PRINSIPE BORJO : BINANTAYAN? ?? parang tangang inulit ni borjo ang sinabi ni Kabayuhan na animo ay hindi naintindihan ang sinabi nito....
KABAYUHAN : opo bossing binantayan namin ang babaeng itinakda.... sagot ni kabayuhan habang si kabatao ay mukhang manok na tumutuktok ng bigas tumatango tango bilang pag sang -ayon.
PRINSIPE BORJO : bakit? saan? ba kayo pumunta?
KABAYUHAN : sa bayan bossing, bisperas ng pyesta ng bayan, nanood sila ng basketball!!!
PRINSIPE BORJO : basketball? ano yon?
KABAYUHAN : laro iyon bossing..... dapat siguro bossing matuto kayo ng larong iyon, pihadong matutuwa ang itinakda... palwanag nito na animo'y eksperto sa basketball.
KABATAO : oo nga po bossing... sang ayon naman dito ni Kabatao
PRNSIPE BORJO : paano ko matututunan? wala naman larong basketball dito sa kaharian...
KABAYUHAN : madaling lang yon bossing....
ganito lang oh!!!
saka ito pumulot ng bunga ng niyog at mabilis na tumakbong animo ay potro saka ibinato ang niyog sa isang butas upang i shoot....
SABLAY....
nagkakamot ng ulong muling bumalik sa dating kinatatayuan si Kabayuhan
KABAYUHAN : ahehe ganoon lang ang ginagawa bossing, kailangan i dribble muna bago ipasok sa ring
Pero kailangan bossing bolang goma na pang basketball para tumalbog pag I dribble saka dapat mataas ang ring
PRINSIPE BORJO : ganoon ba? sige..... bukas na bukas din ay bumili kayo sa bayan ng mga tao ng bola at gumawa kayo ng ring para mag sanay tayo ng basketball...
nakangiting utos ni borjo sa dalawang tauhan
KABATAO : ah bossing..... oo nga pala... may mga panauhin nga pala ang itinakda
dalawang babae na may kakaibang buhok.....
ang isa ay kagaya ni kabayuhan na may ginintuang buhok din.... hindi kaya mga tikbalang din sila?
PRINSIPE BORJO : tikbalang? kung tikbalang din ang mga iyon? pihadong mararandaman ni Arnie...
malakas ang pakirandam ni Arnie sa mga kakaibang nilalang na gaya natin...
Hindi ba ninyo inalam kung saan sila nagmula?
KABATAO : bossing mga dayuhan daw yata ang mga nilalang na iyon.....
dinig ko ay Amerikana daw sabi ng ina ng itinakda.
PRINSIPE BORJO : AMERKANA??? anong klaseng nilalang ang mga yon?