Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 81 - CHAPTER 57 : PANIBAGONG ENGKWENTRO 5;

Chapter 81 - CHAPTER 57 : PANIBAGONG ENGKWENTRO 5;

Ate!!! ang narinig ni Arnie na pag gibik ng kapatid na si Jr habang pilit na sinisipa ang balakyot na nakakapit sa kanyang paa

Si Prinsipe Matuling naman ay pilit pa ring hinihila sa kamay si Jr

habang ang ibang mga balakyot at itim na nilalang si Prinsipe Borjo at mga kawal na tikbalang ay pan - samantalang nahinto sa paglalaban at tulalang nakatingin kay Arnie.

ARNIE : IKAW NA IMPAKTO KA!!! AYAW MO TALAGA TUMIGIL HUH??? ang galit na sigaw ni Arnie habang ang mga palad ay nakatutok kay Prinsipe Matuling at sa Balakyot....

Muli biglang may lumabas na kakaibang liwanag sa mga kamay ni Arnie, taliwas sa naunang tila deretsong liwanag lamang, isang tila boomerang ang lumabas na liwanag....

zzzzzzttttttttt zzzzxxtttttttt zzzzzzzztttttttttt ang malakas na tunog pa nito

JR : WOW !!!! BOOMERANG LIGHT!!! GO ATE ARNIE GO !!! ang sigaw ni Jr na nag cheer pa sa kanyang ate, hindi na alintana ang paghila sa kanya ni Prinsipe Matuling

Nahintakutan si Matuling sa nakitang liwanag na tila boomerang, nagtangka itong tumakbo ngunit huli na dahil malapit na sa kanya ang tila boomerang na liwanag.....

Mabilis ang naging kilos ng isang itim na nilalang na malapit sa kinatatayuan ni Jr, agad nitong itinulak si Prinsipe Matuling.....

naging dahilan upang ang boomerang na liwanag ay humati sa kanyang katawan bago ito naging abo ....

habang ang balakyot naman ay tinamaan sa leeg at naputol ang ulo, gumulong ang katawan at ulo nito na naging sunog na puno at puso ng saging....

habang si Prinsipe Matuling na minamalas pa rin ay nadale ang isang binti at naputol ng bumalik ang liwanag na boomerang sa kamay ni Arnie.

Mabilis ang naging pangyayari, dali daling tumakbo ang mga balakyot at nag lahong parang bula.....

habang ang mga natirang itim na nilalang ay mabilis na dinaluhan ang naputol ang binting si Prinsipe Matuling at tuluyan na ring nawala at nakatakas pabalik sa kanilang itim na kaharian.....