Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 63 - CHAPTER 51 : PAGSALAKAY

Chapter 63 - CHAPTER 51 : PAGSALAKAY

Masayang nagkatuwaan sa pag lalaro ng basketball ang mga tikbalang, panaka - naka ay maririnig mo ang kanilang sigawan at tawanan sa may patay na burol habang paminsan minsan ay makikita ang bola na gumugulong o bumabagsak mula sa puno ng balite kasabay ng malakas na pag alog nito.

Malakas ang tawa ni Borjo, na i shoot niya sa pamamagitan ng dunk ang bola ng basketball sa ginawa nilang ring sa malaking puno ng balite.

Nang maya-maya ay malakas na umalingawngaw ang boses ni haring Boras na galit na galit.....

HARING BORAS : anong kalokohan ito??? galit na tanong niya sa mga tikbalang na nagkakatuwaan

pabiglang naihagis ni Borjo ang bola na tumama sa mukha ni Kabatao dahil sa pagkagulat.

PRINSIPE BORJO : Amang hari? ipagpatawad ninyo, nakatuwaan naming maglaro ng basketball paliwanag nito sa haring tila umuusok na ang ilong sa galit.....

Lalong nag-init ang ulo ni haring Boras sa narinig na sinabi ng anak....

HARING BORAS: may oras pa kayong maglaro? Nalimutan ninyo na ba na nalalapit na ang ika - anim na pagbibilog ng buwan????

Sino ang nagbabantay sa itinakda upang pangalagaan ito laban sa mga balakyot at itim na nilalang? galit na usig nito sa prinsipe at mga tauhang tikbalang

Tila natutulog na naalimpungatan si Borjo at mga tauhan.....

totoong nawala sa isip nila ang nalalapit na pagbibilog ng buwan, ganon na rin ang pangangalaga sa kaligtasan ni Arnie

Nanginig naman sa takot si Kabatao at Kabayuhan, yuko ang ulong humingi ang mga ito ng tawad sa hari, bago nagpaalam at nagmamadaling umalis papunta sa mundo ng tao.

KABATAO : patawad po mahal na hari..... ngayon din po ay pupunta na kami sa mundo ng mga tao

KABAYUHAN; patawad po mahal na hari, aalis na po kami upang pangalagaan ang itinakda

at mabilis na umalis ang dalawa kasunod ang iba pang mga tikbalang

si prinsipe Borjo naman ay nakayukong nagpaalam sa hari bago nagmamadali na ring umalis....

PRINSIPE BORJO; magpapaalam na ako sa iyo ama kong hari

.

Samantala sa kabilang dako.....

Masayang nagku kwentuhan sila Arnie Morgana at Arriane habang hinihintay sa plaza ang mga kaibigan at kabaryo ni Arnie

Nang biglang sumulpot ang mga Itim na nilalang kasama ang mga balakyot....

si prinsipe Matuling ay parang kabuteng biglang sumulpot sa tabi ni Arnie at agad hinawakan ang kaliwang braso ni Arnie at sapilitan itong hinihila upang sumama sa kanya .

Ang mga tauhan naman ni Prinsipe Matuling ay sinalakay ang mga tao, bawat taong makita nila ay sinasaktan ng mga ito..

Si Morgana at Arriane ay abala sa pakikipaglaban sa mga itim na nilalang at Balakyot, nabigla man sila sa biglaang pagsalakay, nanatiling buo ang loob nila na nilalabanan ang mga itim na nilalang

Si Morgana ay agad na kinuha ang nakatagong maliit na balisong sa suot niyang boots at matapang na iwinawasiwas sa mga itim na nilalang na nagkamaling lumalapit sa kanya....

inundayan niya ng saksak ang isang itim na nilalang na agad yumakap sa kanyang binti....

laking galit at pandidiri niya ng matalsikan siya sa braso ng itim nitong dugo kung kaya't muli niya itong binigyan ng isang malakas na sipa

Si Arriane naman ay kaliwat kanang suntok at flying kick ang ginawa sa bawat balakyot habang pinipilit makalapit kay Arnie at Matuling...

Lahat ng mga tao na naglalakad at namimyesta ay sinasalakay ng mga itim na nilalang, nag panic ang karamihan at di malaman kung saan tatakbo,

ang iba naman ay nagtago at kinunan ng video ang nagaganap saka ini upload sa facebook at iba pang social media

maya -maya ay dumating ang mga tikbalang at tinulungan ang mga tao, nilabanan nila ang mga balakyot at itim na nilalang,

habang si Borjo ay biglang lumitaw na parang palitaw sa tabi ni Matuling at Arnie....

binigyan nito ng isang malakas na sipang kabayo si Matuling na naging dahilan upang mabitawan nito ang braso ni Arnie at tumalsik dalawang dipa ang layo.....

Mabilis niyang hinaklit sa bewang si Arnie at isinakay sa kanyang likod upang ilayo sa lugar na iyon.....

MORGANA : Nakita ni Morgana na pinipilit ni Arnie kumawala kay Borjo upang makalapit sa kanila, minabuti niyang pigilan ito.....

Arnie.....

go with him, you'll be safe with him.....

You need to be strong to fight these ugly looking creatures.....

You're The Chosen One, it's your fate and destiny you can't change it and you can't fight it....

Go ...

the world will be save if you're stonger than you are now...

we'll keep in touch through facebook okay?!?

pagkatapos sabihin ni Morgana kay Arriane ang mahabang speech inundayan niya ng malakas na suntok ang itim na nilalang na yumakap sa kanyang likuran....

MORGANA : DIE YOU MANIAC UGLY CREATURES sigaw nito sa munting impakto....

ARNIE : ( - ___ - )

BORJO (-__-)

ARRIANE (-____-)