Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 89 - CHAPTER 58 : SA KAHARIAN NG MGA ENKANTADONG USA 8 ;

Chapter 89 - CHAPTER 58 : SA KAHARIAN NG MGA ENKANTADONG USA 8 ;

Laking gulat ng hari sa nakitang repleksyon ng kanyang mukha sa screen ng cellphone

Si prinsesa Usana naman na bagaman at nagulat din ay nanatiling tahimik lamang na naka titig sa repleksyon ng kanyang mukha.

Ngayon pa lamang siya nakahawak at nakakita ng ganoon kagandang salamin, sa mga paminsan minsan niyang paglalakbay sa mundo ng mga tao ay limitado ang panahon at hindi siya nakikipag usap sa mga tao.

Tanging ang kanilang mga tagapag lingkod sa palasyo ang nakikipag usap at namimili sa pamamagitan ng pakikipag palit ng batong hiyas sa mga bagay na nais nilang dalhin pabalik ng palasyo.

JR : prinsesa Usana, hayaan mong turuan kita sa paggamit ng iyong cellphone. ang pagmamagandandang loob na pagpi prisinta ni Jr na lumapit sa kina uupuan ng prinsesa.

PRINSESA USANA : huh!!! may iba pa bang gamit ang bagay na ito bukod sa pagiging salamin? ang nalilitong tanong ng prinsesa.

JR : ganito ang pag gamit ng bagay na iyan mahal na prinsesa, at inumpisahan ng turuan ni Jr si Usana, habang si Kabatao ay tinuruan na rin ang hari...

malakas ang signal ng Wi-Fi maging sa kaharian ng mga enkantadong usa tila ba may kakaiba at malakas na antenna ang sumasagap ng internet signal sa lupain ng mga enkantado...

Laking tuwa ng hari at prinsesa ng matutunan ang pag gamit ng cellphone lalo na ng matutunan nila ang pag gamit ng messenger instagram at facebook pati na ang pag selfie at pag live video....

ARNIE : mahal na hari, kami ng itay ay magpapaalam na muna at mauuna na kaming pumasok sa aming mga silid upang magpahinga.

ang pagpa paalam ni Arnie sa hari na tanging pag tango lamang ng ulo nito bilang pag sang ayon ang kanyang nakuhang tugon mula rito.

Samantala si Prinsesa Karimlan ay nasa labas na ng kaharian ng mga itim na nilalang at naghahanda sa paglisan patungo sa lupain ng mga enkantado, habang ang kanilang punong ministro ay pilit na pinakiki usapan ang prinsesa na huwag nang ituloy ang binabalak na pag alis.....

PRINSESA KARIMLAN : ipag paumanhin mo ministrong itim, ngunit sa mga sandaling ito ay hindi ko magagawang sundin ang iyong payo.....

Buhay ng aking mahal na asawa ang nakataya sa pag lisan kong ito, susuungin ko ang anumang panganib mailigtas lamang ang aking mahal..... Ang desididong pahayag ni Karimlan.

MINISTRONG ITIM : Nauunawaan ko ang iyong nais gawin, ngunit ....hindi ba pwedeng mag utos ka na lamang sa ilan nating tauhan?

PRINSESA KARIMLAN : marami rami na din ang nasawi sa ating mga tauhan, isa pa kilala na sila ng babaeng itinakda, malalagay lamang ang kanilang buhay sa panganib

MINISTRONG ITIM : tumango tango ito bilang pag sang ayon sa sinabi ng prinsesa

Tama ka mahal na prinsesa, ngunit sa palagay mo ba??? ikaw ay hindi nila makikilalang isang itim na nilalang sa unang tingin pa lamang? ang balik pang tanong nito sa prinsesa...

PRINSESA KARIMLAN : tama ka ministrong itim, ngunit isa akong babae, marahil ay magagawa ng itinakda na unawain ang aking damdamin bilang isang babae, ang sabi pang muli ni Karimlan, na nag umpisa ng maglakad palayo...

paalam ministrong itim bantayan mo ang aking prinsipe hanggang sa aking pagbabalik.