Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 96 - CHAPTER 61 : PAGSUBOK AT KALAMIDAD 6 :

Chapter 96 - CHAPTER 61 : PAGSUBOK AT KALAMIDAD 6 :

Matapos maayos ang lahat ng kagamitan nila Arnie sa apartment ng kanyang tiya na kanilang titirhan, bumalik na sa mundo ng mga tikbalang si Arnie kasama na sina Kabatao at Kabayuhan.

Malungkot na nag paalam sila Betty at Peter kay Arnie, ganon din si Lia, Jr, Yel, Morgana at Arriane....

Sila Lia at ang asawang si Yel pati ang dalawang anak ng mga ito ay sa susunod na araw uuwi sa kanilang bahay sa Gordon Street.

ARNIE : inay, itay aalis na po muna ako. Mag iingat po kayo lagi dito, ang pag papaalam ni Arnie sa ama at ina, bago sinulyapan ang mga kaibigan at kapatid.

BETTY : Mag iingat ka din lagi anak, sana ay dalawin mo kami dito paminsan minsan, ang sagot at hiling ni Betty kay Arnie.

ARNIE : sige po inay, pero baka hindi po ako maka pasyal agad dito sa mga susunod na araw....

tutulong po ako na alamin kung ano ang dahilan ng pagputok at pag aalburuto ng bulkan....

BETTY : hindi ba delikado ang gagawin ninyo anak? delikado ang bulkan kapag pumuputok, kalikasan ang mabigat na kalaban, ang nag aalalang tanong ni Betty sa anak.

ARNIE : siguro nga ay medyo delikado inay, lalo na hindi namin alam kung ano kakaharapin namin doon, ngunit nasa pag iingat naman iyon, hindi ba???

BETTY : Kaya nga mag iingat ka lagi, kung pwede nga ay huwag ka na lang sumama? baka mapahamak ka..... ang nag aalalang sagot at payo ni Betty.

ARNIE : oh sige inay, aalis na kami para maka pahinga na kayo madaling araw na rin....

BETTY : sige anak, mag iingat ka..... sabay yakap muli ni Betty sa anak. Pagkatapos noon ay pumasok na sa portal si Arnie, kasama sila Borjo Kabayuhan at Kabatao.

Sa palasyo ng mga tikbalang, tahimik na ang buong palasyo tanda na nahihimbing na rin sa pag tulog ang hari at reyna pati na ang mga taga pag lingkod ng palasyo.

PRINSIPE BORJO : magpahinga ka na muna Arnie, mamaya na lamang siguro natin malalaman ang plano ni ama para sa gagawing pag imbestiga sa bulkan.

ARNIE : mabuti pa nga, sige mahal na Prinsipe mag papahinga na muna ako, ang pag papaalam ni Arnie....

Samantala sa Taal, patuloy na nag aalburuto ang bulkan, marami ng bayan sa lalawigan ng Batangas at Cavite ang lubhang naapektuhan, maging sa Laguna ay marami rin ang ash fall.

ilang lugar sa Batangas ang ipinasyang mag karoon mg total lock down upang maprotektahan ang mga tao na nag tatangkang bumalik sa kanilang bahay.

Marami rin sa mga bahay ang tuluyang gumuho at mga daang nabitak ng dahil sa tuloy tuloy na pagyanig, sanhi ng patuloy na pagyanig...

Maging ang siyudad ng Tagaytay ay nanatiling walang suplay ng tubig at kuryente dahil sa mga abo na ibinuga ng bulkan...

Umabot na rin sa halos kalahating milyon indibidwal ang inilikas ng pamahalaan dahil sa patuloy na pag aalburuto ng bulkang taal.