tuluyan ng nagpaalam si Ka Tonyo, inihatid s'ya ni Peter hanggang sa labas ng bahay habang si Betty ay naiwan upang maghain ng hapunan.
JR; inay, totoo nga pala ang tikbalang at engkanto!!! naku ako ay muntik pang nadagil ng kung anong lumabas sa bintana kanina ay!!! randam na randam kong parang may kabayong tumalon sa aking tabi!
Betty; anak totoo ang mga tikbalang at iba pang nilalang, dangan nga laang at hindi natin sila nakikita, pero sang ayon sa bibliya. sila ang mga anghel na nahulog mula sa langit.
kaya kayo ni Loida ay dapat din mag ingat a tuwing papa ilaya.
JR; opo inay, hindi na rin ako basta maghuhukay ng kabute sa punso pagbibiro pa ni JR
Loida; Kuya Jr bakit dati sabi mo sa'kin, hindi totoo ang mga nuno at tikbalang? tanong ni Loida
JR; abay luko ang batang ito ah! paanong di ko sasabihin yon!?! gusto mo kada punta ng ilaya nakabaliktad ang damit mo! pati ako dinadamay mo pa!
Betty; tigilan nyo na nga iyang bangayan nyong magkapatid, tawagin nyo na ang tatay nyo sa labas at ng makakain baka pati si Rosanne ay makatulog ng hindi naghahapunan saway ni Betty sa magkapatid.
Matapos ang hapunan binuhat ni Peter ang anak na si Arnie paakyat sa hagdan upang mailipat sa higaan sa kwarto sa itaas.
mahigpit na binilinan ni Betty si Loida na wag nang gumala sa mga kaibigan upang may kasama sa kwarto si Arnie. mapayapang nakatulog ang mag anak.