Nagpatuloy sa paglalakbay sila Arnie papunta sa kaharian ng mga tikbalang, malayo layo rin ang kanilang nilakad.
JR : prinsipe Borjo hindi ba pwedeng mag teleport na lang tayo papuntang kaharian ng mga Enkantadong Usa?
sobrang layo na nang nilakad natin, tumigas na ang mga muscle ko sa binti sa kalalakad pero hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakakarating.....
ang reklamo ni Jr kay Prinsipe Matuling.
PRINSIPE BORJO : teleport? ano yon? nagtatakang tanong ni Borjo.
JR : 😅😅😅 ah.... eh ...iyon ang isang uri ng paglalakbay na mas mabilis pa sa pag gamit ng portal.
iisipin mo lang kung saan mo nais pumunta at....
PRESTO!!! Makakararating ka na sa gusto mong puntahan sa isang kisap ng mata ... ang pagpa - paliwanag ni Jr.
PRINSIPE BORJO : Hmmmm mukhang maganda nga at konbinyente ang sinabi mong iyan, ngunit tanging portal na lagusan lamang ang aming gamit dito, at hindi namin nagagamit ang portal sa pag punta sa ibang kaharian. Ang nahihiyang sagot ni Borjo kay Jr.
JR : ganoon ba? sayang naman....
ate!!! ikaw ba??? hindi mo ba kayang gawin yon???
ang baling na tanong nito kay Arnie na nasa unahan ng grupo, na tila ba alam at kabisado na ang daan ng kanilang pupuntahan....
PETER : Jr , maano bang tigilan mo na ang kalokohan mong iyan!!! nagawa na nating mag lakad ng malayo, bakit kung ano ano pa ang teleport na sinasabi mo????
PRINSIPE BORJO; 😬😬😬 ahe he he maaari ka naman muling sumakay sa likod ng isa sa mga kawal kung ikaw ay napapagod na.... ang naisip na suhestyon ni Borjo.
PETER : pabayaan mo siya Prinsipe Borjo, kung talagang may pagtingin siya sa Prinsesa at Diwata ng mga Enkantadong Usa...
dapat lang na maghirap at mag tiyaga siya!!! ang nayayamot sa anak na sagot ni Peter sa suhestyon ni Borjo.
walang nagawa si Borjo at Jr kung hindi ang magkamot na lang ng kanilang ulo dahil sa tinuran ni Peter.
SAMANTALA....
sa kaharian ng mga itim na nilalang galit na galit si Haring Karumog ganon na rin ang Hari ng mga Balakyot na si Haring Balakubak ...
galit na minura at paulit ulit na dinuro ni Haring Karumog ang anak na si Prinsipe Putuling (Matuling)
HARING KARUMOG : wala ka talagang silbi!!! ano ang mangyayari sa kahariang ito kung ibibigay ko sa iyo ang pamumuno ??? simpleng simple lang ang gagawin ninyo!!! hindi ninyo pa magawa gawa???
Si haring Balakubak naman na ang balbas ay halos sumayad na sa lupa ay tiningnan ng masama ang kanyang mga tauhan na malaki lang ng ilang pulgada sa bote ng coke
hindi nito magawang sumabay sa galit ni Haring Karumog dahil sa takot sa mga mabalasik nitong mata...
Umiiyak na dinaluhan ni Prinsesa Karimlan kabiyak ni Prinsipe Matuling ang asawa.....
PRINSESA KARIMLAN : amang hari, patawad kung muling nabigo ang aking asawa sa pagkuha sa babaeng itinakda, ngunit nakikita ninyo naman ang sinapit ng iyong anak, naputol ang kanyang binti !!!
Ayon sa mga tauhan natin lubhang malakas ang taglay na kapangyarihan ng itinakda kung kaya't wala silang nagawa!!!
HARING KARUMOG : ah!!! tama na ang pangangatwiran!!! dahil sa katangahan niya kung kaya't naputol ang kanyang binti !!! ang galit na sawata ni Haring Karumog sa sinasabi ni Prinsesa Karimlan...
Umiiyak na yumuko si Prinsesa Karimlan, habang hawak ang putol na binti ng asawa at kalong ang ulo nito na tila nanghihina na...
Patuloy naman sa paglalakbay sila Arnie papuntang kaharian ng mga Enkantadong Usa, inabot sila ng dapit hapon bago nila narating ang malaking puno ng mangga na ginto ang bunga, nagsi silbi itong boundary ng kaharian ng mga tikbalang at kaharian ng mga enkantadong usa.