE : ah!!!! baby ka pa nga pala!!! hindi ka pa naka lalabas diyan sa iyong pulang shell.....

Marahil ay hindi mo pa naiintindihan ang mga sinasabi ko??? ang pagbibigay katwiran ni Arnie sa pananahimik ng pulang itlog....

kawawa ka naman.... gusto mo bang sumama sa akin sa kaharian ng mga tikbalang, ang muli ay tanong ni Arnie dito.....

Bilang pag sang ayon ay muling gumalaw ang pulang itlog....

Ilang sandali pa, nakarinig ng kakaibang tinig sa kanyang isip si Arnie, kinakausap siya ng pulang itlog sa pamamagitan ng brain waves??? o mas mabuti sigurong tawagin na yolk waves...

PULANG ITLOG : Pero... hindi ko alam kung paano ako aalis dito!!!! hindi rin ako maka aalis agad dahil kailangan ko ang init ng lava upang ako ay mapisa!!! ang mabilis na pag papaliwanag ng pulang itlog kay Arnie gamit ang yolk waves...

ARNIE : AH!!!!! ...ganoon ba???? huwag kang mag alala..... ako ang bahala sa iyo.....

ang sagot ni Arnie, saka ikinumpas ang isang kamay

Binalot ng liwanag na tila shield ang pulang itlog, kasama ang mainit na lava pagkatapos ay unti unti itong lumutang papunta sa mga kamay ni Arnie...

PRESTO!!!!! nasalo ni Arnie sa kanyang mga kamay ang pulang itlog, kilik ang pulang itlog na nababalot ng shield na liwanag at kumukulong lava, lumipad si Arnie palabas ng bulkang taal...