Sa loob ng palasyo ng mga itim na nilalang dumeretso sa kanilang silid si prinsesa Karimlan na may agam - agam sa puso, doon ay nakita niya si Prinsipe Matuling na unti - unti ng pinapanawan ng lakas at buhay, ngunit patuloy na lumalaban sa kagustuhang makitang muli ang kabiyak na si Karimlan..
PRINSESA KARIMLAN : mahal ko nagbalik na ako, dala ko na ang tubig na mula sa mahiwagang bukal ang agad na sinabi ni Prinsesa Karimlan na agad lumapit sa kinahihigaan ng kanyang kabiyak.....
Agad niyang inilabas ang boteng sisidlan ng mahiwagang tubig.
Si Prinsipe Matuling naman ay unti - unting nag mulat ng kanyang mga mata ng marinig ang tinig ni Karimlan, nanghihina niyang iniangat ang mga kamay upang haplusin ang mukha ng kabiyak.....
PRINSIPE MATULING : mahal..... ko...
nagbalik... ka na.....
Ang nawika nito sa nanghihinang tinig .....
oo mahal ko ang sagot ni Prinsesa Karimlan, na agad binuksan ang takip ng boteng sisidlan ng mahiwagang tubig.....
Agad namang lumapit ang isa sa mga manggagamot ng palasyo at tinulungan si Karimlan na iangat ang ulo ni Prinsipe Matuling at painumin ng mahiwagang tubig.
PRINSESA KARIMLAN : inumin mo ang mahiwagang tubig mahal ko .... Ang winika ni Karimlan sa kanyang kabiyak, bago unti - unting ibinuhos ang laman ng boteng sisidlan sa nakabukang bibig ni Prinsipe Matuling.....
Matapos maibuhos at mainom ni Prinsipe Matuling ang halos kalahati ng laman ng boteng sididlan, bigla siyang nanigas at namilipit na tila ba nasasaktan.....
Aaaaaaaaaaarrrrrrrrrrrrgggggggggggggggggg
Ang malakas na sigaw ni Prinsipe Matuling na namimilipit sa sakit na nararandaman....
Nahintakutan si Prinsesa Karimlam at ang mga manggagamot ng palasyo ,inakala nilang may masamang epekto ang mahiwagang tubig sa katawan ni Prinsipe Matuling.....
Lumuluhang dinaluhan ni Prinsesa Karimlan si Matuling, nangangamba na baka huli na ang lahat, na baka hindi na mailigtas pa ang kanyang kabiyak....
PRINSESA KARIMLAN : mahal ko!!! anong nangyayari sa iyo??? ano ang nararandaman mo??? ang lumuluhang tanong ni Karimlan kay Matuling habang kalong sa kanyang kandungan ang ulo ni Matuling.....
Sa panggigilalas ng lahat, unti - unting tumigil sa pag sigaw at pamimilipit sa sakit si Prinsipe Matuling, ang kanyang putol na binti ay unti - unti ring tinubuan ng panibagong binti at paa.....
Maging ang itim na itim na kulay ni Prinsipe Matuling ay nanumbalik, palatandaan na ligtas na ito sa kamatayan....
Masayang masaya ang mga manggagamot ng palasyo, agad nilang sinuri ang kalagayan ng kalusugan ng prinsipe....
Si prinsesa Karimlan naman ay mahigpit na niyakap ang mahal na kabiyak...
PRINSIPE MATULING : Mahal ko, nakabalik ka ng ligtas... at masusing tinitigan nito si Karimlan, nag aalala na baka may tinamong sugat ang kabiyak....
Masuyong hinaplos naman ni Karimlan ang mukha ni Matuling bago ginawaran ng masuyong halik ang mga labi nito.....
Napatalikod ang mga manggagamot na nahiyang saksihan ang matamis na pagmamahalan ng magkabiyak...
Matapos noon ay isinalaysay ni Karimlan sa prinsipe at mga manggagamot kung paano siya nakakuha ng mahiwagang tubig, at kung paano siya tinulungan ng babaeng itinakda.....
PRINSIPE MATULING : sinasabi ko na nga ba, at may mabuting kalooban ang itinakda ...
Ganid sa kapangyarihan si ama, yon ang dahilan kung bakit gusto niyang bihagin ang itinakda, gusto niyang gamitin ang kapangyarihan ng itinakda upang sakupin ang buong mundo ng mga enkantado at mundo ng mga tao....
PRINSESA KARIMLAN : paano na? ano ang ating gagawin? alam nating lahat na batas ang utos ng iyong ama, dito sa ating kaharian....
Nakuyom ni Prinsipe Matuling ang kanyang mga kamao, nagtatagis ang bagang na nawika niya....
PRINSIPE MATULING : darating ang panahon na si ama mismo ang lilipol sa lahat ng ating lipi ng dahil sa kasakiman niya sa kapangyarihan....